30 April 2007

ALĂNA







Ang Mahiwagang Panaginip
by: imee

MGA TAUHAN:(Supposedly: Miss you guys)


ALĂNA Mia Cosme
PRINSIPE ENRICO Aaron
PRINSESA SOFIA Annierose
HARING ARGO Paul
KARABA Monalisa C/Alyssa Angeles
URSULA Elvira Arafol
AQUATA Heather Tejada
ABRINA Mona Abibico
ARISTA Merbennyl Cruz
ATINA Niko
ANDRINA Mae Tomelden
JULIE Maripet Cabauatan
VANESSA Niña Duque
ELLA Maileen Baleta
BENNY Joffrey Baylon
WALLY John Paul Soto
SAILORS Charls, Joseph, Imee, Japhet, Yvonne, Joma, Alissa, Dale,

ACT I: Ang Mahiwagang Mundo sa Karagatan

KARABA: Kay ganda ng panahon ngayon…kasingganda niya ang mga araw kung kailan maligaya at mapayapa pa ang aming kaharian…ang aming kaharian…ang Atlantica…sa ilalim ng karagatan kung saan ang tubig ay kasing bughaw ng maliwanag na langit, kung saan ang mga bulaklak ay kasing linaw ng isang kristal, kung saan ang mga nananahan ay pawang mga mabubuti at magagandang mga nilalang…mga nilalang na walang sawang lumalangoy at naglalaro sa mapayapang tubig, mga nilalang na siyang gumagabay sa mga nawawalang barko, at mga nalulunod na katawan…at tahanan ng isang nilalang na naghanap ng higit sa maibibigay ng Atlantica, na nang dahil sa pag-ibig ay nagnais magkaroon ng kaluluwang imortal, at nagnanais dumanas ng matinding pasakit, kapalit ng kapirasong kaligayahan…siya si Alăna, ang munting sirenang nabulag sa hiwaga ng pag-ibig…at ng kanyang mga panaginip…


SCENE I
Sa kaharian ng Atlantica, si Alăna ay nasa kanyang munting paraiso, ang kanyang halamanan, kung saan doon niya iniimbak ang lahat ng nakalap niyang mga gamit mula sa mga lumubog na mga barko at mga nahuhulog sa kanilang kaharian…

AlăNA: Nakatingin sa kanyang mga koleksyon Kailan ko kaya madaragdagan ang aking mga koleksyon? Napakagandang pagmasdan ang mga bagay na galing sa lupa. Ngunit bakit kinakailangan pa ng pahintulot upang magpunta sa ibabaw at makihalubilo sa mga nilalang na may dalawang tungkod…biglang matitigilan ano kaya at ako ay magpunta ngayon sa ibabaw? Wala naman sigurong makakapansin sa akin… makikita ko na rin sa wakas ang mga naggagandahang mga bagay at mga nilalang na mga tao…

KARABA: biglang susulpot Makikita mo nga ang mundo sa ibabaw ng ating daigdig, pagdating ng tamang panahon, Prinsesa Alăna…
ALĂNA: magugulat at mahihihiya sa kanyang mga naisip INANG KARABA! Hindi ko inakalang bigla ka na lang magpapakita sa akin! Ginulat mo ako ng labis!
KARABA: Paumanhin mahal kong Alăna…hinhanap ka ng iyong amang si Haring Argo…alam mo naman yon! Hindi iyon mapapakali hangga’t hindi niya nakikita sa kanyang tabi ang kanyang pinakamamahal na bunsong anak…kaya’t halika ka na at magmamadali! Mahirap paghintayin ang isang hari!
AlĂNA: Opo, sasama na INANG KARABA…habang naglalakad ngunit nais ko lamang itanong sana sa iyo…bakit kailangan mong pahirapan ang iyong sarili sa pagsusuot ng napakabigat na bagay na iyan? Ituturo ang damit
KARABA: sa tonong mapagmalaki ang aking suot ay simbulo ng aking mataas na katungkulan, Alăna… at yan ay ang pagiging tagapag-alaga ko sa mga naggagandahang prinsesa ng kaharian!
ALĂNA: Naiintindihan ko, isa na pala ngayong mataas na katungkulan ang maging dakilang …
KARABA: interrupting dakilang ano? Alăna?
ALĂNA: Dakilang tagapamahala ng mga munting perlas ng Haring Argo…ngingiti
KARABA: Mabuti na ang malinaw…
Nakarating na sila sa palasyo at masisiyahan ang Haring Argo pagkakita kay Alăna

HARING ARGO: Ahhh! Ang aking munting perlas ay natagpuan rin sa wakas! Sabihin mo sa akin Alăna, ano na naman ba ang iyong iniisip at di mo narinig ang aking tinig?
ALĂNA: Paumanhin po, ama…nasa aking halamanan po ako, at
ARISTA: biglang papasok kasama ang apat pang mga kapatid at haharangin ang sasabihin ni Alăna nagninilay-nilay na naman tungkol sa mundong kanyang makikita bukas!
ATINA: bubulong kay Arista Arista! Isa iyang sikreto!
ARISTA: Ay! Paumanhin! Hindi ko sinasadya! Masyado lamang akong nadala sa tindi ng aking emosyon…
AQUATA: Siya, siya…tama na yan at baka kung ano pa ang mabanggit niyong dalawa…
ALĂNA: nagtataka at nagtatanong ang tingin Ano ang ibig niyong sabihinng mundo? Biglang ngingiti ang daigdig ng mga tao! Bakit ama, ako ba’y nasa hustong gulang na? Bakit hindi niyo sinabi sa akin ng mas maaga? Di sana’y nakapaghanda ako…
KARABA: Dahan-dahan lamang Alăna! Baka hindi ka na makaabot bukas!
H.ARGO: tatawa Hahaha!!! Ang aking bunsong anak ay magiging ganap nang isang tunay na sirena, bukas pagsikat ng araw…at matutupad na rin sa wakas ang iyong pinakahihiling! Ang makita ang mundo ng mga tao! Ngunit binabalaan kitang mag-iingat mahal ko…ang mga tao ay hindi lubos na mabait at ligtas gaya ng iyong inaakala, hangga’t maaari ay huwag na huwag kang lalapit masyado sa kanila…nais kong makabalik ka rito ng ligtas upang aking marinig ang iyong sariling alamat tungkol sa mundo ng mga tao…
ALĂNA: Huwag po kayong mag-aala ama, babalik po ako ng buo at hindi inihaw na isda ang kalahati ng katawan ko…
Tatawa lahat…
H. ARGO: Siya sige… ako ay magpapahinga na sa aking silid, anuman ang iyong kakailanganin sa iyong paglalakbay ay si Karaba na ang bahala…aalis maiwan ko muna kayo aking mga perlas…
LAHAT: Paalam po ama!
ANDRINA: Talaga Alăna? Pupunta ka na bukas sa digidg ng mga tao?
ALĂNA: Oo, kapatid kong Andrina…lubos nga akong nasisiyahan!
ABRINA: Dapat lamang , Alăna, sapagkat ilang taon ka ring naghintay para sa pagkakataon na ito…
AQUATA: Naaalala ko pa nga noong ako ay unang magpunta sa ibabaw. Tulad mo rin ang aking pakiramdam. Kayrami akong nakita sa lupa…ngunit ang pinakamaganda ay mahiga sa ilalim ng maliwanag na buwan, sa dalampasigan, sa mapayapang alon, malapit sa dagat at abot tanaw ko lamang ang isang malaking pulong punong-puno ng mga tao, kung saan ang mga ilaw ay kumikinang na tulad ng mga bituin sa langit; ang pakinggan ang kanilang mga musika, ang ingay ng isang karitela, at ang kanilang mga tinig…lalo na ang nakakabinging ingay ng isang kampana na nasa itaas ng isang gusaling para sa kanila ay sagrado…
KARABA: Ang gusaling iyan ay tintawag nilang Simbahan…
ABRINA: Ang aking karanasan ay lalong kakaiba kaysa sa ating panganay na si Aquata… sa aking pag-ahon, aking nasilayan ang araw na lumalabas mula sa kanyang himlayan – iyon ang pinakamagandang tanawing aking nakita. Ang langit ay nagkulay ginto, at ang mga ulap sa aking itaas ay kulay rosas at lilac…hindi ko alam kung anong kulay yon, ngunit nasisiguro kong isang kulay na mahiwaga…at tulad ng mga ulap na naguunahan lumabas, ang mga puting nilalang na may malaking pakapak …
KARABA: Mga gansa, mahal ko…
ABRINA: yun nga! Isang grupo ng mga naglalakihang gansa ang lumilipad patungo sa araw na para bang isang puting ulap ang dumaan…sumabay ako sa kanila sa paglangoy, hinahabol ko rin ang araw…ngunit walang nakaabot sa araw kahit isa man sa mga gansa, maging ako ay walang nagwa noong bigla na lang nagtago ang araw sa likod ng mga ulap, ang mga ulap na kulay rosas at lila ay unti-unting nawawala sa aking paningin, marahil ay nagtago rin sila tulad ng araw…
ARISTA: Ang dating sa akin ng iyong kuwento kapatid na Abrina ay parang kulang, ang sa akin ang mas may laman! Ako ay lumangoy sa isang ilog na karugtong ng dagat, sa gillid ay nakita ko ang mga berdeng bundok natatakpan ng mga punongkahoy at mga halamang may napagandang amoy. May mga nakita akong mga palasyong katulad ng sa atin, at mas mataas ito kaysa sa mga puno, ang mga isda ay lumilipad at kumakanta…
KARABA: Ang tawag sa mga isdang iyon ay ibon, Arista.
ARISTA: Salamat sa pagsingit Karaba… sige balik tayo, nakita ko rin ang mahiwagang araw na iyong sinabi kapatid na Abrina, ngunit labis ang lakas ng kanyang kinang kung kaya’t kailangang laging ibaba ang aking katawan sa tubig dahil sa sobrang init. Sa isang maliit na lagusan, may nakita akong mga batang tao, walang saplot,at naglalaro sa tubig…nais kong makipaglaro sa kanila kung kaya’t lumapit ako ngunit silang lahat ay nagtakbuhan sa takot! Tapos may isang maliit at maitim na nilalang ang bumaba sa tubig at nagpalabas ng napakaingay na tunog tulad nito o…Arff!Arff!Arff!
KARABA: Ang tawag nila sa nilalang na yan ay aso, para sa inyong kaalaman mga Prinsesa.
ARISTA: Ah basta! Hindi ko kailanman makakalimutan ang napakandang gubat, ang mga berdeng bundok, at ang mgabatang tao na walang saplot at walng buntot tulad natin ngunit marunong silang lumangoy.
KARABA: Napakaganda ng iinyong mga insinalaysay… Atina? Wala ka bang ibabahaging karanasan para sa iyong bunsong kapatid na Alăna?
ATINA: Wala akong alamat na kasingganda tulad ng kina Aquata, Abrina, at Arista…ang aking ibabahagi ay lubos na maikli, nanatili lamang ako sa gitna ng dagat, ngunit nakita kong kasingganda rin ng malapit sa lupa ang aking pinuntahan. Malayo ang nalalakbay ng aking paningin, ang langit ay parang isang kampanang kristal. May mga barko akong nakit ngunit para silang mga pato sa malayo, ang mga dolphins ay naglalaro sa tubig, at ang mga naglalakihang balyena ay naglalabas ng napakaraming tubig sa kanilang ilong na para bang isang palabas.
ALĂNA: Napakaganda ng iyong ibinahagi aking kapatid, maraming salamt sa iyo…
ANDRINA: Ako, di niyo ako tatanunigin?
KARABA: Ano naman ang iyong istorya, Andrina?
ANDRINA: Hindi lingid sa inyong kaalaman na ang aking panahon sa pagpunta sa lupa ay tamang-tama sa panahon ng taglamig. Kung kaya’t ang aking ibabahagi ay di pa nakikita ng isa man sa inyo…Ang dagat ay parang kulay berde, at mga malalaking yelo ay lumulutang lamang na tila napakagaan, tulad ng isang perlas, mas malaki at matayog kaysa sa mga simbahang ginagawa ng mga tao. Iba-iba ang kanilang mga anyo at hugis, at kumikinang sila sa ilalim ng araw na parang mga diamante. Natuwa ako at naupo sa pinakamalaking yelo, at hinayaan kong paglaruan ng hangin ang aking buhok, at mga barko ay mabilis na lumalayo sa mga yelo na para bang ikamamatay nila ang pagdampi ng yelo sa kanilang mga layag…pagsapit ng gabi, ang araw ay unti-unting bumabalik sa kanyang pinagtataguan…at mga nagliliwanag na kidlat ang bumabalot sa buong kalangitan…halos walang kaibahan ang araw sa gabi dahil sa mga kidlat, dumadagundong ang mga kulog, napakalakas at tila tumatama sa akin ang tunog! Kaygandang pagmasdan ang yaong tanawin…iyon ang pinakamaganda, at hindi ko kailanman iwawaglit sa aking alaala ang mga sandaling yon…
ALĂNA: Napakaganda ng inyong mga sanaysay aking mga kapatid, umaasa akong magkakaroon rin ako ng mga alamat na kasing ganda ng inyong mga binanggit…lalo lamang akong nanabik sa pagsikat ng araw, upang ako ay maaari nang maglakbay at patunayan sa aking sarili ang kagandahan ng mahiwagang mundo ng mga tao…at masubukan ito!
ARISTA: Ngunit, alam mo Alăna, lubos ngang kapana-panabik ang pagpunta sa kanilang daigdig, ngunit mas nanaisisn kong ako na lang ay dumito sa Atlantica, kasama ninyo at ng amang Argo.
AQUATA: Ako man, lubos nga akong nasiyahan sa aking nakita, ngunit wala pa ring papantay sa kagandahamg mayroon tayo dito sa Atlantica.
ATINA: Sapat na sa akin ang makapiling ko kayong aking mga kapatid, Karaba, at ng ating ama – wala nang kagandahan sa lupa ang maaaring umalpas sa kaligayahang natatamasa dito sa Atlantica.
ALĂNA: Ngunit, akala ko ba’y…
ABRINA: Ang aming mga sanaysay ay karanasang hindi namin kailanman makakalimutan, ngunit hindi ibig sabihin non, na mas nanaisin naming tumira at magalagi sa lupa kaysa sa Atlantica…
ANDRINA: At saka bakit pa namin nanaisin tumira sa lupa kung anumang oras ay maari naman kaming dumalaw at sumilip sa ibabaw, dahil kami ay nasa hustong gulang na upang magpasya sa aming mga sarili…
KARABA: totoo ang kanilang mga sinabi, ngunit huwag mo silang intindihin! Mga may edad na kasi kaya hindi na nila maramdaman ang nararamdaman mo ngayon, nais lamang nilang mawalan ka ng gana upang wala kang makitang maganda at wala kang maibahagi sa amin…
ARISTA: Karaba…hindi iyan ang totoo! Katunayan nga ay masayang-masaya kami para kay Alăna dahil sa wakas ay magiging kasakasama na namin siya tuwing kami ay pupunta sa ibabaw at kantahan ang mga manlalayag…
ABRINA: Maalala ko mga kapatid, parang may naririnig akong kakaibang ugong…
ATINA: Marahil may bagyong paparating…
ANDRINA: Kailangan nating umahon at balaan ang mga mangingisda sa nalalapit na disgrasya!
AQUATA: Kung ganon, kami’y magpapaalam na Karaba, mahal naming Alăna…magkikita tayong muli sa iyong pagbabalik at inaasahan namin ang iyong mga alamat tungkol sa mundo ng mga tao…
AB,AR, AT,AN, AQ,: Paalam kapatid!, hanggang sa ikalawang araw…
ALĂNA: Paalam mga kapatid!mag-iingat sana kayo!
KARABA: Ako rin ay aalis na prinsesa Alăna, magpapahinga na ako at maraming tungkulin ang aking dapat gampanan bukas. Ikaw rin ay dapat nang magpahinga at mahaba-haba ang iyong lalakbayin bukas.Matulog ka na, munti kong perlas…
ALĂNA: Ngunit, kahit anong gawin ko ay di maalis sa aking hinuha ang aking pag-ahon…mas mabutiang hintayin ko na lamang ang bukang-liwayway upang maaga akong makapag-umpisa…
KARABA: Ikaw ang bahala prinsesa, lagi ka lamang sanang mag-iingat at anuman ang mangyari ay isipin mong lagi kang ligtas sa ilalim ng dagat…
ALĂNA: Maraming Salamat, Inang Karaba…hanggang sa susunod na araw…

Lights off


SCENE II
Naiwang naghihintay para sa bukang liwaylay si Alăna sa kanyang halalamnan, labis ang kanyang tuwa at kasabikan kung kaya hindi siya mapakali

KANTA:

SANA ALĂNA’s theme

Narinig ko ang bulong-bulongan
Na sa lupa’y ma’y kasayahan
May mga lalang na kakaiba
Nagkakantahan, nagsasayawan
Doon ay mayroong ganito…ano na naman ba ito?
Nakalimutan ang pangalan,
Pero sa lupa’y aking malalaman…

Kahit na, munting panahon, ako’y magpunta sa ibabaw
Pagmamasdan ang mga kinagawian
Ng may ngiti sa aking labi…
Kukuha ng madaming ganito, ano ulit ‘to?
Pupunuin ko ang aking palasyo, ng ganito…

Nais kong maranasan ang tumakbo sa ilalim ng buwan,
Maramdaman ang init ng araw sa aking katawan,
Sa lupa ko lamang maaaring gawin, ang lahat ng aking nanaisin…

Bukas na ang kaarawan,
Maglakbay sa ilalim ng karagatan,
Mundong puno ng mahika,
Mundong kakaiba…

Sana ay, bukas na o di kaya’y ngayon na
Aking makikita…mundong pinapangarap…
Malapit na…malapit na…
Pagsikat ng araw…ay bukas na…

(Lyrics & Music by imee)
Lights off


SCENE III
Si Alăna ay pinayagan nang pumunta sa lupa at sa kanyang paglalaro ay nakita niya ang isang malaking barkong may lulan na napakaraming mga tao, nagkakantahan at nagsasayawan…ngunit may isang tao ang nakadungaw sa may karagatan at parang siya ang pinaparangalan ng mga kanta at sayaw ng mga lalaking tao….

BENNY: Mahal na Prinsipe, bakit hindi po kayo lumalahok sa pagsasaya? Ngayon ang inyong kaarawan kung kaya’t tayo ay magdiwang!!!
ENRICO: Sige Benny, ako’y lumalanghap lamang ng sariwang hanging dagat..
WALLY: Kung inyong mamarapatin mahal na Prinsipe, isa pong inumin?
ENRICO: Salamat Wally…kukunin ang baso at iinumin ang laman, saka magtatawanan ang mga tao at tuloy ang musika at pagsasayaw, samantalang si Alăna ay nasa ilalim ng barko at pinapakinggan at sumisilip sa nangyayari sa barko, nabighani agad ang kanyang munting puso sa maamong mukha ng Prinsipe…

Nang biglang nag-iba ang ihip ng hangin, dumilim ang paligid at lumakas ag hangin…nayanig ang barko…nagkagulo ang mga tao… sa kaguluhan ay walng nakapansin kung ligtas ang prinsipe, maging si Alăna ay walng makita sa dilim, ingay lamang ng mga sigaw ang maririnig – nang isang kidlat ang nagturi kay Alăna kung nasaan ang prinsipe…Nahulog ito mula sa barko at nawalan ng malay, kapag hindi ito aahon ay maaring malunod ito… agad niyang pinuntahan ang prinsipe at kanya itong sinagip mula sa kamatayan.

Lights off

SCENE IV
Si Alăna at Enrico ay nasa pampang, hawak ni Alăna ang ulo ni Enrico upang hindi ito matuluyan sa muntik nang pagkawala ng kanyang hininga. Nagkaroon ngayon ng pagkakataon si Alăna na titigan ang walang malay na prinsipe. Hinaplos niya ng kanyang mga daliri ang basang buhok ng prinsipe, pinadaan niya ang mga ito sa mukha ni Enrico, at kanya itong dinampian ng isang matamis na halik sa noo. Buong pagmamahal niyang inayos at tinitigan ang prinsipe…

KANTA: Alăna:
SANA…reprise
Hindi ko alam, kung kailan,
Matutupad ang kahilingan,
At ako’y darating, naglalambing
Sa piling mo…

Nang may marinig si Alăna na mga tinig na tila papalapit, agad siyang nagtago upang hindi nila siya makita…ang parating ay si Sofia, isang naninilbihan sa kumbento, kasama niya ang kanyang mga kaibigang sina Vanessa, Julie, At Ella. Mamasyal sana ang kanilang tangka ng makita nila ang nakahandusay na katawan ni Enrico. Atubili sila sa paglapit sa umpisa, ngunit si Sofia ang pinakamatapang at kanyang nilapitan ang malapit nang matauhan na si Enrico.
Tamang-tama pag-angat ni Sofia ng ulo ni Enrico ay nagmulat ito ng mata, napangiti ang binata sa tanawing tumambad sa kanya…

ENRICO: Anong nangyari? Ako ba’y napadpad rito ng isang malaking alon? Salamat binibini sa iyong pagdating…
SOFIA: Nakahandusay ka lamang rito na parang isang bangkay…isan malaking kapayapaan ang malaman na ikaw ay humuhinga pa…maaari kang tumigil muna sa kumbento upang makapagpahinga, at upang malunasan na rin ang iyong mga sugat at galos…
ENRICO: Salamat ng maramI, Binibini…
SOFIA: Walang anuman, tungkulin namin ang tumulong sa kapwa anumang oras, iyan ang aming sinumpang tungkulin…masisiyahan ka sa kumbento, sari-saring mga bagong aral ang iyong matutunan doon…nakikita ko namabg isa kang taong may pinag-aralan, nasisiguro kong hindi ka malulumbay sa panahong iyong itatagal sa kumbento..
Itatayo nina Sofia si Enrico upang dalhin sa kumbento. Nakita ito lahat ni Alăna at nalungkot siya sapagkat…

ALĂNA: sa kanya ng sarili/ o voice over Hindi niya nalalaman na ako ang siyang nagligtas sa kanyang buhay. Napakasakit ang hindi man lamang matapunan ng kanyang matamis na ngiti, at mabubuhay siyang hindi masisilayan ang mukha ng isang sirenang handang gawin ang lahat para sa kanya… Enrico…

Option: Maaaring gumuhit lamang sa mukha ni Alăna ang pagkabigo at pasakit dahil hindi alam ni Enrico na siya ang nagligtas sa kanya.


Lights off

SCENE V
Nakauwi na si Alăna sa kanilang palasyo at ito ay walang imik, kung kaya labis ang pagtataka ng kanyang amang si Haring Argo, Karaba, at maging ng kanyang mga kapatid…hindi pangkaraniwan ang katahimikan ni Alăna kung kaya walang tigil sa pag-uusisa ang kanyang mga kapatid….

ATINA: Alăna, kapatid…ano ang nangyari sa iyo at bakit ka tahimik? Isa bang suliranin ang tumambad s iyo sa lupa? Kung ganoon ay sabihin mo sa amin nang ikaw ay aking, aming matulungan…
AQUATA: Alam naming hindi ordinaryong pangyayari para sa iyo ang magpunta sa lupa…at hindi rin ordinaryo ang iyong pagiging biglang tahimik…ang palasyo ay nabubuhay ng masaya dahil sa iyo! At ngayon ay ni ayaw mong magsalita!
ATINA: Lagi mo sanang pakakaisipin na kami ay laging handa kang tulungan…
ARISTA: Alăna. Ano man ang bumabagabag sa iyo ngayon…suliranin man iyan o kahit na ano pa man, pakakatandaan mo na nangako ka sa amin na kahit anong mangyari…ang iyong alamat ay aming malalaman…
ANDRINA: Sabik na akong malaman kung ang iyong sanaysay ay dapat pang pakinggan…kung ang iyong paglalakbay ay may halong saya o luha…ipinapangako kong kailanman ay hindi kita pagtatawanan anuman ang iyong ibahaging karanasan. Pinid ang aking mga labi maging sa pagngiti…
ABRINA: Ano ba naman kayong dalawa…ang ating bunsong kapatid ay hindi nagsasalita, nakuha niyo pang pigain ang kanyang pangako! Dapat kayong maging sensitibo sa kanyang nararamdaman! Pause ngunit Alăna…ang pangako ay pangako…
Magtitinginan ang lahat kay Abrina…ngingiti ito ng guilty
ANDRINA: Mga kapatid…parang ako ay mayroong napapansin…noong umalis ang ating si Alăna ay halos wala siyang tigil sa pagbanggit ng tungkol sa mga tao…at …
ARISTA: sigaw Pag-ibig!
ABRINA: Tama! Pag-ibig nga…sabihin mo kapatid…ikaw ba ay mayroong nakilala?
ATINA: Isang maginoong binata na handang ibigay ang lahat ng kanyang pag-aari pati na kaluluwa sa iyo?
AQUATA: Magsitigil kayo! Alam ba ninyo ang inyong mga pinagsasabi? Ang pag-iibigan ng isang tao at sirena ay ipinagbabawal sa ating kaharian!
ATINA: Ngunit bakit Aquata?
AQUATA: Magdudulot lamang ito ng matinding panganib at pasakit sa sinumang magmamahal ng taga-lupa!
ARISTA: Hindi ko maintindihan…
AQUATA: Pagkat tayong mg a sirena ay iba ang anyo at katauhan sa mga tao…hindi maaring magsama ang isang sirena at isang nilalalng na taga-lupa kailanman!…
Biglang iiyak si Alăna…hahagulgol ito ngunit walnag luhang papatak…pagkat walang luha ang mga sirena…

ALĂNA: Tama na! Kayong lahat! Pause
Sa aking pagpunta sa ibabaw ay may nakita akong mga barko…nakatigil lamang sila, pagkat mayroong pagdiriwang na nagaganap…ang dami ng mga taong nagkakantahan at nagsasayawan, para ipagdiwang ang kaarawan ng kanilang Mahal na Prinsipe…narinig kong ang kanyang pangalan ay …Enrico…
ANDRINA: Enrico?
ALĂNA: Kilala mo siya?
ANDRINA: Nabanggit na siya sa akin ni Marina, siya an may-ari sa palasyong nasa gilid ng dagat.
ATINA: Pagkatapos Alăna?
ALĂNA: Nang aking masilayan ang kanyang mga mata…ang kisig niyang walang kapara…pakiramdam ko’y napupuno ng dugo ang aking puso. Parang bumigat siya dahil nagkaroon ng laman…siguro nga’y pag-ibig mga kapatid…
Pag-ibig ang siyang nagtulak sa akin upang iligtas siya sa napipinto niyang katapusan.
ARISTA: Nagkaroon ba ng labanan at kinailangan niya ang iyong tulong?
ALĂNA: Hindi…isang malakas na bagyo ang dumating, tulad ng inyong naramdaman…labis ang lakas ng hangin at buhos ng ulan kung kaya’t tumaob ang kanilang barko…nawala ang kanilang liwanag sa gabi…at wala akong maaninag. Isang pambihirang kidlat ang dumaan sa kalangitan at nakita ko siyang nahulog sa tubig at halos di na gumagalaw…noong una ako ay nasiyahan sapagkat sa wakas ay makakapiling ko siya dito sa ating palasyo…ngunit, napagisip-isip ko, na ang mga tao ay hindi pala marunong huminga sa tubig, at maaaring pagdating niya dito sa ating palasyo ay isa na lamang siyang bangkay dahil sa pagkalunod…ayoko siyang mamatay! At sinuong ko nga ang mga nagkalat na materyal ng barko at akin siyang sinagip…dinala ko siya sa pinakamalapit na pampang…doon sa may mga kampanang tumutunog.
Habang hawak ko siya sa aking mga bisig, ninais kong sana ay tumigil ang panahon upang habambuhay ay kapiling ko siya…upang hindi na ako magising sa aking mahiwagang panaginip…
Hindi nagtagal at may mga taong dumating…isang babae an lumapit sa kanya kung kaya ako ay nagtago…unti-unting iminulat ni Enrico ang kanyang mga mata…napakasaya ko sapagkat siya ay ligtas…subalit hindi niya nalalaman na ako ang siyang sumagip sa kanya mula kamatayan. Inakala kong kahit munting ngiti mula sa kanyang mga labi, ang aking magiging gantimpala…ngunit ganoon pa man, si Enrico ang pinakamagandang tanawing nakita ko sa lupa, at ibibigay ko ang lahat, makapiling ko lamang siya ng kahit sandali, ang makaramdam ng kapirasong kaligayahan sa lupa…ang maranasan muli an aking mahiwagang panaginip…
AQUATA: Mananatili na lamang siyang isang panaginip, Alăna! Isang mahiwagang panaginip na maaaring karugtong ng isang nakakakilabot na bangungot!
ATINA: Aquata! Ang nararamdaman ni Alăna ngayon ay hindi isang malaking biro…alam ko ang sakit kung paano umasa sa isang bagay na kailanman ay hindi mapapasaiyo!
AQUATA: Hangga’t maaga pa ay putulin mo na iyong kahibangan! Ang pag-ibig ay isang salot na siyang sumisira sa puso ng sinuman na kanyang madadapuan!
ATINA: At anong nalalaman mo sa pag-ibig Aquata? Ikaw na walang nalalaman tungkol sa dalamhati at sakripisyo…
AQUATA: anong karapatan mong sabihin sa akin iyan?!!!anong karapatan mong husgahan kung hanggang saan ang aking nalalaman?!!! Walang sinuman sa inyo ang nakakaalam kung ano ang aking mga napagdaanan!! Kung kaya wala kayong karapatan!! Wala! Wala!
Huwag mo nang hintayin pang makarating ito kay ama!
Aalis si Aquata ng mabili at maiiwan ang limang magkakapatid…

ABRINA: Atina, hindi mo dapat sinabi yon…siya pa rin ang ating pinakamatandang kapatid kung kaya kailangan pa ring bigyan natin siya ng nauukol na paggalang, at respeto.
ATINA: Alam ko Abrina, nahihiya ako sa aking ginawa…hindi ko akalaing labis siyang magagalit ng ganoon…kung maibabalik ko lang sana ang panahon…
ABRINA: Tama na ang pagdadalamhati mga kapatid…isang magandang usapan at makikita niyo…balik na naman tayo sa dati…mabait na kapatid si Aquata, dapat niyo iyang malaman kayong apat…hindi niya kailanman hahangarin ang pagbagsak ng isa man sa atin…
ARISTA: Ngunit Abrina…nawala yata ako sa usapan kanina…may nalalaman ka ba tungkol sa mga nangyari sa kanya?
ABRINA: Ang alam ko lamang ay tulad mo rin siya Alăna…nahulog rin ang kanyang loob sa isang taga-lupa…ngunit pinaglaruan lamang siya nito, sa puntong pinaasa siya… o parang ganon na sitwasyon…
ANDRINA: Nakakapangilabot! Parang ayaw ko na tuloy pumunta sa ibabaw…
ARISTA: At makakita ng mga tao…kasumpa-sumpa ang mga tao! Lagi na lamang nila tayong inaarag-gyabado! Isang rebolusyon!
ATINA: Abrina…ang nangyari kay Aquata…nalaman ba ni ama?
ABRINA: Sa aking hinuha ay oo…dahil labis siyang nagalit noon kung kaya halos palubugin niya noon ang isla ng lalake…
ATINA: Naaalala ko na…ang mga panahong tutol noon si ama sa iyong pagpunta sa ibabaw kahit nasa tamang gulang ka na…
ABRINA: Tama…
ARISTA: Ngunit bakit hindi namin alam iyan?
ANDRINA: Bakit wala man lang kaming impormasyon?
ABRINA: Mga bata pa kayo noon, at wala kayong interes sa mga bagay na ganoon…
Alăna, ngayon at narinig mo na ang isang alamat pag-ibig ni Aquata, nais mo pa rin bang makapiling ang prinsipeng yaon?
ALĂNA: Puno ako ng pangamba ta takot…ngunit isang malakas na pwersa ang nagasasabing ang aking kapalaran ay iba kay Aquata…
ATINA: Naiintindihan ka namin Alăna…na sa iyo ang aking simpatiya…hinihiling ko lamang na huwag ka sanang gagawa ng hindi namin ikaliligaya…
Tatango lamang si Alăna, at saka mag di-di lim lights…

Lights off

SCENE VI
Kahit nalaman na ni Alăna ang naging karanasan ni Aquata, hindi pa rin siya kumbinsido sa kanyang mga narinig…nais pa rin niyang malaman ang lahat tungkol sa mundo ng mga tao kung kaya’t kinausap niya si Karaba…

ALĂNA: Inang Karaba, alam kong ilang ulit na kayong dumalaw sa mundong ibabaw, tiwala akong marami kayong nalalaman tungkol sa mga tao…nais ko po sanang magtanong?
KARABA: Sige, Prinsesa Alăna…ano ang gumugulo sa iyong isip?
ALĂNA: Kung sakaling ang mga tao hindi mamamatay sa pagkalunod, nabubuhay ba sila ng walang kamatayan? Hindi ba sila namamaty tulad natin?
KARABA: Alam mo Alăna, ang mga tao ay kailangan ring mamatay, ang buhay nila ay daang taon ang ikli sa atin…nabubuhay tayo hanggang tatlongdaang taon, ngunit kapag dumating na ang araw ng ating pagpanaw…nagiging lumot na lamang tayo sa ibabaw ng tubig, ni wala nga tayong libingan dito ng ating mga mahal sa buhay eh…Wala tayong mga kaluluwang imortal, hindi na tayo muli pang mabubuhay dito sa mundo, minsan lang tayo magkakaroon ng pagkakataon, tulad ng isang damo…sa oras na putulin mo ang katawan, hindi na siya muling lalago pa…ganoon tayo. Hindi katulad ng mga tao, mayroon silang kaluluwang nananatiling buhay magpakailanman, kahit ang katawan ay matagal nang naging abo. Ang kanilang kaluluwa ay umaakyat sa kalangitan, sa likod ng mga nagkikinangang mga bituin…parang tayo kapag umaakyat sa lupa, sila rin ay umaakyat sa isang mundong napakasagrado at kailanman ay hindi natin malalaman kung ano…
ALĂNA: Bakit wala tayong mga imortal na kaluluwa? Nagagalak akong ibigay ang ilan sa aking mga taong mabuhay upang maging tao lamang kahit isang araw at magkaroon ng pag-asang mararamdaman ko ang kaligayahan sa mundo sa likod ng mga bituin.
KARABA: Huwag mo sanang isispin iyan Alăna! Tayo ay mga pinagpalang nilalang kaysa sa mga tao!
ALĂNA: Mamamatay rin naman ako at magiging lumot sa ibabaw ng dagat, anong kaligayahan ang naghihintay sa akin doon? Mayroon bang paraan upang makamit ang isang imortal na kaluluwa?
KARABA: WALA! Maliban na lamang kung isang lalake ang magmamamhal sa iyo ng labis at ituturing kang mas mahalaga kaysa sa kanyang sariling mga magulang; kung ang lahat ng kanyang pag-ibig ay para lang sa iyo at inilagay ng isang pari ang kanyang kanang kamay sa iyong mga kamay, at nangako siyang magiging tapat sa iyo ngayon at kailanman…ang kanyang kaluluwa ay pupunta sa iyong katawan kung kaya kayong dalawa ay magiging isa at makakamit niyo ang kaligayahang hinaharap ng isang nilalang ng lupa…ngunit hindi ito kailanman mangyayari mahal ko, ang iyong anyo ay kakaiba para sa mga tao…kung dito sa atin ay itinuturing na maganda ang magkaroon ng buntot ng isang isda, para sa kanila isa itong kapintasan, dahil ang alam nila, kailangan mong magkaroon ng dalawang tungkod na tintawag nilang paa upang maging maganda.
ALĂNA: Maaari mo ba akong gawan ng mga paa Inang Karaba? O si ama kaya? Maaari ba niyang gawing paa ang aking mga buntot?
KARABA: Hindi ko kaya Alăna, at kahit kaya ng iyong ama, ay hindi niya gagawin sapagkat tutol siya sa mga tao…
AlĂNA: wala na bang iba?
KARABA: Mayroon ngunit hindi mo iisiping siya ay pupuntahan mahal ko…
ALĂNA: Ang bruhang si Ursula…
KARABA: SShhh…baka may makrinig sa iyo…kalimutan mo na lamang ang ating napag-usapan Alăna, dapat tayong maging masaya sapagkat mayroon tayong tatlong daang taon upang mabuhay, kung kaya’t napakaaga ang pag-isipan ang tungkol sa mga bagay na iyan…magpahinga ka na…magkakaroon pa tayo ng pagtitipon mamaya…

Lights off

SCENE VII
Nagpunta si Alăna kay Ursula nang walang nakakaalm upang magpatulong tungkol sa pagkakaroon niya ng mga paa…

URSULA: Alam ko ang iyong nais…napakalaki mong hangal, ngunit makukuha mo ang iyong pinuntahan…at ito ay magdadala sa iyo ng labis na kalungkutan. Gusto mong magkaroon ng paa sa halip na buntot ng isda, tulad ng mga tao…upang ang iyong pinakamamahal na prinsipe ay mahulog ang loob sa iyo, at magkaroon ka ng imortal na kaluluwa…tatawa ng nakakatakot
Tamang-tama lang ang iyong pagdating…dahil bukas pagsikat ng araw ay wala na akong kakayahang tulungan ka pa, maghihintay ka pa ng dalawang taon bago ko muling magamit ang aking mahika…Maghahanda ako ng isang inumin para sa iyo, upang iyong inumin bukas bago sumikat ang araw sa pampang. Ang iyong buntot ay mawawala, at papalitan ito ng mga paa…makakaramdam ka ng matinding sakit na para bang isang matalim na espada ang humahati ng unti-unti sa iyong buong katawan…sa kabilang banda, sinuman ang makakakita sa iyo ay magsasabing ikaw ang pinakamagandang nilalang na kanilang nakita. Hindi mawawala sa iyo ang kagalingan mo sa paggalaw at kayumihan ng iyong mga kilos…walang mananayaw ang hihigit sa iyong kakayahan…ngunit, sa bawat hakbang mo sa iyong mga paa, ang sakit ay lalala na para bang naglalakad ka sa ibabaw ng mga matatalim na kutsilyo, at dahil sa kirot…hindi makakayanan ng iyong munting mga paa, kung kaya’t ang dugo mo ay dadaloy.
Kung buong-puso mong tatanggapin ang lahat ng aking mga binanggit…handa akong tulungan ka!
ALĂNA: natatakot Kung iyan lamang ang paran upang mahalin ako ni Enrico at magkaroon ako ng kaluluwang imortal…OO! Tinatanggap ko!
URSULA: Ngunit mag-isip kang muli! Sapagkat sa oras na magabago ang iyong anyo at isa ka nang tao…hindi ka na muli pang magiging isang sirena. Hindi ka na muling makakabalik sa dagat at hindi mo na kailanman makakapiling ang iyong ama, at iyong mga kapatid…subalit, sa oras na hindi mo makamtam ang pag-ibig ng iyong prinsipe, upang handa niyang kalimutan ang kanyang mga magulang para sa iyo, upang mahalin ka niya ng buong puso at katapatan, upang ilagay ng isang pari ang kanyang kanang kamay sa iyong mga kamay at ihayag na kayo ay mag-asawa…wala na akong magagawa, hindi mo makakamtam ang inaasam mong kaligayahan at imortal na kaluluwa…at sa unang bukang-liwayway pagkatapos niyang ikasal sa ibang babae sa halip na sa iyo…madudurog ang iyong munting puso at magiging isa ka na lamang lumot sa ibabaw ng dagat…
ALĂNA: Gagawin ko!
URSULA: Ngunit…kailangan ko rin ng sapat na kabayaran sa aking gagawin, konti lang naman ang aking sisingilin. Isang malaking kaalaman na taglay mo ang pinakamagandang tinig sa buong karagatan, at tiwala kang sa pamamagitan nito ay mapapamahal sa iyo ang prinsipe…kung kaya dapat lamang na maging akin ang iyong tinig! Ang pinakamahalaga mong pag-aari ang siyang dapat maging kabayaran sa aking inumin, sapagkat sarili kong dugo ang aking ihahalo rito upang maging kasing-talas siya ng isang libong espada!
AlĂNA: Ngunit kapag kinuha mo ang aking tinig, ano na ang matitira sa akin?
URSULA: Ang maganda mong mukha! Ang maganda mong katawan! Ang iyong magaling na paggalaw…at ang iyong mga nangungusap na mga mata! Sigurado akong sa pamamagitan lamang ng mga katangiang aking binanggit ay maaangkin mo ang puso ng sinuman na iyong nanaisin.
Natatakot ka na ba munting sirena? sa isang saglit lamang ay mapapasaiyo na ang mahiwagang inuming magpapabago sa iyong buong buhay! Tatawa
Habang ginagawa niya ang inumin
Ang pagiging malinis ay isang napakahalagang kaugalian na dapat nating pagyamin…
Ayan! Tapos na rin sa wakas! Ilabas mo na ang iyong dila upang aking maputol at makuha ko ang kabayaran ng aking ginawa! Tatawa ng malakas….

Lights off

SCENE VIII
Nakuha na nga ni Alăna ang mahiwagang inumin mula kay Ursula…ngunit hindi na siya makakapagsalita pa…nasa gilid siya ngayon ng pampang at hawak-hawak ang mahiwagang inumin…matagal niya itong tinitigan at saka unti-unti niya itong ininom. Sa isang segundo lamang ay nakaramdam siya ng matinding sakit…parang hinahati ng isang matalim na espada ang kanyang buntot…sumisigaw siya ngunit walang tinig na lumalabas mula sa kanyang mga labi…mababakas na lamang mula sa kanyang munting mukha kung gaano kasakit ang nararamdaman niya…ilan pang segundo ay nawalan siya ng malay…

Lights off


ACT TWO: Ang Daigdig sa Ibabaw ng Karagatan


SCENE I
Sa isang dalampasigan, si Alăna ay hawak-hawak ng isang lalake sa kanyang mga bisig, pilit siya nitong ginigising at iminumulat ang mga mata…sa wakes ay matatauhan ang dalaga, isang matinding kirot pa rin ang kanyang nararamdaman, ngunit napawi ang lahat ng makita niya kung kaninong mga bisig siya nakahiga…kay Enrico.

ENRICO: Binibini…anong nangyari sa iyo? Pinagsamantalahan ka ba ng mga kalalakihan dito? Saan ka galing? Bakit ganyan ang iyong anyo? May nararamdaman ka bang sakit? Kung nanaisin mo ay maaari ka munang magpahinga sa aing bahay hanggang ikaw ay handa na muling mag-isa…
Tatawa para akong nakikipag-usap sa isang pipi…hindi ka ba marunong magsalita? Nakakaintindi ka ba ng Tagalog? Naiintindihan moba ako? Binibini?binibini?
Sa bawat tanong ni Enrico ay titig lamang at ngiti ang isinasagot ni Alăna, sapgakat kahit gaabo niya naisin magsalita ay walang tinig na lumalabas sa kanyang lalamunan.
Sa kaunting saglit na paghawak ni Enrico kay Alăna ay nakaramdam siya ng kakaiba, ang mga mata ng babeng kanyang nasa bisig ay tila nagmamakawa at naghahanap ng isang pag-aaruga…
ENRICO: Ang iyong mga mata, parang may nais ipahiwatig ngunit hindi ko maintindihan…marahil ay nadadala lamang ako sa iyong kagandahan…
Halika…kaya mo bang tumayo? Itatayo niya si Alăna at susubukan ni Alăna ang kanyang mga paa, nakaya niyang tumayo ngunit parang umapak siya sa matalas na bahagi ng kutsilyo kung kayat hindi niya nakayanan ang sakit at muntik na siyang natumba kung hindi siya nasalo ni Enrico…
ENRICO: Huwag mo munang pilitin ang tumayo kung hindi mo pa kaya binibini…dadalhin muna kita sa aming palasyo upang maayusan ka at madamitan…kung iyong mamarapatin bubuhatin niya si Alăna at kanya itong dadalhin sa kanilang palasyo upang makapagpahinga….

Lights off



SCENE II
Sa kaharian ng Atlantica…makikita ang mga alalang-alalang mga kaptid ni Alăna, si Karaba, at si Haring Argo…nalulungkot sila sapagkat hindi na nila maaari pang makapiling si Alăna…

ANDRINA: Ama! Wala ka bang magagaw upang maibalik sa atin si Alăna?
ARISTA: Hindi mo ba maaaring baligtarin ang ginwa niyang pakikipagkasundo kay Ursula?
HARING ARGO: Ang ginawa ni Alăna ay isang malaking kahangalan! Nasa hustong gulang na siya at tamang pag-iisip kung kaya anuman ang kanyang mga desisyon…buhay niya iyon, kailangan niyang panagutan!AQUATA: Ngunit ama! Papaano kung lolokohin lamang siya sa lupa? Papaano kung nasa pangannib siya ngayon? Hahayaan mo na lang ba siyang mawala sa atin ng ganun-ganun na lamang?
KARABA: Si Alăna ay isa nang tao ngayon…hindi na siya kabilang dito sa ating daigdig…ang mahika ni Ursula ay napakalakas, na kahit ang kapangyarihan ni Haring Argo ay hindi iyon mababago…Ang kasunduan nila ni Ursula ay walng sapilitan kung kaya’t walang karapatan ang Hari upang makialam, iyon ang nasa batas…
ATINA: Ang aking kapatid…kasalanan ko kung bakit niya ginawa iyon…naging mabait ako sa kanya…marahil ay inakala niyang tama ang kanyang ginawa sa ngalan ng pag-ibig…
ABRINA: Pag-ibig ang siyang nagtulak sa kanya upang makipagkasundo kay Ursula…napaklungkot…
ARISTA: Bakit hindi niyo na lamang patayin si Ursula ama? Baka sakaling pag namatay na siya ay magbabago ang sumpa…
HARING ARGO: Hindi iyon ganoon kadali! May mga batas tayong sinusunod!
AQUATA: Mga batas na kahit buhay ni Alăna ay kaya niyong isakripisyo?!
KARABA: Huminahon kayo…ang ginawa ni Alăna ay tunay ngang mapanganib at makasarili, ngunit isipin nating magiging maliagya siya sa kanyang ginawa, umasa na lamang tayo na hindi darating ang araw na iba ang pakakasalan ni Enrico…umasa na lamang tayo na hindi sana nagkamali si Alăna sa kanyang ginawa…
Pwedeng magkakaroon sila ng kanta sa parteng ito…
Pwede rin na sa kabilang bahagi ay sumsabay sa kanta si Sofia at ng kanyang mga kaibigan…
Ang kanta ay pwede yung tagalog version ng Deep in my heart…pagkat tinatalakay nito ang pangungulila para sa isang minmahal…sina Karaba kay Alăna, at si Sofia kay Enrico…

Dito sa Puso

Argo: Aking dala, ang alaala…ng iyong larawan, aking perlas
At kahit na, kami ay iniwan…di kailanman, magbabago…

Sa oras na, mag-iisa…asahan mo tuwina…
Dito sa aking puso, laging ikaw…

Aquata: ang iyong gianwa ng dahil sa pag-ibig kami ay sinaktan mo at pinabayaang malungkot,

subalit kahit anong mangyari, ikaw ay laging minamahal…

Sa oras na mag-iisa, asahan mo tuwina…

Dito sa aking puso, di malulumbay
(Music & Lyrics by imee; arranged by heather)

SCENE III
Sa palasyo ni Enrico ay mayroong isang pagtitipon kung saan ipinakilala ni Enrico si Alăna sa kanyang mga kaibigan, nasa isang pormal na kasuotan na si Alăna at laging nakakabit, literally, kay Enrico…isang kasayahan ang inihanda. Isang babae ang kumanta at ilang tao ang nagsayaw para sa prinsipe Enrico. Nahalata ni Alăna na labis ang tuwa ni Enrico habang pinapanood niya ang mga nagsasayw kung kaya kahit masakit ay tumayo siya mula sa kanyang upuan at sumayaw ng buong pagmamahal para kay Enrico…kahit na unti-unti nang dumadaloy ang dugo sa kanyang mga paa…isang masigabong palakpakan ang tinanggap ni Alăna pagkatapos niyang magsayaw…ngunit ang pinakamahalga kay Alăna ay ang ngiting iinigay ni Enrico sa kanya. Sapat na ang mga ngiti ni Enrico upang mapawi ang sakit na nararamdaman niya…

Lights off

SCENE IV
Pagkatapos ng napakagandang sayaw ni Alăna ay nasa isang bahagi siya ng kaharian, pinupunasan niya ang kanyang mga paa, pagkat tuloy-tuloy ang agos ng dugo mula dito…ayaw niyang ipakita kahit na sino ang sakit na tinitiis niya araw-araw para kay Enrico…nang hindi inaasahan ay biglang dumating sa kanyang tabi si Enrico, palihim niyang itinago ang kanyang ginagawa…

ENRICO: Anong ginagawa mo rito? Malalim na ang gabi, kailangan mo nang magpahinga. Hindi ko alam na napakagaling mong sumayaw, wala pa akong nakita na kasing galing at ganda mo sumayaw…para sa akin ba iyon? Talaga? Napakabuti mo naman…ngingiti at hahalikan sa noo, yayakapin niya si Alăna ng buong pagmamahal
Ang aking piping prinsesa…tunay na napakahalaga mo sa akin, taglay mo ang pinakamabuting puso, at alam kong tapat ka sa akin…
Katulad ka ng isang dalagang minsan ay aking nakita, at hindi ko na makikita pang muli…Nasa isang barko ako noon, araw ng aking kaarawan, ngunit may malakas na bagyong dumating kung kayat tumaob ang barko at nahulog ako, dinala ako ng mga alon sa isang dalampasigan malapit sa isang kumbento, kung saan may mga dalagang naninilbihan…ang pinakabata sa kanila ang nakatagpo sa akin sa pampang, at siya ang nagligtas sa aking buhay. Dalawang beses ko lamang siya nakita at nakausap, ngunit ramdam ko sa aking puso na siya lamang ang tanging babae sa mundo na aking paka iibigin…at ikaw, ikaw at siya ay magkapareho, at muntik ko na siyang hindi maalala nang dahil sa andito ka sa aking tabi. Nabibilang siya sa simbahan, at ang tadhana ang siyang nagdala sa iyo sa akin, sa halip na siya; at hindi tayo kailanman magkakalayo…pangako ko sa iyo yan…
Voice over:
ALĂNA: Hindi niya nalalaman na ako ang siyang nagligtas sa kanyang buhay. Ako ang nagdala sa kanya sa dalampasigang malapit sa simbahan. Nagtago ako sa likod ng mga bato at pinanood ko siyang tulungan ng mga ibang tao. Nakita ko ang magandang dalagang inakala niyang siyang nagligtas sa kanya, at mas higit niyang mahal kaysa sa akin…ngunit sabi niya ang dalagang iyon ay nabibilang sa isang kumbento, kung kaya hindi na sila magkikitang muli; habang ako ang lagi ay nasa kanyang tabi, at kapiling siya araw-araw. Pakaiingatan kita…pakaiibigin kita…kahit buhay ko’y ibibigay ko para sa iyo…Enrico…
Magakayakap pa rin ang dalawa at nang tumingin si Alăna kay Enrico, ay biglang may maiisip ang prinsipe…mapapatayo ito…
ENRICO: Inutusan nga pala ako ng aking amang hari na bumisita sa kabilang kaharian bilang paggalang sa hari…kaya nga nagpagawa si ama ng magandang barko, at saka magpapasama siya ng ilang mga regalo…titingin kay Alăna…
Kailangan kong maglakbay, kailangan kong makita ang anak an prinsesa ng hari sa kagustuhan ng aking mga magulang; ngunit hindi nila ako mapipilit na iuwi siya rito bilang aking kabiyak. Hindi ko siya maaaring mahalin, hindi siya ang dalaga sa kumbento, na kamukha mo…kung pipilitin nila akong pumili ng mapapangasawa…mas nanaisin ko pang ikaw, aking piping prisesa ang aking maging kabiyak…
isang matamis na halik sa labi ang ibinigay ni Enrico kay Alăna at isang napakahigpit na yakap…saka ito ngingiting muli…
ENRICO: Hindi ka naman takot sa tubig, ano? Maglalakbay tayo sa napaklawak na karagatan papunta sa kanilang kaharian. Madadaanan natin ang mga naggagandahang tanawin sa gitna ng dagat…napakraming mga kakaibang isda ang makikita mo, at sa ilalim ng dagat…may isang kaharian na puno ng misteryo at hiwaga…hindi pa ako nakapunta roon, tahanan daw iyon nghari ng karagatan…ngunit hindi ko lang alam kung totoo nga ang alamat na iyon o hindi…
Habang nagkwekwento si Enrico ay ngingiti lamang si Alăna sapagkat mas alam niya kung ano ang makikita sa ilalim ng karagatan kaysa kay Enrico…

Lights off

SCENE V
Naglayag nga sina Enrico at Alăna para sa prinsesa…pagdating nila sa kaharian ay labis ang gulat ni enrico sapagkat si Sofia pala ang dalagang nagligtas sa kanya sa dalampasigan. Labis ang tuwa ng dalwa ngunit ang sakit at lungkot sa puso ni Alăna ay hindi kailanman malalaman ninuman.

BENNY: Asan na ang prinsesa?
WALLY: Narinig ko na pinag-aral pa sa isang kumbento ang prinsesa para matutuhan niya ang paano maging asawa…
magtatawanan ang dalawa, at dumating nga ang Prinsesa kasama ang kanyang mga kibigan…napatitig lamang si Alăna at halos takbuhin ni Enrico ang prinsesa dahil sa tuwa…
ENRICO: Ikaw ang dalagang nagligtas sa akin nang ako ay mapadpad sa inyong pampang…niyakap niya ito at hinagkan sa noo…

IKAW NA NGA Eric and Sofia lovetheme

Enrico: buhay ay walang sigla
araw ay puno ng lumbay
Isang tinig ang dumating
At nagligtas sa akin…

Sofia: Naglalakad ng walang direksyon,
Sa buhanginan ng panahon,
Sa dalampasigan ika’y nasilayan
Ang hatid mo’y lubos na kaligayahan…
Enrico and Sofia: Mula sa simula, alam kong ikaw na
Ang tanging pag-ibig ng buhay ko…
Enrico: Ang aking dalangin ay natupad
Sofia: Na dito sa akin mapapadpad

Enrico and Sofia: Mula sa simula, hindi na nag-isa
Pagkat alaala mo ay laging kasama

Buhat ngayon, ating simulan
Isang mundong mahiwaga
Buong buhay magkasama
Hanggang kailan pa man…
(Lyrics by imee)

Pagkatapos ng makabagbag damdaming pagkikita ay diretso sa altar sina Enrico at Sofia upang pagsamahin ng banal na kaulatan ang kanilang pagsasama…hawak ni Alăna ang dulo ng damit ni Sofia sapagkat siya itinalagang maid-of-honor ni Sofia…lihim siyang nagdadalamhati, nais niyang sumigaw at umiyak ngunit ano ang kanyang isisigaw? Ano ang kanyang iluluha? Gayong wala siyang tinig at wala siyang mga luha?

Lights off

SCENE VI
Natapos ang kasal at nasa isang bahagi ng kahariang malapipt sa may dagat si Alăna, kasama niya ng kanyang mga kapatid, sapagkat nagpunta ang mga ito upang ibugay ang tanging solusyon upang hindi mamatay si Alăna…


ARISTA: Ibinigay namin kay Ursula ang aming buhok upang makakuha ng tulong, upang hindi ka mamamatay bago magbukang liwayway…
KARABA: Binigyan niya kami ng isang patalim…naririto…napakatalas niyan. Kinakailangang bago sumikat ang araw ay kailangang itarak mo ito sa dibdib ng prinsipe; kapag naramdaman mo ang mainit niyang dugo na dadaloy sa iyong mga paa, lalago itong muli at babalik ag dati mong buntot, at muli kang magiging isang sirena.
ABRINA: Makakabalik ka nang muli sa ating kaharian at mabubuhay nang hanggang sa tatlong daang taon!
ANDRINA: Dapat siya at hindi ikaw ang mamamatay bago sumikat ang araw!
ATINA: Ang ating ama ay naghihintay sa iyong pagbabalik Alăna!
AQUATA: Kusa naming ipinagkaloob kay Ursula ang aming mga buhok upang hindi ka mamamatay! Ganyan ka namin kamahal! Ipagpapalit mo ba kaming muli sa pag-ibig na kailanman ay hindi naging iyo?
ARISTA: dAlian mo Alăna! Patayin mo na ang prinsipe at bumalik ka na sa aming piling! Hindi mo ba nakikita ang unti-unting paglabas ng araw?
ATINA: Sa ilang sandali lamang ay tuluyan anitong sisikat at magiging isa ka na lamang lumot sa dagat!
KARABA: Tanggapin mo ang patalim Alăna! Para mo nang awa! Iligtas mo ang iyong sarili! Huwag kang magpakahangal! Alăna!
ARISTA: ALĂNA!
ABRINA: Para mo nang awa Alăna! AlĂNA!!!
ANDRINA: Mahal ka namin Alăna! Huwag mo kaming iiwan!!
ATINA: Alăna!!ang tangi naming kagustuhan ay ang iyong kaligtasan! Patayin mo ang prinsipe Alăna! Ngayon na!!
AQUATA: Alăna…hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal na iniaalay mo sa kanya! Hindi kaligayahan ang iyong makakamit kundi kamatayan! Alăna!
KARABA: Alăna! Huwag mong isakripisyo ang iyong sarili sa isang nilalang na walang kwenta!
Unti-unting tatayo si Alăna at pupuntahan ang natutulog na Enrico at Sofia, hawak niya ang patalim sa kanang kamay…puno ng pagmamahal na tintigan niya si Enrico at isang matamis na halik ang idinampi nito sa kanyang noo…

Lights off

SCENE VII:
Hindi nagawang patayin ni Alăna si Enrico kung kaya’t nagpasya siyang siya na lamang ang mamatay…habang hinihintay niya ang pagsikat ng araw, ang kanyang mga kapatid, si Karaba, at maging si Haring Argo ay nasa kanyang paligid at lihim na lumuluha…habang si Enrico at Sofia ay nasa kanilang silid na ntutulog…


MAHIWAGANG PANAGINIP Alăna’s swan song

Noong aking masilayan ang iyong mga mata,
Nabighani ang aking puso at pati kaluluwa,
Nangangarap, umaasam
Sa araw na ikaw at ako
Sakit at kirot hindi alintana,
Taghoy ng aking ama sa karagatan,

Ikaw ay mahiwagang panaginip,
Dumadalaw sa aking gabi
Lubos ang ligaya at tuwa sa tuwina
Kapag ikaw ay kasama.

Noong aking masilayan ang iyong mga mata
Luha ko’y dumadaloy ng di namamalayan,
Bihag mo, ang aking puso
Unti-unting namamatay, kasama ko…
Lahat ng pasakit, at kamatayan…
Ito’y haharapin…tatanggapin…



Ikaw ang mahiwagang panaginip,
Naglalaho sa aking daigdig.
Lubos ang ligaya kapag ikaw ay kasama,
Kaya ito’y…magagawa…

Ikaw ang mahiwagang panaginip,
Mga yakap mo at halik,
Dala ang alaala…
Sayang na pagmamahal
Sa dulo ng panaginip…
Ng walang hanggang… pag-ibig…

(Lyrics by imee: music by heather)

Sa pagsikat ng araw, isang mahiwagang pangyayari ang naganap…sapagkat sa halip na maging isang lumot sa ibabaw ng dagat…ay isang napagandang puting mga rosas/waterlily ang naroroon sa dating inuupuan ni Alăna…hindi man nakamit ni Alăna ang kaligayahang inaasam niya sa lupa, ay mkakamit niya ang imortal na kaluluwa sapagkat ang kanyang kabutihang loob at pagpapakasakit ay magagantimpalaan ng tatlongdaang taong pagsubok, at kung sa pagkatapos ng tatlong daan taong iyon…kapag nasa kanya pa rin ang pag-asa at pagmamahal, ay makakamit na rin niya ang kaluluwang imortal…






THE END



JULIE themesong

Hindi ko kailanman makaklimutan,
Ang araw na may nakilala
Isang ginoong ubod ng bait
At walang kasing kisig…
Ang kanyang ngiti ay parang sa santo,
Maliit ngunit may kahulugan,
Ang kangyang mga mata…
Ang kanyang mga mata’y kumikinang sa liwanag,
Ng kanyang mabuting pagkatao…
Pinapangarap na balang araw,
Kami ay muling magkita,
Minsan pa ay damhin ang kanyang
Mga haplos,
Sa kanyang mga bisig…
Ako’y nagnanais mahimbing,
Upang sa umaga paggising,
Halik niya ang sasalubong sa akin…
(Lyrics by imee)





DEEP IN MY HEART

Deep in my heart, that I treasure
Painted image of your beauty
In my dreams I always envision
The charms of your sweet smile

In dreary hours when rage of pain
Shatters all my hopes
In my dreams, I do believe
You’ll give me life…

Will you give me life?
Will you give me joy?
And won’t you stay?
I won’t stay!

It’s for my poor heart…
In dreary hours when rage of pain
My rage of pain hits my soul
Shatters all my hopes
In my dreams I do believe
Come back to me coz I believe
You’ll give me life…

Deep in my heart you’re my treasure
Painted image of your beauty
Even if I know I’m mistaken,
I will stay with you…

In dreary hours, when rage of pain
Shatters all our hopes
In our dreams we do believe
He’ll give you life…

Yearns when life, seems dark and sad
Even when faith’s gone…
In my heart I still believe
For your deep love…

Deep in my heart, I have treasured
Taintless image of you and me,
In my dreams I always see a vision,
Together, we will be…

In dreary hours when rage of pain
Should you cast me aside! And leave me behind!
Shatters all my hopes…
In my dreams I do believe
And in my dreams I do believe
He’ll give me life…

In dreary hours when rage of pain
Should I lost thy love! For that foolish game!
Shatters all my hopes…
In my dreams I do believe
In my dreams I do believe
We’ll share this life…

We will share this life…
(Music and Lyrics by imee: arranged by heather)

0 Comments:

Post a Comment



Template by:
Free Blog Templates