30 April 2007

MARIA...MARIA


ACT I

Opening sequence:
The singing of the National Anthem, followed by the entrance song of Twentieth Century Fox, conducted by the actor…another actor appears with the head of a lion between the curtains and growls like a cat…


SCENE 1:

(Curtains open with different people on stage)

SONG: THE HILLS ARE ALIVE WITH THE SOUND OF MUSIC…
(Everybody looks up in anticipation…
WITH THE SONG THEY HAD SUNG FOR A THOUSAND YEARS…

POSTMAN: Maria! Maria!
MARIA: bakit po?
POSTMAN: May sulat ka…galing agency…
(kukunin ni Maria ang sulat at magtatatakbo sa tuwa patungo sa kanyang inang naglalaba…by this time wala nang tao sa stage at nakapasok na sa entablado ang nanay ni Maria)
MARIA: Inay! Inay! May sulat na po ako galing agency! May trabaho na ako sa Maynila Inay!!!
INAY: Ano???!! Iiwan mo na ako? Ganyan ka naman e! o eto!
(Kukunin ang mga maleta na inuupuan) ayan ang mga gamit mo!!!
MARIA: Inay naman… (Pause)
Basta may trabaho na ako…
(nag-exit na ang nanay, at nag-umpisang kumanta si Maria…pupunta siya downstage upang parahin ang isang pedicab…ngunit since hindi kaya ng pedicab driver na imaneho ang pedicap upstage, pagtutulungan nila itong dalawa ni Maria, na ngayon ay pagod na pero tuloy pa rin sa pagkanta kahit nagtutulak…pagdating sa stage, sasakay ulit si Maria at iikot nang minsan pa ang pedicab at sa wakes ay bababa na rin si Maria…saka siya sisingilin ng driver)
DRIVER: (inis) Miss! Miss! ‘yung bayad mo! (Kakamot ng ulo)
MARIA: Ay! Sori Manong…(idudukot ang kamay sa bulsa) Magkano po ba? (humihingal pa)
DRIVER: one thowsant lang po! (nakangiti na)
MARIA: (gulat) Ano? One thawsant? Naloloko ka na ba?
DRIVER: Sa one thawsant ang nakalagay sa metro ko!
MARIA: May metro ka? … sa lagay mong yan may metro ka pa? E halos maubusan ako ng hininga sa pagtulak ng pedicab mong walang silbi may metro ka pa? Okay ka rin no?
DRIVER: eh sa anong magagawa ko? Ang layo-layo ng gusto mong puntahan…tapos…(ibubukas ang palad) bayad na kasi…
MARIA: O! ayan! Isakasak mo sa baga mo! Hmmmppp!!!! Sinisira mong good mood ko!
DRIVER: thank you miss ha?! You’re so super bait pala!!! Hehehe…
MARIA: Tse!
(pagkaalis ng driver ay tuloy pa rin sa pagkanta sa huling stanza ng kanta niya si Maria na mage-end in a high note…)

Lights off



SCENE 2:

(stage is now transformed into a part-house part-garden set)

MARIA: (palinga-linga) Naku! Ang ganda-ganda pala dine! Ang laki laki ng bahay niya…sino kaya magiging amo ko? Sana gwapo…hihihi…
(Kakatok na sana si Maria, nang may tumawag sa kanya. Isang lalakeng naka-sombrero, naka-tsinales…at may hawak na itak)
GABRIEL: Miss! Miss!
(Lilingon ngayon si Maria at masisindak dahil sa laki ng mama at sa hawak nitong itak, inisip niyang sasaktan siya nito at rereypin)
MARIA: (nagsisisigaw) Huwag po! Huwag Po! Maawa kayo sa akin!!!! Hindi na ako birgin…hindi na ako masarap! Hindi ka na mage-enjoy sa akin! Hawag po! Huhuhu…inay! Mumo!!! (Magtatakip ng mukha at takot na takot)
(Super taka ngayon ang hardinero at iniisip na nababaliw na si Maria at sinubukan niya itong itayo mula sa pagkakaupo, ngunit takot pa rin si Maria)
GABRIEL: Miss…okay ka lang?
(Lalong natakot si Maria at lalong lumakas ang sigaw nito ng saklolo…)
MARIA: Huwag po…kunin mo na ang lahat sa akin huwag lang ang aking puri…huhuhu
GABRIEL: Akala ko ba hindi ka na birgin?
MARIA: Pakialam mo ba?!!!
GABRIEL: (tumatawa na) ako nga pala si Gabriel…hardinero rito…
(Matatauhan si Maria at unti-unting tatayo at magaa-ayos ng sarili)
MARIA: (natatakot pa nang kaunti) Kung gano’n, Hindi mo ako rereypin?
GABRIEL: Hindi no! (Tumatawa na parang kadiri si Maria)
MARIA: Bah! Ang kapal mo rin ‘no? For your information birgin pa ako, at mauwerte ang unang lalaking makakalanghap ng bango ko…mage-enjoy yata siya…(nakaismid na at feeling proud na proud)
GABRIEL: Sige na, sige na…panalo birgin ka na kung birgin…anong ginagawa mo rito? (Titignan si Maria mula ulo hanggang paa) ikaw ‘yung bagong yaya?
MARIA: (abala ito ngayon sa paga-aayos ng make-up at mga gamit) Paao mo nalaman? Teka… andyan ba yung magiging amo ko?
GABRIEL: umh…umh… (pause) ano ba pangalan mo?
MARIA: Maria…Maria Boingtrap…
GABRIEL: Von Trapp?
MARIA: BOING _ TRAP!!! Maria Boing-trap! Intiendes?
GABRIEL: OKAY…( kakataok na sa pintuan at isang nakaunipormeng sundalo ang lumabas)
SOLDIER1: Bakit? Anong kailangan niyo?
GABRIEL: Andito na yung bagong yaya nung mga bata.
SOLDIER1: Ahhh… halika pasok ka!
(bibitbitin na ng sundalo ang kanyang mga maleta, at lilingunin ni Maria si Gabriel)
GABRIEL: (nakangiti at ige-gesture ang kamay na nagpapapasok) Sige, pasok ka na…
MARIA: (ngingiti na rin) Salamat na rin…
GABRIEL: Okay lang…hindi naman na tayo magkikita ulit e…maglilinis pa ako ng garden, alas nuebe na kasi baka pagalitan pa ako ni Kernel…sige Maria, sana magtagal ka…
(hangos na umalis si Gabriel, ni hindi na niya pinagbigyan pang magsalita si Maria na super taka sa mga pinagsasasabi ni Gabriel)

MARIA: Wow!!! Ang gara naman ng mansiyon ng Kernel na yun! Siguro bilyunaryo na yun sa dami nyang ipinapatay…tulad ni FVR…hehehe…joke lang po…
(habang nagmumuni-muni si Maria ay lalabas na ang Soldier1 kasama ang amo na may dalawa pang alalay na sundalo rin. Nakauniporme ang Kernel at may pipa na nakapasak sa bunganga. Pagkakita niya kay Maria ay mapapanganga ito at aalisin ang pipa sa bibig, kasabay nito ang paglingon din ni Maria na natulala sa itsura ng Kernel.Hindi nila naiwasang hindi magtitigan…matagal silang nagtitigan, nagpapakiramdaman…habang pumapaimbulog naman ang awiting “For the First Time” ni John Farnham/ “When you say Nothing at all” ni Ronan Keating…pwede rin nilang kantahin)

…Slowly dim lights…
…lights off…




SCENE 3:


(nasa sala si Maria at nakatayo, nakatutok ang spotlight sa kanyan na para siyang iniinterogate. Nasa harapan niya ang dalwang sundalong kasama ni Kernel na lumabs ng kwarto. Magugulat siya dahil sa likod niya ay lalabas bigla si Kernel at magsasalita. SA moderate at powerful na boses ay ikukuwento niya kay Maria ang buhay niya. Habang nagsasalita ay hitit siya ng hitit ng pipa at iniikutan si Maria.)

K.LACSON: Ako si Colonel Manuel “Ming” Lacson. (pause) at ang apat na anak ko ang aalagaan mo. Ikaw?…anong bio-data mo? (face to face na sila)
MARIA: (mahihiya at natatakot, nagi-stammer siyang sasagot) Maria po…Maria Boingtrap…Ipinadala po ako ng agency, dahil kailangan niyo daw po ng yaya.
SOLDIER2: (sisigaw) Hindi si Kernel ang may kailangan ng yaya…kundi ang mga anak niy!
(Sasapakin ni Kernel ang sundalo, mapapahiya ito at mapapangiti si maria)
K.LACSON: Continue…(mapapahiya sa arrogantness niya) ahh…miss, continue!
MARIA: Yun nga po, kailangan niyo daw po ng yaya, kaya…
(Akmang sasagot uli ang sundalo ngunit sinapak na siya agad ni Kernel)
K. LACSON: Ummmh! Istupido! Isa pa! Isa pa huh! (pause) (haharapin uli si Maria) Ilang taon ka na?
MARIA: (magbibilang ng kaunti) ipinanganak po ako noong Feb. 29, 1979, kaya siguro beintre anyos na po ako!
K.LACSON: (hahawakan ang baba at sisipatin mula ulo hanggang paa si Maria) May karanasan ka na ba?
MARIA: (gulat at tatakpan ang bunganga) Po!
K.LACSON: (tatalikod at magi-stammer) uh…uh… I mean, may karanasan ka na sa, ka na sa pag-aalaga ng bata! Yun!
MARIA: ahhh… pop! Ako po ang nag-alaga sa mga pinsan ko…(akmang magbibilang ulit sa kamay), sa mga kapatid ko, sa mga iba pang pinsan ko…, sa mga pamangkin ko…pati na rin po yung beybi nung kapitbahay namin, ako rin po ang nag-alaga!(ngingiti at feeling proud sa sinabi)
K.LACSON: (hahawakan ulit ang baba, hihitit ng pipa at haharap kay Maria) Sige, …pwede na! (tatango-tango). Valdes!(soldier1), tawagin ang mga bata! (sa tonong malakas na nangu-uutos)
SOLDIER1: Sir!Yes Sir! (nakasaludo, tapos hihipan ng dalawang beses ang hawak na pito)
(Lalabas ang mga anak ni Kernel na nakalinya, tatayo sila sa harap ni Maria at maga-arrange sila according to age)
K.LACSON: (haharap kay Maria, kahilera ng mga anak at sasabihin ang …) Report!
(isa-isang hahakbang paabante an mga bata habang nagpapakilala. Parang mga kadete na nag-rereport sa CO nila)
MAGGIE: Ako sa Margareeta Lacson, labing-pitong taong gulang, panganay na anak ng ina ko! (ang mataray niyang sagot, pagkatapos ay nakaismid na siyang bumalik sa kanyang linya)
(pangalawang magpapakilala ang medyo alanganing anak ng Kernel, ngunit hindi medyo nahahalata ng Kernel kasi lagi naman siyang wala, feeling proud pa siya sa junior niya…)
MANNY: Ako si Manuel Lacson, Jr. Labing-limang taong gulang…mabait ako sa mabait pero ayoko sa mga taong makulit! (magko-cross ng hands sa chest saka iisnabin si Maria at tatay niya)
(mapapalingon ang Kernel kay Manny at sa tonong galit…
K.LACSON: Where did you get that kind of attitude young man? You must apologize and give me fifty!
MANNY: Dad! You’re so OA ha…
(lalong manggagalaiti sa galit ang Kernel kung kaya lalapitan niya si Manny at susuntukin sana kung hindi pa umawat si Maria)
K. LACSON: Walang modo! (nakataas na ang kamay)
MARIA: Sir, huwag po! (sinalo ang kamay ng Kernel) maawa kayo sa bata…(ala Nora Aunor) Hindi niya alam ang kanyang ginagawa … bata lang siya…sir…
(hihinga ng malalim ang Kernel, naantig ang damdamin sa ginawang drama ni Maria , titigan ito at saka ibaba ang kamay, sabay talikod. Pagkatalikod ng ama, nanginginig na nagsalita ang pangatlong bata…)
JAMIE: Ako po si Janina Marie Lacson. Ang tawag nila sa akin e Jamie…short for Janina Marie, kaya Jamie…po…
(Unti-unting umabante ang bunsong si Minerva. Nakatingin siya ng diretso kay Maria habang nagsasalita)
MIMI: Ako naman po si Minerva Lacson, ang tawag nila sa akin ay Mimi. Sabi ni Aling Gloriaay kapangalan at kasingganda ko raw po ang mommy, kaso wala na siya, eh…(ang malungkot niyang kwento)
(Mapapalingon ang Kernel sa bunsong anak, lalapitan ito at hahaplusin ang buhok, sa mahina at amlungkot na tinig…
K.LACSON: That’s alright baby…that’s alright…nasa langit na ang mommy mo…masaya na siya doon…marami siyang kasamang angels, marami siyang food doon, marami siyang damit doon, malaki rin ang bahay niya doon…masaya na ang mommy mo…
MIMI: Talaga po…(tatango ang kernel) Daddy, pwede po ba akong sumunod na kay Mommy? Kasi ang ganda-ganda ng tinitirhan niya eh…please?
K.LACSON: (mapapatanga sa sinabi ng anak tapos mag-aaalala) Hindi anak! Hindi ka pwde dun! Bad place yon. Huwag mo nang pangarapin pang pumunta doon. Underage ka pa kasi, kailangang seventy years old and above ka na dapat para makapunta ka dun…
MIMI: (nalungkot sa sinabi nng ama) Okay…
K.LACSON: (seryoso na ulit ang kernel, ibaba ang pipa sa mesa upang madampot niya ang sumbrero, saka niya sasabihin ang…) Aalis na ako, si Gloria na ang bahala sa iyo, sa kanya ka na lamang magtanong (habang nagsasalita siya ay unti-unting papasok ang nabanggit na ktulong na may kasama pang dalwang alalay. Haharap ngayon ang kernel sa mga anak at…) Alis na ko, I need to go to the office for work. All of you behave! I expect you to be the older sister Maggie!
KIDS: Yes dad!
K.LACSON: Okay, you all can go now…(ang mahina niyang utos)
(lalabas na rin sana ang Kernel nang makita ni Maria na naiwan nito ang kanyang pipa sa mesa. Dadamputin niya ito at tatawagin sa pinakamalambing na boses ang Kernel)
MARIA: Sir… naiwan po ninyo…(sabay abot sa pipa)
(Mapapalingon at magi-isip ng kaunti, then saka lalapitan si Maria upang kunin ang pipa, sa kanyang pag-abot hindi nila naiwasang mahawakan ang kamay ng isa’t isa. Parang napaso at unang bumitaw si Maria, na siya ring natauhan ang Kernel)
K.LACSON: …uh…salamat Maria, sige mauna na kami, (sesenyasan ang mga kasama at tuloy na sila sa pag-alis)
(susundan ni Maria ng tingin ang papaalis na Kernel, pagkatapos ay ibabaling ang tingin sa loob ng bahay kung saan nakatayo si Gloria at Janice. Lalapit ngayon si Gloria kay Maria, at tulad ng isang among nangangaral sa katulong ang tono nitong sinasabi ang lahat ng dapat malaman ni Maria)

GLORIA: Hindi ka pwedeng magluto, hindi karin pwedeng maglaba, hindi ka pa rin mamamalantsa at hindi ka rin maglilinis. Ang trabaho mo lanang dito ay asikasuhin ang mga bata at sundan ang bawat galaw nila. Ang silid mo ay sa itaas, katabi ng kwarto ni Mimi, para mabantayan mo siya ng maigi…(hihinto sa pagsasalita dahil hinihingal na) Alam kong pagod ka sa biyahe kaya magpahinga ka na muna. Tatawagin ka na lamang namin kapag als-onse na, para makapghanda ka sa unang pagsalo mo sa pamilyang ito.
(titingin kay Janice at tatango. Tatalima naman agad ang napag-utusan at lalapit kay Maria.)

JANICE: Halika na Maria, akyat na kita sa kwarto mo.
(Bibitbitin ni JAnice ang maleta ni Maria at aakyat na sila sa kwarto. Maiiwan sa sala si Gloria na nagmumumuni-muni at nagmu-musical interpretation habang nagfa-fade na ang ilaw….)

…Lights off…








SCENE 4:

(Sa sala ay nagu-usap ang magkapatid na Maggie at Manny, si Maggie ay naka-skimpy outfit na habang minemake-upan naman siya ni Manny…)

MAGGIE: Sis, okay ka lang? Muntik ka na naman kay Daddy kanina ah!
MANNY: Hayaan mo siya…bahala siya sa buhay niya… kung gusto niya lagyan ko pa siya ng make-up eh! (magtatawanan silang magkapatid)
MAGGIE: Pero alam mo…bakit kaya ayaw pa niyang tanggapin na bading ka?
MANNY: Sus! In denial lang yun…kasi closet din siya! Hahaha…
MAGGIE: Luko-luko ka talaga!!!
MANNY: (may naalala) Ay! Shucks! May date pala ako…sori hah! Mamaya ko na lang tayo tsika ulit! Maganda ka naman na e…dahil pag maganda ka, maganda na rin ako kasi sisters tayo di ba? Hehehe…
MAGGIE: Okay, sige ingat ka…
(bebeso ang magkapatid at pag-alis ni Manny ay tutunog ang phone ni Maggie at eksaktong papasok sana si Maria ngunit hinintay niya munang matapos si Maggie sa phone pero narinig niya lahat)
MAGGIE: Hello? O bakit ngayon kalang tumawag? Anong oras na? Ha? Tuloy pa rin tayo? Sige…c u at 2:00 then, babye… miss you too.
MARIA: Hi! (unti-unting uupo sa kabilang dulo ng sofa)
MAGGIE: Oh…Hi…(casual lang ang tingin)
MARIA: May lakad ka?
MAGGIE: Excuse me ha? (sabay alis ng walang lingon-likod)
(pagkaalis ni Maggie ay tumatakbo naman papasok sina Jamie at Mimi, tinatakot ni Jamie si Mimi ng isang laruang palaka…Natural na magtatakbo at magsisigaw si Mimi sa takot. Diretso itong tumakbo sa lap ni Maria na takot na takot, niyakap naman ni Maria si Mimi bilang proteksyon sa pananakot ni Jamie. Sinenyasan niya si Jamie na tama na at umiiyak na ang kapatid. Tumingin lang si Jamie ng diretso sa kanyang mga mata at saka nagtatawang umalis, pero biniro pa minsan si Mimi)
MARIA: Mimi, tahan na…binibiro ka lang naman ni Ate Jamie eh… tahan na, huh?(pupunasan ang mga luha sa pisngi ni Mimi)…gusto mo kantahan na lang kita para maalis yung takot mo?(pwede ring sayawan na lang!J)
(Hindi sumagot si Mimi at tumingin lang siya kay Maria…pagkatapos ay ngumiti na ito at tumango)
…Kinantah/ sinayawan ngayon ni Maria si Mimi ng isang makabagbag-damdaming awitin…pwede yung “you’ll be in my heart” sa Tarzan/”Huwag kang Matakot” ng Eheads…
(habang nagpeperform si Maria ay babalik si Jamie at mauupo sa kabilang dulo ng sofa…para makinig, pagkatapos…)
JAMIE: Miss, alam mo…para kang si Mommy. Magaling din kumanta si Mommy eh, kinkantahan din niya ako palagi noon.
MIMI: Talaga ate? Magaling kumanta ang mommy…(patingin-tingin kay Maria, tapos kakausapin si Jamie) ate, sa tingin mo, sinong mas magaling…si Mommy o si Miss…ay ano nga pala pangalan nyo?
MARIA: Maria…parang pangalan ng ate Jamie mo pero tinagalog lang…
MIMI: ahhh…o ano ate? Sino?
JAMIE: Syempre naman ang mommy, no? ang galing-galing nang mommy e!
MIMI: (biglang magbabago ng attitude, parang may gagawing kalokohan) Miss Maria…ikaw na lang ang mommy-mommyhan ko… please!!! Kasi wala naman na akong mommy, kaya ikaw na lang muna..please?
JAMIE: (sasabat bigla) Oo nga Miss Maria…ikaw na lang mommy niya…ay mali mommy pala namin…kasi yung mga nauna sa iyo, ang susungit, ang aarte pa! Di pa sila marunong kumanta, sumayaw, at umarte! Kaya kung anu-anong ginagawa namin sa kanila…di ba Mimi? Hahaha
(magtatawanan ang dalawa saka haharap kay Maria)
MARIA: Oo bah! Basta ba mabait kayo sa akin…okay lang naman sa akin e…pero natatakot ako sa daday niyo…parang manlalamon ng tao…ay joke lang yun…anyways…walang sinuman ang maaaring pumalit sa mommy niyo, maaari niyo lamang akong maging tita sakaling ikasal akmi ng daddy niyo…ay! Ano ba yan? Joke lang din yun! Huwag niyong intindihin yon! Okay…kasi nag-iisa lang ang mommy niyo, at kahit wala na siya, siya pa rin ang mommy niyo…ang pagiging isang ina ay isang napakabigat na responsibilidad, kung kaya huwag niyo namang ipaatang sa akin yun…maawa naman kayo sa akin…
MIMI: bakit?
MARIA: Wala! Joke lang din yon! Hahaha…eniways…gusto ko sana kaso mahirap e, depende kung may dagdag na sweldo…depende sa mapag-uusapan namin ng daddy niyo…
(nakikinig na pala sa kabilang dulo ng stage ang kernel at napapangiti na lang ito, saka nito hindi sinsadyang mapanahin kung kaya nagulat sina Maria)
MARIA: sir, andyan pala kayo…kanina pa po kayo diyan?
K.LACSON: Hindi naman, yung parteng depende sa mapgu-uusapan natin lang naman ang naabutan ko…(pangisi-ngisi)
MARIA: Naku! Nakakahiya! Sir, hindi ko po nilalason ang isip ng mga bata! Kahit kapkapan niyo ako, wala po akong dalang lason!(ninenerbyos na )
K.LACSON: Okay Lang Maria…huwag kang mag-aalala, tayong dalwa lang ang may alam nun!
(titingin sa mga bata si Maria at parang hindi kumportable ang mga bata sa presence ng kanilang ama, kung kaya parang manlulumo si Maria at mapapatingin ito sa relos)
MARIA: Sir…bakit nga po pala napaaga kayo? Sabi po kasi ni JAnice ay hindi kayo umuuwi ng pananghalian, may nangyari po ba?
K.LACSON: Wala naman! Gusto ko lang makasama ang aking mga anak at ang bago nilang mommyididiin) sa pananghalian…
MARIA: Sir, hindi naman po sa ganun…hindi po ako namimilit ng lalake eh…
K.LACSON: Pasensiya ka na, nagbibiro lang ako, ngayon lang ako nagbiro pagbigyan mo na ako, hahaha!(kakabigin si Maria, pero mapapalakas kaya medyo na-out of balance si Maria) ay…sori!
(mapapatingin si Maria sa dalwang bata na nagugulat dahil ngayon tumawa nang ganito ang kanilang ama, mahahalata ito ni Maria at makikitawa rin at kakabigin din ang kernel pero sa dibdib, mapapalakas ito at mauubo nang kaunti ang Kernel, magsosori ngayon si Maria)
MARIA: Naku! Sori po, sir!
K.LACSON: okay lang…ugh,ugh,ugh…(tatawa na naman, tapos tatawa na rin ulit si Maria, tapos makikitawa na rin ang mga bata)
(nagtatawanan silang apat nang pumasok mula sa kusina si Janice. Gulat na gulat ang katulong dahil ngayon lang niya nakitang tumawa nang ganuon ang amo niya…she can’t believe her eyes…J)
JANICE: aaahh… sir, Maria… ipagpaumanhin niyo po. Ipinapasabi po ni aling Gloria…kakain na raw po. Als onse y media na po kasi, baka raw po nagugutom na ang mga bata, at pagod daw po sa byahe si maria…
K.LACSON: (biglaan itong lilingon kung kaya natakot si Janice) Oh sure!, tara na mga bata, gutom na rin ako e! Maria…come and join us…
MARIA: sige po sir…
(unang papasok sa kusina ang kernel kasama an mga bata, habang susunod na sana si Maria, nang pigilan ito ni Janice para tskahin)
JANICE: Uuuuuyyyy! Maria! Anong nangyayari sa inyong dalwa ha? Alam mo bang ngayon lang tumawa nang ganuon si Sir? Ni konting ngiti nga wala eh! Aong ginawa mo? May ginamit ka bang gayuma? Pa-share naman o!
(ngingiti-ngiti na lang si Maria habang tuloy pa rin sa pangungulit si Janice at dahan-dahang nagfa-fade ang boses ni Janice hababg papasok na sila sa Kusina…)

…Lights off…



SCENE 5:

(sa Garden, naghahanapan at naglalambingan si Janice at Gabriel)

GABRIEL: Yuhooo! Janice my love, where are you? J Scooby-dooby-doo, where are you? We need some help from you now. Scooby-dooby-doo, where are you? We’ve got some work to do now.
JANICE: (lalabas mula sa pnagtataguan at tatakpan ang mga mata ni Gabriel at..) sino ako?
GABRIEL: (ngingiti at kunwari hindi alam) Si Winona Ryder?
JANICE: hindi! Mas maganda pa dun!
GABRIEL: Ah… si Nicole Kidman!
JANICE: Malapit na pero mas maganda pa rin dun!
GABRIEL: ahhh…alam ko na…my one and only Janice!!!
(tatanggalin na ni Janice ang mga kamay sa mga mata ni Gabriel at nakakakilig ang tinginan nila…maghahabulan pa sila sa garden at magtatawanan… J pwede yung sa Moulin Rouge…hehehe…
Tapos, makikita sila ni Maggie na super sweet, maiinis at pagagalitan nito ang dalwa.)
MAGGIE: Janice!!!Kaya pala kahit tawag ako ng tawag sa iyo sa loob ay walang sumasagot! Andito ka lang pala’t nakikipagharutan kay Gabriel! Pasok! Mahiya ka nga sa sarili mo! Mahiya naman kayo!... ginagawa niyong luneta itong garden! Hala! Pasok! (ibabaling ang atensyon kay Gabriel) at ikaw naman…kung wala ka nang ginagawa…huwag kang mangi-istorbo ng iba. Alam mo namang maraming ginagawa sa loob, lalo na ngayo’t may bago na namang … hmmmp!
GABRIEL: Sori po Señorita, akala ko po kasi, wala na siyang masaydong ginagawa kapag alas dos, eh! Hindi na po mauulit!
MAGGIE:: Hala sige! Alis na…balik ka na sa lungga mo.
(aalis na si Gabriel at naiwan ngayon si Maggie na nag-iisa sa garden. Patingin-tingin sa relos, at palakad-lakad. Alalang-alala at inip a rin)
MAGGIE: Asan na kaya yun? Sabi ko alas dos! Wala pa siya… (sa sobrang inip niya ay papasok na muna ng bahay si Maggie at hindi rin na naman siya mapapakali sa loob. Lakad dito, lakad doon ang drama niya…inip na siya kung kaya pasok muna siyang kwarto niya, at nabangga pa niya si Maria, hindi man lamang siya nag-sori)
(Taka to death naman ang Maria, pero since hindi pa siya tuluyang nakapagpahinga sa katutulak ng pedicab, medyo drowsy ang pakiramdam niya, kung kaya napaidlip siya ng kaunti sa sofa.
Sa garden naman ay may isang binatang tumtawag kay Maggie, pero mahina lang. Paulit-ulit. Narinig ito ni Maria. Babangon na sana siya nang biglang humahangos si Maggie na dumaan. Nagtulog-tulugan siya para hindi mapansin. Naalala ni Maria na may kausap pala si Maggie sa phone kanina at ang sabi nio ay 2 o’clock, ngunit maga-alas tres na! Na curious ngayon ang hitad at sinubaybayan ang bawat galaw ni Maggie.
May isa ngang binatang naghihintay sa garden. Yun pala an kausap ni Maggie kanina…ang kanyang Papa! Maiisip ni Maria ang sinabi ni Janice kanina, “bawal pang magkaroon ng boypren ang mga bata”!Bumalik sa upuan niya si Maria at nag-isip.
Sa garden…
MAGGIE: (pabulong na inis) Bakit ngayon ka lang? Ang tagal mo! Usapan natin alas dos a! pinaghintay mo pa ako, paano kung lumabas na si Daddy, alam mo bang andito siya ngayon! Hindi pumuntang opis! Paano kung mahuli…
JEROME: (tinakpan ng daliri ang bunganga ni Maggie) Sshhh…hwag ka na lang maingay…lika, don tayo sa kubli mag-usap… (dun na sila naglampungan!!!)
(Sa loob ng bahay, habang nasa garden si Maggie at Jerome, ay hindi mapakali si Maria sa loob. Paano kung biglang lumabas si Kernel tapos mahuli yung dalawa? Buti nga sa kanya! Ayy! Mali…siguradong patay si Maggie! Anong gagawin ko? Napagdesisyunan na ni Maria na labasin ang dalwa…
MARIA: (voice-over) Kunwari mamamasyal ako, tapos aksidente ko silang nakita, tapos…bahala na!
(bubuksan na sana ni Maria ang pintuan nang lumabas ang Kernel)
K.LACSON: Maria! Sa’n ka pupunta?
MARIA: (super gulat to the max) Ha!!! Sa garden po! Sana…
K.LACSON: aahh… kung gusto mo samahan na kita! Ito-tour na kita dito sa bahay!
MARIA Sir! Hwag na po sir! Ako na lan mag-isa…kayang –kaya ko na po!
K.LACSON: (desidido talga) Hinde…sasamahan na kita…sandali lang at ibabalik ko lang ang mga papeles sa loob at kukunin ko munang sumbrero ko…sandali lang …
(pagkaalis ni Kernel ay agad na lumabas si Maria at hinanap si Maggie at winarningan)
MARIA: Maggie!maggie!… lalabas na daddy mo! Paalisin mo nang…(mapapatingin kay Jerome) oh, hi! I’m maria and you are?
JEROME: jerome…
MARIA: Nice to meet you Jerome…AAYY!!!! Dalian niyo!!!
MAGGIE: Dali na Jerome alis na! Talon ka na lang apra madali! Pag nakita ka ni Daddy, iihawin ka nun!
JEROME: Kailan ulit tayo magkikita?
MAGGIE: Dali na talon!!!
(Eksaktong lumabas naman si Kernel, nagkunwaring nag-uusap ng maganda sina maria at Maggie)
K.LACSON: Maria! Andito ka na pala! Sabi ko hintayin mo ako at ako ang magto-tour sa ‘yo!
MAGGIE: (sasaluhin ang ama) okay na Dad…ako na po ang magto-tour kay Miss Maria…(palihim na kumindat si Maria kay Maggie)
K.LACSON: (nagda-dalwang isip pa) hhmmm…
MARIA: Okay lang naman po na si Maggie na ang magtour sa akin, Sir… tutal di po ba dapat kami ng mga alaga ko ang magkakasama?
K.LACSON: Okay, sige…have a nice time…
(aalis na ang Kernel at maiiwan sa Grden sina Maggie at Maria)
MARIA: aahh…Maggie, mauna na muna ako sa loob. Sige ha!
(akmang aalis na sana si Maria nang pigilan ni Maggie ang kanyang braso)
MAGGIE: Miss, …maria…salamat ha? Hindi ko alam kung paano ako makakabayad…thank you!
MARIA: (lalapit uli kay Maggie) Okay lang yon! Sus! Yun lang…kahit pa mapahamak ako basta hindi kayo maano, okay na sa akin yun!
(magtitinginan ang dalawa tapos magtatawanan, saka magkwekwentuhan)
MARIA: Uuyy! Iakw ha…buti ka pa may papa…athlete ba yon?
MAGGIE: Si Jerome? Hindi yun athlete! Yun pa, e lampa yun e!
MARIA: Bakit ang galing niyang tumalon, parang may spring sa paa…
MAGGIE: Hindi yun tumalon…itinulak ko na yun!
(magtatawanan pa sila tapos io-offer ni Maria ang kanyang palad)
MARIA: Friends?
MAGGIE: Friends…


…Lights off…










SCENE 6:

(maaaring isang production number ni Maria. Kakanta siya about salove niya kay Kernel at sa mga anak nito)

Songs:


(yung mga dancers o chuwawa niya e mga istatwa na nabuhay…

…pagkatapos ng number ay isang voice-over ang maririnig…

“Miss Maria! Miss Maaria!” boses ni Mimi
“Mimi, andito lang ako!”
harap siya sa audience…” Sandali lang ha? Tawag ako ng alaga ko e, bye!”

…Lights off…




SCENE 7:

(sa sala nakaupo si Maria kasama sina Mimi at Jamie. Si Maggie ay may binabasang pocketbook sa dulo ng sofa…naglalaro ang tatlo nang pumasok si aling Gloria)

GLORIA: Miss Maria, mamayang alas-otso ang curfew ng mga bata. Kailangang tulog na po sila at nasa kanilang silid pag als-otso na, kung hindi po ay baka magalit si Kernel.
MARIA: Ganu’n ba? Sige alas siyete pa lang naman e! maglalaro muna kami ng mga bata, ako na ang maga-akyat sa kanila mamayang alas siete y media…
GLORIA: Sige po, Miss…sa kusina po muna kami.
MARIA: Sige po, salamat sa paaalala.(ibabaling ang atensyon sa mga bata) Gusto niyo na bang matulog? (iiling ang dalwang bata) bala magalit ang daddy niyo? (iiling pa rin ang dalwang bata) O, sige…pero hanggang seven thirty lang atyo ha?tapos akyat nakayo…
(tatango ang dalwang bata)
MIMI: Miss Maria… pwedeng mommy ang itwag ko sa iyo?
(magugulat si Maria at mapapalingon ng bahagya sa kanila si Maggie)
MARIA: Ha? Naku! Eh… (lilingunin si Maggie…ngingiti lang si maggie at saka tatango tapos makikiloko na rin)
MAGGIE: oo nga…pwede ka ba naming tawaging mommy? Hehehe
JAMIE: Please???
MARIA: Kayo?!!! Bahala kayo! Okey lang naman sa akin e! basta ba masaya kayo kung tatawagin niyo akong mommy, at depende pa rin yan sa … ay, nevermind…
MIMI: Yehey!! So kung mommy nakit, di kakantahan mo ulit ako?
MARIA: Syempre… ano bang gusto mo?
MIMI: Lady Marmalade!
JAMIE: Ako Ricky martin…shake your bon-bon!
MAGGIE: ako Missy Elliot!
MARIA: ano ako radyo? Sige…pero pagkatapos tulog na tayo ha?
(pwede siyang magperform ulit…depende na sa kanya kung anong gusto niyang gawin!)


…Lights off…


SCENE 8:

(nasa sala si Kernel at mukhang balisa ang itsura…nakaroba na lang siya at may hawak pa ring pipa…
Tutugtog ang She ni Elvis Castello. Lalo siyang mag-iisip ng malalim. Ang mga istatwa ay mabubuhay muli at sasayawan siya. Super emote siya ngayon sa kanta. Pupunta siyan garden, tapos pupunta siyang sala, tapos biglang may nagpakita sa kanya…soundtrack ng Casper…nagmumula ito sa garden palapit ng palapit sa kanya at parang lumulutang…)

K.LACSON: Minerva!!!(gulat ito at mapapaatras ng konti sa takot, mahuhulog ang pipa)
MINERVA: Hwag kang matakot Manuel…pause…alam ko kung ano ang iyong iniisip…
K.LACSON: ha? Alam mo? (tatalikod sana ang kernel dahil sa hiya ngunit maagap a ibinalik ni Minerva ang kanyang mukha sa kanyan)
MINERVA: Hindi ako bumalik dito upang takutin o pagbawalan ka. Nagbalik ako dahil alam kong matagal ka na ring nag-iisa, at ngayon ay nakahanap ka na ng babaeng maaaring pumalit sa lugar ko…sa puso mo, at sa puso ng mga anak natin…
K.LACSON: Hindi Minerva…hindi ka kilanman mapapalitan ng kahit na sino…
MINERVA: Huwag mo na kaong lokohin Mnauel…multo na nga lang ako niloloko mo pa ako…hindi lang siya kahiit sino para sa iyo…Manuel…Mahal mo siya…
K.LACSON: God! Ano bang sinasabi mo? Kanina ko lang siya nakilala!
MINERVA: Manuel naman…huwag ka namang mgalit…hindi naman ako nagagalit e! alam kong iniisip mong baka saktan ko kayo, ikaw at siya tulad ni Ruth sa Patayin sa Sindak si barbara…pero hindi totoo yon…hindi na maaaring manakit ang isang kaluluwa ng mga buhay…huwag kang magpapaniwala sa mga pelikula…manuelllll………
K.LACSON: Okay…pero ikaw lamang ang babaeng pinakakaibig ko, at hindi nakao kailanman iibig pa sa iba!
MINERVA: Kung hindi kita kilala, maaaring maniwala pa ako sa iyo…pero wala ka nang maitatago sa akin…ultimo kulay ng brief mo ngayon alam ko…yun pang bagay na yun? Pause Gawin mo ang makabubuti sa iyo at sa ating mga anak. Lubos akong magiging maligaya sa kabila, kapag alam kong maligaya ka na dito sa lupa. Basta lagi mong tandaan…Mahla ko kayong lahat…
(unti-unting naglalaho na si Minerva)
K.LACSON: (iaabot ang kamay kay Minerva) Minerva! Minerva! Huwag muna! Marami pa akong sasabihin sa iyo! Minerva!
(mapapaluhod siya, tapos saka niya mare-realize na maswerte na siya…)
Salamat Minerva…Salamat…

…Lights off…



SCENE 9:

(sa sala, nagpia-piano si Kernel. Lumabas ng pintuan si Maria at pinapanood ng saglit si Kernel…mararamdaman ni Kernel na may nanonood sa kanya…mapapatingin siya kay Maria

K.LACSON: Andyan ka pala! (mapaptingin sa relos) alas-onse na ha? Hindi ka pa natutulog?
MARIA: Kumuha lamang po ako ng isang basong tubig, nang may marinig akong isang napakagandang musika…(paling-linga) may kasama po ba kayo/ pasensiya na po at baka nakaistorbo po ako….
K.LACSON: tatawa paano mo naman nasabi na may kasama ako?
MARIA: Kasi po, parang narinig ko kayong may kausap kanina.
K.LACSON: Ahh…wala ‘yun…pause Maria…pwde bang humingi ng pabor?
MARIA: kahit ano po sir, kung kaya kong ibigay…
K.LACSON: Maaari bang huwag mo na akong po-poin?lalo mo lamang ipinahahalata na mas matanda ako sa iyo…
Magtatawanan
MARIA: Sure…
K.LACSON: Salamat…(tatayo mula sa piano at magu-umpisang magkwento. Iinom ng tubig, kunin na lang niya yung hawak ni Maria)
Alam mo…namatay si Minerva, and asaw ko, noong ipinganak niya si Mimi. Ang lungkot ko no’n. Galit ako sa world. Ngunit…napag-isip-isip kong isa nga rin pala akong ama, hindi lang asawa. Kaya, pinangalanan kong Minerva si Mimi, bilang ala-ala ng nasira kong asawa. Wala akong alam sa pag-aalaga ng bata dahil hindi naman nila ito itinuro sa PMA…puro baril lang ang hawak ko…si Minerva ang nag-asikaso ng lahat. Nakailang palit na ako ng ayay para sa mga anak ko, akala ko makabubuti sa knaila. Perop nagkamali ako… masyado nang late para palitan ko pa ang nakagisnan nila. Huli na kung babawi pa ako…
MARIA: (feeling concerned na conconcerned) Ming…hindi pa huli ang lahat.
K.LACSON: Anong sinabi mo?
MARIA: Hindi pa huli ang lahat…
K.LACSON: Anong itinawag mo sa akin?
MARIA: Ming…
K.LACSON: Ang sabi ko, huwag mo akong popoin, hindi tawagin akong Ming!
MARIA: Sori…
K.LACSON: Okay lang…pause Huli na ang lahat…si Manny…naturingan pa man ding junior ko…bakla! Wahhh!!! Si maggie, malayo ang loob sa akin…alam mo bang hindi pa kami nag-uusap niyan na parang mag-ama/ ang tingin niya sa akin ay isang pulis na malaki ang tiyan tapos laging may dalang baril!
MARIA: dahil ‘yan ang iminulat mo sa kanya…takot…
K>LACSON: Yung dalawang beybi ko na nga lang ang pag-asa ko eh… Inaasahan kong sana, balang araw, matutuhan nilang intindihin na ginagawa ko ang lahat nang aking makakaya, sa sarili kong paraan…ngunit wala!…wala eh!
Mapapaupo ang Kernel na sapo ang mukha.Maaawa si Maria at mag-aatubili pa nitong hahaplusin ang buhok ni Kernel)
MARIA: Huwag kang mag-alala. Mahal ka ng mga anak mo. Hindi lang nila alam kung papaano sasabihin at ipapakita sa iyo,dahil ikaw mismo ang naglalayo ng sarili mo sa kanila. Bigyan mo sila ng sapat na panahon para makilala ka nilang lubos…ang totoong ikaw…ang kanilang ama…
K.LACSON: Kailan? Paano?
MARIA: Huwag mo silang gawing parang mga tau-tauhan mo. Huwag mo silang gawing parang mga kadete na isang sigaw mo lang ay sususnod na. Ma\ga anak mo sila…mga supling ng pagmamahalan niyo ni Minerva.
(mapapalingon ang Kernel kay Maria, tatayo ito…)
K.LACSON: Ipagpamanhin mo Maria … ngunit hindi ko yata kaya…
MARIA: Handa akong tulungan ka…handa akong tumulong upang abuo muli ang pamilya, upang maging masaya kayo…ngingiti
K.LACSON: (haharapin si Maria) Salamat, ngunit mas malaki pa ang aking pasasalamat kung magiging bahagi ka ng pamilyang aking bubuuin muli.
MARIA: anong ibig mong sabihin?
K.LACSON: Isa lang naman ang kulang kung kaya hindi buo ang pamilyang ito eh…alam kong kailangan ng mga anak ko ng ina…isang mag-aaruga at magmamamahal sa kanila…pause at kailangan ko rin ng isang makakasama, isang magmamahal sa akin at akin ring mamahalin ng lubos. Isang taong gagabay at tutulong sa akin, sa aking kalungkuan, sa aking kaligayahan at sa aking pag-iisa…isang taong…hahawakan ang kamay ni Maria katulad mo…
MARIA: aalisin ang kamay mula sa kernel) Ngunit, kanina lamang tayo nagkakilala…paano mo napagtanto na ako na ang taong iyon?
K.LACSON: Hindi kailanman nagsisinungaling ang isang pusong nawalan ng kalahati at iyon ay natagpuang muli…(pause) akala ko, hanggang dito na lang ako, isang kernel na may apat na anak. Akala ko, mamamatay na akong ganito…ngunit nang makit kita kaninang umaga…alam kong ikaw…ikaw lamang ang makapagbabalik sa nawala kong pag-ibig.(lalapitan muli si Maria at itatapat ang kamay nito sa kanyang dibdib) akala ko hindi na siya muling titibok pa…ngingiti ngunit maraming namamatay sa maling akala…
Magtatatawanan, tapos amgseseryoso ulit…
Mahal kita Maria… I love you…
MARIA: Titingin din to the eye ng kernel)…Mahal din kita…I love you too…

Isang masayang ngiti ang pinawalan ni Kernel at Maria. Sa knailang pagkakalapit ay unti-unting bumababa ang mukha ni Kernel papapalapit sa mukha ni Maria. Kailangan nilang pumikit dahil baka maduling sila sa lapit ng mga mukha nila sa isa’t isa. Isang matamis na halik ang idinampi ni Kernel sa mga labi ni Maria…

…lights off…

Curtains close



CHARACTERS:

Maria Boingtrap -
Kernel Lacson -
Maggie -
Manny -
Jamie -
Mimi -
Minerva -
Janice -
Gabriel -
Gloria -
Jerome -
Soldier1(valdes) -
Soldier2 -
Nanay -
Postman -
Pedicab driver -



0 Comments:

Post a Comment



Template by:
Free Blog Templates