30 April 2007
(To all of you, who have been a part of this, my sincerest gratitude for taking this journey with me :)
HAPILY EBER APTER?
Unibersidad ng Pilipinas Manila
Copyright Pebrero 2001
By the
Up salinlahi & PA 161
SETTING
Act I
Overture : ANGELS soundtrack
Scene 1 : Palasyo g Pili
Scene 2 : Bahay ni Cinderella
“ A dream is a wish your heart makes” --- Cinderella
Scene 3 : Sa kagubatan
“Colors of the Wind” --- Pocahontas
Little Red Riding Hood
Scene 4 : Sa bayan
“ A whole new world” --- Jasmine and Cris (duet)
Scene 5 : Sa Palasyo
Scene 6 : “Go the Distance” --- Megara and Cris (duet)
Gypsy Dance --- Esmeralda and the dance
“Belle” --- Belle
Scene 7 : Sa bench
Scene 8 : Sa palasyo ni Sleeping Beauty
“I’m kissing you”
Scene 9 : Sa gubat
“Someday my prince will come” --- Snow White
Scene 10 : Sa creek
“Reflection” --- Mulan
Scene 11 : Sa dagat
“Part of your world” --- Ariel
Act II
Scene 1 : Sa Palasyo ng Pili
Ballroom Dance Extravagance
“Father and Son” ---King Raf and Prinsipe Cris
Scene 2 : Sa ballroom ng Pili Palace
“Awit ni Maria Clara” --- Maria Clara
Finale : Isang modern dance na sasayawan lahat ng members
Cinderella : A dream is a wish your heart makes
Pocahontas : Colors of the Wind
Jasmine : A whole new world
Megara : Go the Distance
Esmeralda : Baila dance
Belle : Belle/Beauty and the Beast
Aurora : I’m kissing you
Snow White : Someday my Prince will come/I’m wishin’
Mulan : Reflection
Ariel : Part of the world
ANGELS’s : soundtrack only/Independent Women
King n Cris : Father and Son
Maria Clara : Awit ni Maria Clara
Bertha’s score : Gregorian Chant
PRODUCTION TEAM
Production Manager : Prunella Santos____________
Sponsorship : Elvira Arafol,_Czarina Cua__
CREATIVE TEAM
Playwright and Director : Immaculate L. Cariaga
Set Designer : Joffrey Baylon
Costume Supervisor : Shiela Parungo
Sounds Supervisor : Liway Paguio,Heather Tejada
Assist. Sounds Supervisor : Euvie Amutan
Lighting Supervisors : Eva Mariquina, Farrah Romero
Consultants : Dr. Pacita Gavino
Ms. Juliet Bien
SCRIPT OF “HAPILY EBER APTER?”
CAST
Lola Monang : Monaliza Contreras
Prinsipe Cris : John Paul Soto
Maria Clara : Mia Paola Cosme
Evil witch/Bertha : Elvira T. Arafol
Cinderella : Niña Duque
Pocahontas : Merbennyl Cruz
Jasmine : Prunella Santos
Megara : Mae Tomelden
Esmeralda : Heather Tejada
Belle : Czarina Cua
Aurora : Angie Sisracon
Snow White : Trina de Guzman
Mulan : Monalisa Abibico
Ariel : Michelle See
King Charlie : Joffrey Baylon
Queen Latifah : Alissa Angeles
Basti : Raslanie Bangcola
Inday : Maileen Baleta
Angel J : Japhet Cerdenia
Angel E : Erwin Teves
Angel D : Dale Batalla
Red Riding Hood : Immaculate Cariaga
Margarita : Maripet Cabauatan
Petra : Yvonne Kessip
Elizabeth : Maui Terrado
COMPANY ENSEMBLE:
SYNOPSIS
Noong unang panahon, ay may isang prinsipeng nananarahan sa isang marangyang kaharian. Isang gabi sa kanyang pagtulog, ay dinalaw siya ng isang kakaibang panaginip. Sa panaginip, kanyang nakita ang babaeng karapat-dapat niyang pakasalan. Naglakbay ngayon siya upang hanapin ang babae sa kanyang panaginip, kasama ang matalik na kaibigang si Basti. Sa kanyang paglalakbay ay madami siyang nakilalang mga prinsesa, sina Cinderella, Pocahontas, Jasmine, Megara, Esmeralda, Belle, Sleeping Beauty, Snow White, Mulan at Ariel, at si Little Red Riding Hood. Sa kanyang pakikipag-sapalaran ay wala siyang nauwing pakakasalan sa palsyo. Dahil sa nakitang panlulumo ng anak, nagbigay ng isang piging ang hari at nag-imbita ng mga prinsesa sa buong kalupaan, upang sa piging ay malayang makapili ang prinsipe. Sa piging, lahat ng prinsesang inimbitahan ay dumating. Nalito ang prinsipe at sa huli ay nagdesisyong piliin si Ariel, ngunit, ng hindi nila inaasahan ay dumating ang bruhang patay na patay sa prinsipe. Abot-kamay na lang ng bruha ang tagumpay ng dumating ang prinsesang kababata ng Prinsipe. Sa kanyang pagdalo ay nawalan ng bisa ang mahika ng bruha. Umibig agad ang prinsipe sa bagong dating, at hayagan nga itong pinili sa lahat ng tao. Sa galit at desperasyon ay tinangka ng bruhang patayin si Maria Clara, ngunit naagapan agad ito ni Mulan, at nawala na nang tuluyan ang bruha.
Nagsaya ang buong kaharian dahil sa wakas ay magkakaroon na ng prinsesa ang kanilang lupain sa katauhan ni Maria Clara na sa kalauna’y magiging kabiyak ng kanilang prinsipe, si Crisostomo Ibarra.
ACT I
(curtains close)
(Spotlight to the storyteller)
Story teller : Oooh…kumusta na kayo? Namiss nyo ba ako? Pasensya na kayo’ akoy namahinga ng kaunti. Masakit kce ang rayuma ko e! o papano?di kwentuhanna naman tayo? Aaaah… oo nga pala, ipinagako kong ikukwento ko ang paglalakbay at buhay ng isang prinsipe… aahh… oo naalala ko na… hala sige, tumahimik na kayo’t makinig sa aking kwento. Ito ay pinamagatan kong “Hapily Eber Apter”
Scene 1 Sa kaharian ng Pili. Magbubukas ang palasyo sa signal ng dalawang ANGELS. Pakatapos ay babalik sa pwesto sa saliw ng tugtuging ANGELS… at saka lalabas si Prinsipe Cris at…
(lights on)
Palasyo ng Pili
Inday and Petra : Ang mahal na haring Raf at Queen Latifah!!!
Prinsipe Cris : Ina, Ama … intindihin nyo naman ako. Kailangan ko siyang hanapin.
Queen Latifah : Sino ? sino anak? (alalang-alala at paypay ng paypay sa sarili)
Prinsipe Cris : (nagsasalitang parang nananaginip) Ang babae sa panginip ko, ang napakagandang dalaga na naglalakad sa alapaap, nakalutang sa hangin, nakangiti sa akin…
King Raf : (tatayo mula sa upuan) Mahal kong reyna, tila yata ang anak mo ay namamalik-mata? Ipatawag mo nga si Inkong Ursula?
Prinsipe Cris : Ama! Masyado ka naman! Hindi ito isang pangarap, alam kong makikita ko sya, at magiging masaya kaming dalawa, dito… dito sa palasyo (pipikit muli).
Queen Latifah : (malungkot) Ay! Ay! Huhuhu (iyak) ang anak ko’y binata na. Parang kailan lang, yung ganito ka pa kaliit, (isisignal ang kamay ng size) dumedede at umiihi sa higaan, huhuhu… ngunit ngayon… waaaaah! (sigaw na iyak)
Prinsipe Cris : (lalapit sa ina at tila ipinamukha ang sinasabi) Ina hindi na ako bata. Ako’y isang matapang na mandirigma.!
Queen Latifah : Waah! ang anak ko … huhuhu!!!
King Charlie : (ayaw pa ring maniwala) Tingnan mo ang ginawa mo sa ina mo, umiiyak tuloy sya! (yayakapin si Queen Latifah at sa tonong galit)
Prinsipe Cris : (tonong inip) Amang hari, kailangan ko nang umalis, pagkat ang taxi ay naghihintay na.
Bruhang Bertha : Bakit ka pa aalis eh nandito naman ako? (biglang susulpot at tsatsansingan si Pri nsipe Cris)
Prinsipe Cris : (sigaw) Bertha! Asaw ang kailangan ko at hindi aswang! (aalisin ang kamay ni Bertha at mandidiri)
Bruhang Bertha : Grabe ka, tignan mo … sa akin ka rin babagsak!
Prinsipe Cris : In your dreams, bruha!
King Charlie : Tama na yan! Sige, Prinsipe Cris. Ibinibigay ko na ang aking bendisyon. Ikaw ba’y nagiisa o magdadala ng kasama?
Prinsipe Cris : Kung maaari po sana si Basti na kaibigan ko (lalapit si Basti at aakbayan siya ni Crris)
King Charlie : (babasbasan si Cris at paalisin na) Sige humayo kayo’t bumalik ng maaayos…
Prinsipe Cris : (kukunin ang mga gamit) Salamat po, Ama. Paalam na! Babalik akong dala-dala sya! (aalis na siya, pati na rin siKing Raf n Queen Latifah and ANGELS)
Bruhang Bertha : (pagkaalis ni cris at basti at lahat ngf tao sa stage sya ay magsosolo)
Hah! Tignan ko lang kung may makita ka! Wala ng gaganda pa sakin, no? ako na lang yata ang natitira sa aming magandang lahi. Sandali, paano nga pala kung makita nya yung babae? Anong gagawin ko? Ahh … ano pang silbi ng itinuro sa akin ng lola kong si Insiang ang pamosong black magic ng aming angkan. Hahaha !!! Magiging akin ka Prinsipe Cris, akin! Hahaha! At darating na ang matagal ko nang pangarap, ang maging reyna ng kahariang ito. Bruhahaha!!!!
(lights off)
(spotlight focuses on the storyteller)
Storyteller : Umalis na nga si ang prinsipe na kasama si Basti, and dakilang alalay na walang silbi! Naglakbay sila sa hilaga at kanluran, patuloy na naglalakad sa ilalim ng buwan. Isang araw, kanilang nakita isang bahay na may nakatira. Sa pagod at puyat, silay kumatok, baka sakaling sila’y makapasok.
Scene 2 : Sa isang bahay, bahay ni Cinderella
(lights on)
Cindirella : (nag-aayos ng bahay st kumakanta ng “A dream is a wish your heart makes” … nang biglang may kumatok…malakas na katok)
A Dream is a Wish your Heart Makes
A dream is a wish your heart makes, when your fast asleep
In dreams you will lose your heartaches, whatever you wish for you keep
Have faith in your dreams and someday, your rainbow will come smiling trough
No matter how your heart is grieveing, if you keep on believing
The dream that you wish will come true….
Prinsipe Cris : (sigaw) Tao po! Tao po! Tao po!
Basti : (sigaw) Makikikain po! Tao po! Tao po!
Cindi : (bubuksan ang pinto) Ano pong kailangan nila?
Prinsipe Cris : (hinihingal) Kami’y mga manlalakbay at pagod na pagod, kung maaari sana ay dito kami’y magpahinga?
Cindirella : (masaya at papasukin sila) Ikinalulugod ko po! Kayo po’y pumasok at maupo at ikukuha ko po kayo ng maiinom. (aalis)
Basti : Miss pwede coke? Salamat ha! (pagkaupo nila ay igagala ang paningin sa paligid)
Prinsipe Cris : (kakalabitin si Basti) Basti , Basti napansin mo ba? Ang laki ng bahay nila, napaka-malumanay nyang kumilos… parang isa syang… isa syang prinsesa (pabulong ngunit malaks pa rin)
Basti : (gulat) Prinsesa? Naka-unifrom na nga ng katulong, prinsesa? (hindi makapaniwala)
Prinsipe Cris : (mapilit) Hindi iba talaga ang pakiramdam ko baka baka sya na nga ang hinahanap ko (tatayo at tila mananaginip na naman na hawak ang dibdib)
Basti : Ala grabeh! Unang babaeng nakita eh na inlove na.
Cindirella : (papasok na may dalawang coke na dala) O, eto na! Pasensya na kayo ay yan lang ang maiibigay ko.
Prinsipe Cris : (uupo ulit at tatanggapin ang inumin) Ok lang yun, Binibini (pause)…
Cindirella : Cindirella, Cindirella ang pangalan ko.
Prinsipe Cris : Ako si Prinsipe cris at ito si Basti (tumayo muli at nakipag-kamay)
Basti : he… (magsasalita sana ngunit inunahan na siya ni Cris).
Prinsipe Cris : (mayabang) Nabanggit ko kaninang kami’y mga manlalakbay, naglakbay kami pagkat mayroon akong hinahanap (pause)…
Cindirella : Ano yon?
Prinsipe Cris : (bantulot pa daw) Ikaw! (pause) Ang babae sa aking panaginip, ang prinsesa ng buhay ko (parang nagdedeadma sa reaksyon)
Cindirella : (gulat at napapailing) Prinsesa? Ngunit ginoo, kayo’y nagkamali, nakikita nyo namang ako’y isang hamak na chimi-aa, at kailanman ay di maaring maging prinsesa. Isa pa, ako’y may step mother at step sisters.(pause) … Papatayin nila ako kapag nalaman nilang ako’y nagpapasok ng estranghero…(pause)
Prinsipe Cris : (lalapitan si Cindirella atnahawakan sa balikat) Gano’n ba? Ngunit kung iyong mamarapatin, nais ko sanang ikaw ay isama sa aking kaharian upang kailanman ay di ka na muling maghihirap pa…
Margarita and Elizabeth : (papasok ng basta-basta at di mapapansin si Cris at galit kay Cindirella) Cindirella! Cindirella! Ano ba naman at di mo pinalantsahan ang damit namin?
Margarita : Ni hindi mo nilabhan ang aking magandang roba! Ano na ngayon ang isusuot ko mamayang gabi?
Elizabeth : At bakit kanina ka pa namin tinatawag eh hindi ka sumasagot?
Cindirella : Ate Margarita, ate Elizabeth…
Margarita : Aba! May bisita pala tayo?
Elizabeth : Oo nga! At mukhang iginagalang?
Margarita : bakit naman dito sa kusina mo kinakausap ang atong mga bisita Cindirella? Bakit hindi mo papasukin sa loob nang makilala naman sila ng ating butihing ina?
Prinsipe Cris : Hindi na kailangan mga binibini..
Margarita : Margarita… at ito ang aking kapatid na si Elizabeth
Prinsipe Cris : Ikinagagalak ko kayong makilala… ako si Prinsipe Cris ng Kaharian ng Pili at ito si Basti. Nais ko lamang sanang makahingi ng pahintulot na kung maaaria ya makausap ko nang sarilinan ang inyong bunsong kapatid na so Cindirella?
Cindirella ; wala na tayong dapat pang pag-usapan mahal na prinsipe. Kung maaari sana’y umalis na kayo!
Elizabeth : Cindirella!Cindirella! hindi ganyan ang tamang pagtrato sa mga bisista! Lalo na sa isang maginoong prinsipeng tulad ni Cris!
Margarita ; Oo nga Cindirella! Ang mangyari ay anyayahan natin ang ating mga bisitang umakyat sa sala nang sila ay makapagpahinga ng mabuti… mauuna na kami doon at ihahanda namin ang kanilang uupuan. Asikasuhin mo muna sila Cindirella…
Aaaahh, Cris…hihintayin ka namin sa sala ha? (aalis silang nakataas ang kilay kay Cindirella)
Cindirella : Naku! Naku! Umalis na po kayo mahal na ptrinsipe, siguradong mapapahamak na naman ako kapag nagtagal pa kayo rito pleasee?! (kinukuha ang mga gamit at natarantang pinaalis ang mga ito)
Prinsipe Cris : Ngunit!? (nakatayo pa rin at itinutulak na ni Cindirella)
Basti Boss tara na, tumanggi e! wala ka nang magagawa…. (nasa pintuan na at dala pa rin ang coke)
Prinsipe Cris : Cindirella… tanggapin mo sana ito. Ito ang aking calling card. Kung kailangan mo ng tulong,o kapag malungkot ka at kailangan mo ng kausap, hwag kang magdadalawang isip na ako’y puntahan o tawagan. Ako’y laging andito para sa iyo. (iaabot ang card, pause, magtitinginan)
Cindirella : (pause) Maraming salamat! Paalam! Pagpalain ka sana sa iyong paghahanap…paalam!!!!
Prinsipe Cris : Paalam!
Basti : Bye! (isinara na ni Cindirella ang pintuan at hangos na pumunta ito sa sala)
(lights off)
(spotlight on the storyteller)
Storyteller : Hay naku! Kawawang Cinderella, dapat bang mag-paalipin siya sa kanyang madrasta na kinamumuhian siya? Pati tuloy ang butihing Prinsipe ay nalulungkot sa kanyang kinasapitan…Tsk,tsk, tsk…nagpatuloy ngayon ang Prinsipe at si Basti sa kanilang paglalakbay, nang mapadaan sila sa kagubatan.
Scene 3 : Sa kagubatan
(lights on)
Pocahontas : (kumakanta ng “Colors of the Wind” ng may isang leon na humahangos)
Colors of the Wind
Pocahontas: You think you own whatever land you land on, the earth is just a dead thing you can claim ,But I know every rock and tree and creature, has a life, has a spirit, has a name
You think the only people who are people, are the people who look and think like you but if you walk the footsteps of a stranger you’ll learn things you never knew,
You never knew…
Lioness : (growls… tapos maririnig iyon ni Pocahontas, lalapit ngayon si Pocahontas sa kanya upang siya ay tulungan. Matatakot siya at uungol ng parang nagmamaka-awa)
Pocahontas : Ssssshhhh…(tinatangkang amuin ang hayop) huwag kang matakot, isa akong kaibigan… ano bang nangyari sa iyo? Bakit?
Lioness : (ipapakita ang dumudugong paa, umuungol) Growwwlll!!!
Pocahontas : Mahabaging langit! Natamaan ka ng pana! Marahil ay may pumasok na naman dito sa lupaing aming nasasakupan kung kaya’t nagawa ka nilang tamaan…(galit) kung sino man sila, magbabayad sila!!!
( kukunin ang tali sa ulo at siyang ibabalot sa sugat at saka aakayain ang Leon na umalis na at magtago upang hindi na siya maabutan ng mga mangangaso.)
O ayan, madali naang gagaling ang sugat mo. Sige, magmamadali ka na at magtago, magpahinga ka ng mabuti. Huwag kang mag-alala hindi ka na masusundan ng mga humahabol sa yo! Sige!
Lioness : (tatango at didilaan si Pocahontas bilang pasasalamat, tsaka aalis)
( papasok si Prinsipe Cris at mararamdaman ito ni Pocahontas, magpapa ulan ng sibat ang pana)
Pocahontas : Sino yan?
Prinsipe Cris : (lalabas na nakataas ang kamay) Paumanhin binibini! Kami’y manlalakbay at tila yata kami’y nawawala. Maari mo bang sa amin ituro, ang daan patungo ng bayan? At kung maari pa rin ay ibaba mo sana ang iyong sandata, at baka mangati ang kamay mo’t mabitawan mo ito…
Pocahontas : Ibababa ko lamang ito kung kayo ay magpapakilala! At inyong ilabas ang anumang armas na inyong ginamit sa pagtira sa isang lioness dito sa aming gubat! This is private property, you know?!
Basti : Sandali ano ka ba? Basta ka na lang namimintang, wala ka namang pruweba, pano mo mapaptunayan na kami ang tumira sa Leon? Aber, anong ebidensiya mo? Kailangan sufficient ang mga evidences mo para hatulan mo kami ng kamatayan! (galit)
Pocahontas : (lalong iuumang ni Pocahontas ang pana kay Basti) Ganun ba?
Prinsipe Cris : (haharang sa gitna nang nag-aaway nang Basti at Pocahontas) Teka, teka, Sandali!Hayaan mo muna kaming magpaliwanag. Ako si Prinsipe Cris ng kaharian ng Pili at ito naman si Basti, kami’y nasa isang paglalakbay, at wala sa iskedyul namin ang manghuli at pumatay ng Leon, ok? So, kung puwede ba… pakibaba na lang yang hawak mo? Maaari mo kaming mapatay diyan sa hawak mo a? e di wala ng bida!
Pocahontas : (ibaba na ang hawak na pana) Paumanhin… kayo kasi ay mga bago ang mukha dito, at ang inyong mga suot ay para kayong mga mangangaso, hindi kayo pagkakamalang prinsipe diyan sa ayos niyo! At kanina lamang ay may nakita akong sugatang Leon, nais ko sanang hulihin at dalhin sa aming Supreme Court ang mga may-sala!
Prinsipe Cris : Hindi mo kami maaring dalhin…labag sa batas ang gagawin mo…
Basti : Oo! Maaari ka naming kasuhan ng illegal arrest, o arrest without warrant!
Pocahontas : (mahinahon) Okay…I’m sorry. Ang pangalan ko ay Pocahontas mula sa tribo ng kero-keroppi! Naatasan kasi akong magbantay dito sa kagubatan ng ama kong Chief, at isa pa… mayroon rin akong hinahanap…
Prinsipe Cris : Ano yun Pocahontas? Maari ko bang malaman? Malay mo, matutulungan pa kita…
Pocahontas : Pag-ibig…ang nawala kong pag-ibig…(malungkot) Nagsumpaan kaming hindi kailanman kami magwawalay. Saksi ang langit, ang lupa, ang bituin, ang isda at ang mga kahoy ma ‘yan!At dito, dito kami magkikita upang muli naming pagitbayin ang aming pag-iibigan…
Prinsipe Cris : Naiintindihan ko…ngunit tila yata hindi na siya darating.Halos pababa na ang araw…hindi yata isang gawain ng magandang babae ang maglagi sa gubat ng nag-iisa at pagabi na. Iminumungkahi kong kayo ay umuwi na …(pause) Isa pa, maaari mi bang ituro ang daan papunta sa bayan, sapagkat kami ng aking kasama ay nawawala na… please?
Pocahontas : (iiling-iling at titingin sa malayo) Patawad! Ngunit yan ay hindi ko magagawa! Nangako akong maghihintay, kahit, kahit…basta kahit ano! Sige ihahatid ko kayo sa labasan…mag-iingat sana kayo.
Prinsipe Cris : (parang wala ng pag-asa) Salamat…Tila yata desididong desidido ka na. Marahil ay ganyan nga talaga (tatalikod). Sige, ako’y mag- iiwan na lang ako ng calling card, para sakaling kailangan mo’ko o bored ka na text mo na lang ako.
Pocahontas : (titingin kay Cris) May email add ka ba?
Prinsipe Cris : Ah oo, meron, kung gusto mo minsan chat tayo.
Pocahontas : Sige ba! (binabasa ang card)
Basti : Pa’no alis na tayo? (hahakutin ang gamit at handa nang umalis)
Prinsipe Cris : (one last look) Sige mahal na prinsesa, paalam na.
Pocahontas : (one last look) Paalam mag- ingat sana kayo! (tinginan, unang iiwas si Pocahontas, alis na sina Cris)
(may hahabol na babaeng magtatanong kina Prinsipe Cris at Basti nang daan patungong bayan, ito si Red Riding Hood)
Red Riding Hood : Sandali mga ginoo, maaari niyo po bang ituro sa akin ang daan patungong bayan? Kailangan ko kasing pumunta sa baha ng lola ko at tila yata nawawala na ako!
Prinsipe Cris : Papunta na kami ngayon doon, kung gusto mo ay sumabay ka na sa amin. Siyanga pala, ano ang iyong pangalan at tila yata nakadamit circus ka?
Red Riding Hood : Ako po si little Red Riding Hood, pero ang palayaw ko po ay Rose, short for Rosalinda! Ayyy amor! Ay amor!
Basti : Siyanga? O sige tara na!
Red Riding hood : Maraming salamat! Vamos!
(lights off)
(spotlight to the storyteeller)
Storyteller : Pangalawang beses ng na turn down ang prinsipe. Pano bayan? Di bale, marami pa naman! Itinuro nga ni Pocahontas ang bayan, at doon ay nakipagsapalaran ang prinsipe at ang kanyang dakilang alalay.
Scene 4 : Pamilihang bayan ng Mani
(lights on)
(Magbubukas ng maraming tao)
Little Red Riding Hood : (makikipagkamay) Maraming Salamat sa inyong pagdala sa akin dito! Dito na lang ako magtatanong ulit kung saan ba talaga ang daan. Hamo, pag nadala ko na ito sa lola ko, dadalhan rin kita sa inyong palasyo, sige…maraming salamat ulit.(alis na pero maglilibot-libot pa rin sa
Basti : (gulat na gulat at lilinga-linga) Boss, andaming tao! Andaming chicks!
Prinsipe Cris : (gulat din) Oo nga! Nakakatuwa silang pagmasdan! ( may babaeng humahangos at madadapa sa harapan nila) ooops muntk na! (sasaluhin ni Cris)
Jasmine : (tatayo) Salamat ginoo! (magpupunas sa sarili)
Prinsipe Cris : Walang anuman yon, binibining? (inalalayan pa rin ang babae)
Jasmine : Prinsesa, Prinsesa Jasmine ng Arabia.
Prinsipe Cris : Ako naman si Prinsipe cris, ikinagagalak ko kayong makilala. (iaabot ang kamay)
Jasmine : Ako man (aabutin at ngingiti)
Prinsipe Cris : (inquiring tone) Saan ang iyong punta? Tila yata kayo’y nagmamadali kaya kayo nadapa!
Jasmine : May hinahanap akong isang napaka-importanteng bagay, para sa king magiging (pause) asawa…
Prinsipe Cris : (gulat) Asawa?
Jasmine : (tango) Oo, ang lamparang nabenta ko non. Hindi kami maaaring magpakasal hanggat hindi ko iyon nailalabas. (uupo sa bench)
Prinsipe Cris : Ganon ba? (mag-iisip) Kung gusto mo sa akin ka na lang magpakasal, hindi mo na kailangan ng lampara para ako’y pakasalan mo pagkat ( aawit ng a whole new world, duet sila ni jasmine)
A Whole New World
P.Cris: I can show you the world, shining shimmering, splendid…tell me Princess now when did you last let your heart decide?
Jasmine: I can open your eyes, take you wonder by wonder, over sideways and under, on a magic carpet ride.
Both: A whole new world, A new fantastic point of view
P.Cris: No one to tell us no, or where to go, or say we’re only dreaming
Both: A whole new world
Jasmine: A dazzling place I never knew, but now from way up here it’s crystal clear, that now I’m in a whole new world with you.
Brideg part
Jasmine: A whole new wolrd
P.Cris: Every turn a surprise
Jasmine: With new Horizon’s to pursue
P.Cris: Every moment, it gets better
Both: We’ll chase them anywhere, there’s time to spare.
Let me share this whole new world with you…
Fadeaway A whole new world
That’s we’re will be
A thrilling chase
P.Cris: A wondrous place
Both: For you and me…
Jasmine : (aburido pa rin) Hindi talaga maaari, hihintayin ako ni Aladdin. Sige, saka na tayo magusap pag nagkita tayong muli. (aalis na nang pigilan ni Cris sa kamay)
Prinsipe Cris : (lungkot tone) Jasmine! Oh Jasmine! Dalhin mo sana ito, itong aking calling card, pag nagbagong isip mo. Puntahan mo’ko! (iaabot ang card)
Jasmine : (tatanggapin) Salamat! Paalam! (alis na tumatakbo, manlulumo si Cris)
(aalis na si Jasmine, naglalakad pa rin ang dalawa at mapapaupo sa bangko doon may isang babae)
lights off
spotlight to storyteller
Storyteller: Samantala sa palasyo ay alalang alala naman ang mga magulang ni Cris
Scene 5
Lights on
Queen Latifah : Anong araw na ngayon? Bakit wala pa ang anak ko? Baka kung ano na ang nagyari sa kanila! Hindi ko matatanggap kung may nangyari sa anak ko!! Huhuhuhu!!
King Raf : Mahal kong Reyna, huwag kang masyadong mag-alala! Hindi naman siguro ipapahintulot ng Bathala na may mangyayayri sa kaisa-isang tagapagmana ng trono! Pagtibayin mo sana ang iyong kalooban…sa kanyang pag-uwi, maaaring dala na niya ang babaeng kanyang pakakasalan!
Queen Latifah : Ngunit.. bakit hindi pa siya sumusulat? Kahit tumawag o mag-email? O kahit I-text na lang niya tayo? Masayado ba siyang busy para tawagan ang sarili niyang mga magulang?
King Raf : Ipagdasal na lang natin na walang masamang nangyari sa kanila ni Basti… angels! Halikayo! Pati na rin ikaw Inday! Magdasal tayong lahat!
(lalapit ang mga tinawag at sila ay magadaasal nga)
lights off
spotlight to storyteller
Storyteller : Kawawa naman si Queen Latifah.. Sige balik tayo sa adventure ni Prinsipe Cris. Si Jasmine nga uy humangos na umalis dahil nga hinanap pa niya ang lamapra, malungkot ang Prinsipe kung kaya’t pinapasaya siya ni Basti.
Scene 6
Lights on
Basti :(concern ang tinig) Boss, okay lang yan.. alam mo hindi naman kasi lagging oo ang natatanggap ng lahat ng tao, syempre may sad moments din… boss? Boss? (mauuna na kakaknta si Megara tapos kaya hinahanap ni Basti sa Cris ay dahil nakatayo na ito sa kabilang dulo at kumakanta na rin, iiling-iiling na lang si Basti na maglilibot sa palengke)
(kakanta ng “Go the Distance Duet, pagkatapos uupo sa tabi ng babae)
Go the Distance
Megara: I have often dreamed, of a far-off place, where a heroes welcome,
would be waiting for me.
P.Cris: Where the crowds will cheer, when they see my face
And a voice keeps saying, this is where I’m meant to be
Both: I’ll be there someday… I can go the distance
I will find my way, if I can be strong
I know every mile, will be worth my while
When I go the distance I’ll be right where I belong…
Prinsipe Cris : (inquiring tone). Tila may dinaramdam ka ring kagaya ko?
Megara : (malungkot) Oo… ako’y naging bihag ng diyos ng kamatayn, at ngayon-ngayon lang ako nakatakas.
Prinsipe Cris : (gulat) Eh, ano nang ginagawa mo dito?
Megara : Hinihintay ko yung sundo ko, si Hercules, nagpasabi kasi syang parating na sya, eh!
Prinsipe Cris : (satisfied na sa sagot at relax na sa bench) Ah… ako, ako’y isang manlalakbay na naghahanap, naghihintay ring kagaya mo sa darating na tamang babaeng siyang karapat-dapat kong pakasalan…syanga pala; Cris, ikaw?
Megara : Megara, (ngiti) (pause)(may makakaita sa kanya)
Persephone : (mapapalingon dahil narinig ang boses ni Megara) Megara?! Megara?! Ikaw nga! Kaytagal na natting hindi nagkita!
Megara : Persephone!!! Persephone!! Ikaw pala! Anong ginagawa mo dito? Bakit parang blooming ka yata?
Persephone : Nagsa-shopping ako kasi ikakasal na ko next week!
Megara : Talaga?! Kanino?!
Persephone : A.. eh.. secret, kasi hindi ko pa siya kilala… ah, sige e ano nga palang ginagawa mo rito?
Megara : Hinihintay ko si Hercules.. kilala mo siya di ba? Susunduin niya ako e.
Persephone : Hercules?? Susunduin kaniya?
Megara : Bakit tila yata gulat na gulat ka? Matagal nang kaalaman na kami ni Hercules ay magkasintahan!
Persephone : Sige Megara… Mauuna na ko… ciao!
Prinsipe Cris : Sino yun? Hindi mo man lang ako ipinakilala.. saying, may itsura pa naman.!
Megara : Hiwag mo na siyang pag=isispan pa ng masama dahlia ikakasal na siya. O sige balik tayo sa ating usapan… where were we?
Prinsipe Cris : Doon sa Megara!
Megara : Ahhh!!.. o sige…/ Megara, my friends call me Meg!
Prinsipe Cris : Megara? Ang gandang pangalan ha? Unique! alam mo (pause) kahit malayo na ang aking nalakbay at marami na akong nakilala, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na makikita ko rin ang babae sa aking panaginip. Tulad mo, hanggang kailan mo balak hintayin si Hercules?
Megara : Hanggang kaya ko.
Prinsipe Cris : Yan ang alam kong pag-ibig!nagtitiis, naghihintay…ngunit kapag hindi mo sya mahintay, maaari kang dumiretso sa aming kaharian, masaya don ito ang aking address… (iaabot ang card)
Megara : (kukunin) Salamat cris, napakbuti mo, papatnubayan ka ng diyos sa inyong kabutihan.
Prinsipe Cris : Salamat (ngiti)
Basti : (humahangos) Boss! boss! Halika dali! Madali ka!
(papasok ang mananayaw, at matitigilan ang lahat at mapanood lang.)
Prinsipe Cris : (pumapalakpak) Ang sexy!
Esmeralda : Salamat po! Salamat po! (aalis pero….)
Prinsipe Cris : (sigaw at hinahabol si Esmeralda) Binibini! Binibini! Sandali lang Binibini!
Esmeralda : Bakit po ginoo? May kailangan kayo? O baka gusto nyong mag- sponsor sa show namin?
Prinsipe Cris : (luwa ang mmga mata) Oo! Oo! Sumama ka lang sa akin, pakasal ka sa akin. Ako nga pala si Cris, ikaw?
Esmeralda : (sayaw muna) Esmeralda!
Prinsipe Cris : (sayaw muna) Esmeralda! Napakaganda…(pause)… ano? Sumama ka na sa akin! Higit pa rito ang makukuha mo! Ibibigay ko sayo ang lahat, pera, house and lot, ginto, pagmamahal.
Dancer1 : Oy Esmeralda, ano yan DOM? (tawa silang lahat)
Esmeralda : (tawa) Ewan , baliw yata to eh.
Prinsipe Cris : Oo baliw ako, baliw ako sa alindog mo. (naglalaway na sa kakatingin)
Esmeralda : Bastos! ( sampal) um manyak!
( kasama ng apat na mananayaw ni Esmeralda si Basti ay nag-papacute)
Basti : (naka-akap sa isa sa mga babae) Ladies, ladies, pasensya na kayo sa boss ko hah? Desperado na kasi eh. Pero kung gusto nyo akong ma-kontak, itong calling card ko, at Esmeralda ito naman sa boss ko. Actually pareho lang yan, pero kulay pink kasi yan, kaya mas maganda yun sa kin green, cheap. (pause)
Esmeralda : (aabutin) Salamat, sige papunta pa kami ng Broadway, eh, d ba girls?
Girls : (chorus) Siyempre naman! Sosyal na kami! For Broadway na ang talent namin hindi private performance. Pangit!!!
Dancer2 : Oh sige pogi (Basti) alis na kami, call me ha?
Basti : Oo, hwag kang mag-alala. At Esmeralda, pagisipan mo sanang alok ng boss ko.
Prinsipe Cris : (naglalaway pa rin) Oo, Esmeralda, pag isipan mo… para naman may makasayaw na ko gabi gabi!
Esmeralda : (pause) Sige, sinabi mo eh!
Girls : (kaway) Bye basti!
Basti : Bye (aalis na grupo ni Esmeralda)
(babalik sa upuan ang dalawa, malungkot si Cris at di mapakali si Basti)
Prinsipe Cris : Hay naku! Ano bang gagawin ko? Parang sinusundan na ako ng malas. O di kaya’y para akong sinumpa. Feeling ko tuloy parang outcast.
Basti : (ina-alo si Cris) Mahal na prinsipe, wala pa naman po tayo sa kalagitnaan ng ating paglalakbay. Marami pa pong darating. Maghintay – hintay po muna tayo dito, at may darating din tulog muna tayo…(pause) (pagkalipas ng ilang oras )
(Belle papasok at kakanta ng “Belle”) (kumakanta habang naglalakad)
Belle
Little town, it’s a quiet village
Everyday, like the one before
Little town, full of little people
Waking up to say …
Pssby1 : Magandang umaga Belle!
Belle : Magandang umaga rin po!
Vendor1 : Masaya ka yata?
Belle : Maliwanag kasi ang araw.
Pssby2 : Saan ang punta mo?
Belle : Dyan sa may tindahan, ako’y may bibilhin. Sige!
Basti : (yuyugyugin) Boss! Boss! Gising! Babae o ! ganda!
Prinsipe Cris : (tingin pero kunyaring ala lang) Asan?Asan?Asan?
Basti : Ayan o! yung may dalang basket…ganda no?
Prinsipe Cris : Oo nga! (supersmile)
Basti : Kaya nga boss puntahan mo na! (itutulak si Cris)
P cris : Oo! Tama ka! Sige pupuntahan ko na.
Basti : Boss sandali mag double mint ka muna! (ibibigay ang gum)
Belle : (ituturo) Pabili nga po nito. Magkano po sya.
Vendor2 : 500 plus vat
Belle : (gulat) 500 isang kalabasa lang?! 500.00
Vendor2 : Oo naman, kasi ang taas- taas na ng dolyar eh!
Belle : (inis) Pambihira sa iba nga ako bibili! (itatago ang pitaka saka mahuhulog ito)
Prnsipe Cris : (makikita ang pitaka at saka kukunin) Binibini ang iyong ingat yaman ay nalaglag!
Belle : Ay! Salamat! Maraming salamat ginoo
Prinsipe Cris : Walang anuman, ikinalulugod. Ko … (bow pa siya)
Belle : Sige, paalam na ginoo.
Prinsipe Cris : Cris, Cris na lamang magandang binibini!
Belle : Ako’y si Belle, ikinagagalak ko po kayong makilala Cris. Ako na’y magpapaalam, magandang araw…
Prinsipe Cris : Sandali! Belle! … ah… nais ko sanang humingi ng pabor.
Belle : Ano yon?
Prinsipe Cris : Kasi, isa akong taga-ibang lugar, ngayon lang kami nakarating dito, at nais ko sanang magpasama sa isang magandang restawran.
Belle : Oo ba! Sige tara na!
Basti : Boss san kayo punta?
Prinsipe Cris : Kain sama ka?
Basti : Siyempre naman.
Prinsipe Cris : Belle ito nga pala si Basti- alalay ko.
Belle : Kumusta!
Basti : Salamat! (aalis na ang tatlo na masaya)
(lights off)
(spotlight to the storyteller)
Storyteller : Dahil sa maganda ang kalooban at hangarin ni Prinsipe Cris. Natutuhan na rin syang mahalin ni Belle. Sila’y naging magkasintahan at masayang- masaya. Pati nga si Basti eh, masayang masaya. Hay, salamat naman… pero may isa pang problema, hindi pa nasasabi ni Prinsipe Cris na sya’y pakasalan at ayaing tumira sa kanilang kaharian. Ito na nga ang pagkakataon.
Scene 7 : Sa bayan
(magtatagpo si Cris at Belle, Mauuna sa tagpuan si Cris at nahuli si Belle ngunit bago nakarating sa tagpuan, ay hinarang ng isang matanda)
(lights on)
Oldlady : Ineng, ikaw ba si Belle? Ang anak ni Maurice na baliw?
Belle : Opo bakit po?
Oldlady : Hah … maganda? (sarili) mas maganda ako!
Belle : ano yun?
Oldlady : Ipinabibigay ng amo ko itong message niya, nag-text siya eh!
Belle : Sinong amo? At bakit? Tungkol saan?
Oldlady : Ang ama mo ay bihag ng aking among halimaw sa kanyang palasyo. Kung mahal mo ang iyong ama, tutubusin mo sya ng iyong buhay.
Belle : Ano! Bakit? Kailan pa? Mahabaging langit!
Oldlady : Basahin mo na lang yung text…. (tawa)
Belle : Mama mia! Bukas na ang taning ng aking pangtubos. Pano ba ito? (pause) Ama, parating na ako….
Ipapatugtog ang score ng Beauty and the Beast
Prinsipe Cris : (makikita si Belle) Belle! Belle Saan ka pupunta? Dito! Dito!- bakit ka malungkot?
Belle : May sasabihin sana ako sa’yo (pause… uupo si Belle sa bangko)
Prinsipe Cris : (tatakpan ang bibig ni Belle) Hindi… sandali lang. May sasabihin din ako sayo. Ok lang ba kung ako na lang ang mauna? (pause, tatayo at maglalakad-lakad) Sige… kasi belle, medyo matagal na rin tayo, di ba? Napag-isip isip ko lang , na sana… na sana, pumayag kang pakasal na tayo… (sabay luhod sa harapan ni Belle)
Belle : (gulat) Cris….?!!!
Prinsipe Cris : (kukunin ang kamay) Sandali… mahal na mahal kita at alam kong alam mo yan!
Belle : Mahal na mahal din kita…. Ngunit…
Prinsipe Cris : Bakit may ngunit? Kung mahal mo ako bat may ngunit? (tatayo at parang galit, titingin sa kawalan)
Belle : (paiyak na) Cris… mahirap ipaliwanag… (tatayo na din, nakatalikod si Cris sa kanya
Prinsipe Cris : (lilingon) Ipaliwanag mo at makikinig ako.
Belle : (uupo at iiyak na) Ang aking ama (pause)… kailangan ko syang iligtas… kailangan ko nang umalis ngayon. (tatayo ngunit luluhod muli sa harapan niya si Cris)
Prinsipe Cris : Hayaan mo’t tutulungan kita! Marami kaming kawal, tatlo! Ililigtas nating ang iyong ama!
Belle : (tatayo na) Di maaari ! hawak sya ng isang halimaw! Mahirap Cris! Ayaw kitnag mapahamak at isa pa… hindi pa ako sigurado sa sitwasyon, kailangan ko nang umalis!…. (iyak na tatayo)
Prinsipe Cris : (naguguluhan) Belle ano ang iyong sinsabi? (yayakapin niya si Belle na umiiyak na)
Belle : This is good bye (alis na)
Prinsipe Cris : Belle! Belle! (nakatayo lang at nang wala na si Belle ay naupo sa bench at nag-isip)
(spotlight to the storyteller)
Storyteller : Nalungkot ang prinsipe, akala nya , si Belle na ang babae sa kanyang panaginip. Hindi pala! Ngunit, wari ba’y never giving up ang spirit nya… nagdesisyon syang sundan si Belle, at iligtas ang kanyang ama. Hinanap nya si Basti,ngunit di nya ito makita,kaya nga makakita sya ng isang matanda ay nagtanong sya kung nasaan ang kaharian ng halimaw.
Oldlady : (itutro) Doon amang! Sa bandang kanan, pagpasok mo doon sy may isang gubat, lumiko ka ng kaliwa sa kanto, tapos may jeep dun, nakalagay Malacañang, sumakay ka at dadalhin ka na non sa halimaw.
Prinsipe Cris : Salamat po, Inkong, salamat: (aalis na, pasok sa pintuan)
(lights off)
(spotlight to the storyteller)
Storyteller : Naglakbay nga ang prinsipe, sumakay nga sya ng Jeep na may sign board na Malacanang. Ngunit, parang nawawala yata ang ating prinsipe! Kasi hindi halimaw ang kanyang nakita, kundi - ah basta tignan nyo lang na lang. Tsaka, wala ba kayong nahahalata? Agaw eksena yung matandang nakasutana ah! Ano kaya ang pakay non? Kanina pa yon labas ng labas. At ang tawa, pamilyar, parang si…
Scene 8 : Sa isang kaharian
(lights on)
(lalabas si Prinsipe Cris sa pintuan at matatambad sa kanya ang isang kahariang, tulog lahat ng tao, pero bago yon naunahan sya ng oldlady at nag-sprinkle sya ng sleeping glitters sa lahat.)
Oldlady : (tawa) Hindi kayo magigising kahit na sino ang dumating at halikan ka. (tawa) umm (think) magigising ka pero apter 24 hours pa… yan! Pero wala na syang pag asa… (tawa) grabe… ( may kaluskos)… ay may tao! Baka sya na nga …(tawa) hihhihi!!!
Ipapatugtog ang I’m Kissing you
Prinsipe Cris : (papasok) Tao po! Tao po! Magandang gabi May bisita po kayo! (think) Bakit ganito? Anong nangyari? Tulog lahat ng tao….isang prinsesa… napakaganda! At parang – patay na bato? ( gagalawin ang Prinsesa) hindi, tulog lang. (makikita nag signboard) “Kiss me and I will wake up”. (hahalikan nya… ngunit hindi magigising… maglulupasay sya at mag-eemote). .. Bakit? Sabi naman Kiss me and I will wake up, tapos di naman bumangon! Ano ba yan? Parang may sumusunod na malas sa akin… etc… (aalis na sya ngunit may nahulog na calling card sa sahig.)
Aurora : (magigising at tila mananaginip) hay!kay gandang panaginip! May prinsipe raw na dumating at ako’y hinahalikan, dito… dito… dito haay! ( makikita ang nahulog na calling card ) Ano ito? Calling card? Cris, Pili Palace, #1600 Pennsylvania St. Washington, Philippines… email? Phone? Pager ? – aba! Eh diyata’t totoo ang aking panaginip? Totoong may dumating ngang prinsipe at ako’y iniligtas mula sa mahimbing kong pagkakatulog! Hahanapin ko sya upang ako’y magpasalamat, at ___ , ummm alam nyo?! Yun! Hoy hoy!! Magising na kayo at wala na ang sumpa! (magigising lahat at aalis sa stage)
(lights off)
(spotlight ot the storyteller)
Storyteller : Ay ano ba yan! Oo nga pala ,no after 24 hours pa pala sya magigising sayang si prinsipe Cris, kung saan naghintay sya ng medyo matagal – tagal eh di nagkita sila ng prinsesa Aurora! Tsk tsk! Nasan na kaya si P cris? Baka naman, nagpakamatay na yon? Ah hinde… Ngunit, nakakaawa ang prinsipe, sino kaya ang makakatuluyan nya?
Scene 9 : Sa gubat
(lights on)
(papasok at kumakanta ng “Somday My Prince Will Come,” may oldlady na namang andoon at inaappreciate ang kanta nya)
Someday my Prince will come/I’m Wishing
Snowhite: Someday my prince will come, someday we’ll meet again
And away to his castle we fly, to be happy forever I know
Oldlady : Ang ganda ng iyong awitin Ineng. Maari mo ba kong pagbigyan ng isa pa?
Snowhite : Aba opo ! (kakanta)
I’m Wishin
I’m wishing, for the one I love
To find me, today….hahahaha….
Oldlady : Maraming salamt iha. Bilang pasasalamat ko ay tanggapin mo ang manggang ito. Pasensya na kung ito lang ang maibibigay ko, pero masarap yan, matamis at makatas, masustansya at pampalakas.
Snowhite : Maraming salamat po!
Oldlady : Sige iha kainin mo na!
Snowhite : Mamaya na lang po, itatabi ko na lang para mamaya eh may makain.
Oldlady : Hwag! Ibig kong sabihin ay… sana ngayon mo na kainin, dahil baka masira yan mamaya.
Snowhite : Ngunit hindi pa ako gutom, ilagay ko na lang sa ref para hindi masira.
Oldlady : Hindeh! Ibig kong sabihin ay… sana ngayon mo na kainin, sa aking harapan dahil magiging masaya ako kapag ginawa mo yon.
Snowhite : Sige po! Sinabe nyo eh! (kakagatin ang mangga, biglang sisigaw si Prinsipe Cris at aalis ang oldlady)
Prinsipe Cris : Binibin! Binibini! (mabibilaukan si Snowhite at bubugbugin ni Prinsipe Cris para lumabas ang mangga.)
Snowhite : (pagod) Hay! Salamat, salamat ginoo!
Prinsipe Cris : Mabuti na lang at naabutan ko kayo, nakita ko kasi sa gubat ang matandang kasama nyo kanina na tinuturok at tila kinukulam nya ang manggang hawak mo. Kaya sinundan ko sya at dito nga’ko dinala ng mga mata ko.
Snowhite : Salamat sayong pagmamalasakit, ginoo! Utang ko marahil sa iyo ang buhay ko… salamat! Maaari ko bang malaman kung ano ang kanilang panagalan upang kayo ay aking pormal na mapasalamatan?
Prinsipe Cris : (ibigay ang calling card) Heto o! basahin mo na lang.
Snowhite : Cris, isa ka palang prinsipe, ako nga pala si Snow white, prinsesa ng mga duwende.
Prinsipe Cris : Ikinagagalak ko po kayong makilala.
Snowhite : Ako rin! At mula sa aking amang hari, mga kaibigang duwende, at sa akin…Maraming Salamat!
Prinsipe Cris : Okay lang yun! Ito naman o! So, saan na ngayon ang punta nyo, prinsesa Snow white?
Snowhite : Sa ngayon, uuwi muna ako sa mga kaibigan kong duwende at pagkatapos ay maaaring lusubin ko ang walang hiya kong evil step mom – sya marahil ang nagpadala ng manggang may kulam.
Prinsipe Cris : Sino ang inyong kasama?
Snowhite : Ako at sina jolly , sneezy, sleepy,____, ____ at casper!
Prinsipe Cris : Kung inyong mamarapatin, nais kong maghandog ng tulong. Maraming kaming kawal, tatlo!!
Snowhite : Salamat na lamang! Ngunit kailangang ako mismo ang tumalo sa babaeng yon. Paalam na mahal na Prinsipe, hangang sa muling pagkikita! (aalis na)
Prinsipe Cris : Pero snow white??? (stretch hand for something)
Snowhite : Sapat na ang iligtas mo ang buhay ko, ang pagliligtas aming kaharian ay aking obligasyon bilang Prinsesa…salamat na lamang, mag-iingat ka sana sa iyong paglalakbay at mahanap mo sana ang iyong gusting makita.
(lights off)
(spotlight to the storyteller)
Storyteller : Umalis na nga si snow white habang naiwan na namang nag iisa ang Prinsipe. Lumong lumo na sya. Lungkot na lungkot at parang mawawalan nang tiwala sa sarili, ano na lamang ang sasabihin ng kanilang kaharian kung bigo ang kanyang paglalakbay? Anyways, nanatili sa may gilid ng creek ang prinsipe ng may….
Scene 10 : Sa creek
(lights on)
(kakanta ng “Reflection”)
Reflection
Look at me, I can never pass for a perfect bride or a perfect daughter
Can it be, I’m not meant to play this part?
Now I see, that if I were truly to be myself
I would break my family’s heart
Who is this girl I see, staring straight back at me?
Why is my reflection someone I don’t know
Somehow, I cannot hide, who I am, though I’ve tried
When will my reflection show, who I am inside?
Prinsipe Cris : Magandang umaga!
Mulan : Magandang umaga rin!
Prinsipe Cris : Isa ka bang sundalo?
Mulan : Medyo, (pause)… kasi wala pa talaga akong basbas galing sa aking ama, kaya nagdadalawang isip pa ako kung tutuloy o hindi…
Prinsipe Cris : (pause) Pareho pala tayo. Nagkakaroon rin ako ng agam-agam kung babalik pa ako sa aming kaharian?
Mulan : Saan kaharian?
Prinsipe Cris : Ako nga pala si P cris ng kahariang Pili.
Mulan : Mulan, dati magyo, tapos maraw, eh pangit daw kaya ginagawang Mulan.
Prinsipe Cris : Aaaah! (tatango-tango)
Mulan : Bakit ka nagdadalawang isip kung babalik ka sa iyong kaharian?
Prinsipe Cris : Dahil sa ako ay bigo… bigo sa babae, sa pag-ibig! Naglakbay ako upang hanapin ang babae sa aking panaginip, ngunit hindi ko sya matagpuan.
Mulan : Yan lamang ba? Napakasimple lang naman ng problema mo eh! Sa aming bansa sa Chi ang mga royal blood ay ginagawa ang lahat para pagsilbihan ang kanilang subjects, inuuna nila ang kapakanan ng nakararami kaysa sarili. Ibig kong sabihin, bumalik ka dahil may obligasyon ka sa inyong mga nasasakupan.
Prinsipe Cris : Ano kaya at sumama ka sa akin at maging heneral ka sa aking hukbong pangdigma?
Mulan : Hindi maaari! Bago ako maging sundalo at heneral sa isang banyagang lupain, kailaangang ang aking bansa ang uunahin ko!
Prinsipe Cris : Ngunit akala ko’y may agam agam ka?
Mulan : Naiisip ko bilang mamayan ng Chi, at isang mabuting anak, may obligasyon akong pangalagaan at protektahan ito laban sa kalaban. Kaya magpapatuloy ako…
Prinsipe Cris : Kung ganoon eh tatawagan ko ang aming kaharian upang magpadala sila ng reinforcements, marami kaming kawal ___ !!!
Mulan : Hwag na isang makabayang laban ito. Laban naming mga Chino, hindi mga Pilipino at kayo’y mga dayuhan.
Prinsipe Cris : Kung ganon, tanggapin ang transmitter device na ito, kapag pinindut mo ito, ibig sabihin nasa danger ka, at ako’y darating upang iligtas ka. Kapag ako naman ang pumindot, meaning ako ang nasa disgrasya at kailangan ko ang tulong mo.
Mulan : Deal! Sige hanggang sa muli! (aalis na)
Prinsipe Cris : Ting taw neh!!!
(lights off)
(spotlight to the storyteller)
Storyteller : Natauhan na din ang prinsipe, at nagdesisyon nga syang bumalik na sa kanilang kaharian. May dala man syang asawa o wala. Kailangan nyang bumalik, dahil yon ang ipinamukha ni Mulan sa kanya, Buti na lang at sila’y nagkita. Ngunit may isa pang problema, si Basti ang dakilang alalay ay nawawala, kayat nilibot nyang muli ang lugar ng may nakita syang maaaring mapagtanungan.
Scene 11 : Sa dagat
(lights on)
(kumakanta ng “Part of your World”)
Part of your World
Ariel: Look at this stuff, isn’t it neat? Wouldn’t you think my collections complete?
Wouldn’t you think I’m a girl, a girl who has everything…
Look at this throve, treasures untold, how many wonders can one cavern hold?
Looking around here you’d think…sure, she’s got everything…
I’ve got gadgets and gizmos, a plenty
I’ve got what’s its and who’s its galore
You want thing-a-mabobs? I’ve got twenty!
But who cares? No big deal, I want more…
I wanna be be where the people are
I wanna see, wanna see them dancing
Walking along on those, what you call that again? Oh! Feet!
Flipping your fins they don’t get too far
Legs are required for jumping and dancing
Strolling along down those, what’s that word? Street…
When it’s my turn, wouldn’t I love?
Love to explore that shore up above?
Wandering free, wish I could be
Part of that world…
Prinsipe Cris : Magandang araw!
Ariel : Magandang arw din naman! Anong maipaglilingkod ko?
Prinsipe Cris : Magtatanong sana, Kung may nakita kayong lalaking maitim, maliit na nagawi dito?
Ariel : Ang tinutukoy nyo ba si Basti?
Prinsipe Cris : Kilala mo sya?
Ariel : Oo naman, andito sya nong isang linggo, nag-aabang ng masasakyang liner, pabalik sa iyong kaharian.
Prinsipe Cris : Kilala mo din ako?
Ariel : Oo naman, nakwento nga nya na naghahanap daw kayo ng prinsesa.
Prinsipe Cris : Totoo yon! Actually girl of my dreams ang perfect definition nya.
Ariel : Ako po si Ariel, prinsesa ng mga sirena. Pwedeng mag-apply?
Prinsipe Cris : Apply saan?
Ariel : Ako na lang ang iuwi mo? Magiging mabuti akong asawa sa yo, promise! Basta makapunta lang ako sa magarang palasyo sa lupa, masaya na ako.
Prinsipe Cris : Paano, eh, isang kang isda? Hindi naman tayo talo no?
Ariel : Ayaw nyo po ba?
Prinsipe Cris : Hindi naman sa ayaw, gusto ko sana yung may mga paa naman para makasama ko sa lahat ng bagay. (makikitang malungkot si Ariel)
O, wag ka nang malungkot, maging magkaibigan pa rin tayo d ba? Ito kunin mo, pag kailangan mo ako, andyan ang email, celphone, pager at home address ko , tawagan mo lang ako…(horn ng liner)
Ariel : I don’t know when, I don’t know how, but I know something’s starting roght now,
Watch and you’ll see, someday I’ll be…part of your world…
(curtains close)
End of act 1
Break for 5 mins.
ACT 2
(curtains open)
(spotlight to the storyteller)
Storyteller : Bumalik na nga sa palasyo si Prinsipe cris. Tuwang-tuwa ang kanyang Inang Reyna dahil bumalik sya ng maayos. Nagduwang ang lahat sa kanyang pagbabalik. Ngunit nagkaroon ng bulong bulungan na bigo ang prinsipe. Ikinasakit ito ng damdamin ng butihing Hari, at nagpasya syang kausapin ang anak.
(lights on)
Isang welcome party na may Ballroom Dancing Extravagance
Scene 1 : Sa palasyo
King Charlie : (concern ang mukha) Anak , ano ba ang problema?
Prinsipr Cris : Wala ama! (iiwas at titingin sa kawalan)
King Charlie : (hahawakan sa balikat si Cris) Anak, pwede mo namang sabihin sa akin eh kasi (kakanta, duet, Father and Son)
Father and Son
It’s not time to make a change, just relax, take it easy.. you’re still young, it’s your fault there’s so much you have to go through…Find a girl sttle down, if you want to you can marry. Look at me, I am old but I’m happy.. I was once like you are now, and I know that it’s not easy to be calm when you find something’s going wrong, so take your time, think a lot. Thik of everything you’ve got, for you will still be here tomorrow, but your dreams may not…
Prinsipe Cris : Nahihiya ako ama, nasabihan na ang lahat na by March, eh, mag- aasawa na ako. February na wala pa akong bride to be.
King Charlie : (ngingiti-ngiti) Kung yan ang inaalala mo! Magagawa nating yan ng paraan. Agent J n E, A (sigaw)
Agent J and E, A : (humahangos) Bakit po kamahalan? (naka-pose pa ring ANGELS)
King Charlie : (sigaw) Magpadala kayo ng imbitasyon sa lahat ng mga prinsesa dito sa atin at sabihin nyong iyon ang engagement party ng mahal na Prinsipe.
Agent J and E, A : (sigaw) Yes sir! At your service! (saludo pa)
King Charlie : (pause) At hwag, nyong kalimutang bigyan ang prinsesang anak ng kaibigan kong pari!
Prinsipe Cris : (titingin sa ama) Ama alin po? Yung prinsesa dyan sa kabilang bakod?
King Charlie : Bakit anak may problema ba don?
Prinsipe Cris : (tatawa) Wala naman po, naalala ko lang na kalaro ko pala sya nong bata pa kami, ano kaya ang itsura nya ngayon? Baka ganon pa rin! Mataba, tinagyawat, kinky ang buhok… ama sigurado ba kayong iimbitahan nyo sya? (pause)
King Charlie : (taas ang kilay) Bakit? Ano naman ang masama don?
Prinsipe Cris : (kibit-balikat) Wala po kayong bahala!
King Charlie : Dapat lang ! Inday! Inday! (sigaw)
Inday : (humahangos) Kamahalan!
King Charlie : Tawagin ang reyna!
Inday : (di aalis) Opo (sigaw) Queen latifah! Queen Latifah! Tawag po kayo ng hari! Queen Latifah!
King Charlie : (kukurutin sa singit) Ba’t ka sumusigaw dyan? Tawagin mo! Puntahan mo! Dali!
Inday : Opo (aalis na)
Queen Latifah : (lalabas kasama ang dalawang alalay na sina Damas Noche at Mañana) O bakit honey?
King Charlie : Magkakaroon tayo ng malaking handaan sa susunod na linggo. Doon ay pipili ang ating anak kung sino ang gusto niyang pakasalan sa mga darating na bisita.
Queen Latifah : Yan! Yan maganda yan ipapadecorate ko na ang kaharian at magpapahanda na sa gabi ng piging. Halina kayong lahat!!
(lights off)
Story teller:
Scene 2 : Sa palasyo
(papasok na ang mga prinsesa, kanya kanyang pa cute at papansin na sila, at in-aanounce ni basti ang pangalan ng mga pumapasok. Si Cindirella,si Pocahontas ay muntik ng di makapasok dahil sa suot nila, si Jasmine, Megara, Belle, Aurora, Snowhite, Ariel, at Esmeralda with the dancers, at si Little Red Riding Hood)
Basti: (announce) Atin pong bigyan ng masigabong palakpakan ang mahl na hari at reyna ng kahariang pili!(lalabas ang hari at reyna, kasama ang mga alagad)
Atin rin pong bigyan ng masigabong palakpakan ang mahal na prinsipe Cris!(pause) Tayo po ay narito ngayon upang ipaalam sa publiko kung sino ang babaeng magiging kabiyak ng prinsipe.
Basti: Ipinakikilala si bb. Cinderella!
Cindi: magandang gabi po Prinsipe cris!
P cris: Magandang gabi naman. Masaya’t ako nakarating ka.
Cindi: umaasa po akong kahit papaano’y mapagtuunan nyo ulit ng pansin.
P cris: salamt cinderella.
Basti: bb. Pocahantas!
Poca: Magandang gabi cris.
Pcris: magandang gabi rin poca. Umaasa akong hindi na ako matatamaan ng iyong palaso sa susunod na paglalakbay ko.
Poca: Hindi na cris, palaso ni kupido ang tatama sayo.
Pcris: ngunit may hinihintay ka?
Poca: Hindi siya tumupad sa aming usapan…
Pcris: ikinalulungkot ko…
Basti: bb. Jasmine
Jas: Hi!
Pcris: Bakit ka andito? Hindi ba’t kasl ka na kay alladin?
Jas: hindi ko natagpuan ang lampara’t natakot akong bumalik kaya dito ako pumunta.
Pcris: ganon?!
Jas: ganon!
Basti: bb. Megara
Pcris: Megara! Anong nagyari? Namali ka yata ng pinuntahan?
Meg: Naloko ako,kahit langgam walang sumundo sa akin. Napanis ako sa kahihintay, walang dumating kaya nang akoy sinabihang may piging naisipan kong dito na lang ako.
Pcris: Ah … nakakaawa ka naman. Pwede kang dumito hanagang kailan mo gusto.
Meg: salamat!
Pcris: walang anuman.
Basti: bb. Esmeralda
Es: ( nasasayaw) gandang gabi!
Pcris: Gandang gabi din: wala ba kayong show o performance? Akala ko nas broadway na ikaw?
Es: pinag-isipan kong mabuti ang alok mo, kaya ako andirito ngayon. Gusto ko na.
Pcris: Gusto mo ang alin
Es: --- magpakasal sayo! Kaw ha!
Pcris: ikaw kasi eh!
Basti: bb. Aurora
Pcris: Magandang gabi!
Au: maaliwas ang gabi noon nang ako’y iyong halikan.
Pcris: Hah!!!
Au: ramdam ko po hanggang ngayon ang tamis ng iyong halik,ummmm
Pcris: bb. Maghulisdili ka…
Au: Salamat pala sa paggising mo sa akin…
Pcris: walng anuman.
Basti: bb snow white
Sno: may pasalubong akong mangga para sayo,mahal na prisipe
Pcris: anong nangyari sa laban mo?
Sno: Natalo ko na ang bruha, ngunit namatay pa rin ang aking ama at si richard at kasama ko na lamang ay mga duwende, eh wala namang bagay sa akin kundi kayo lamang My prince.
Pcris: salamat sa mangga.
Basti Bb. Belle
Belle: magandang gabi mahal.
Pcris: ows?
Belle: totoo naman, eh napatay namin yung beast, nilason ni gaston at ngayon ay nais nyang magpakasal kami. Sabi ko hindi ko sya labs ang mahal ko ay ikaw.
Pcris: Belle d rin ako sigurado sa sitwasyon…
Belle: cris?!
Basti: bb ariel!
Ariel: Magandang gabi kamahalan!
Pcris: ariel the little mermaid?
Ar: opo!
Pcris: (tuliro)Akala ko ba, hindi kayo pwedeng- bakit may paa ka?
Ar: dahil po yan sa magic , saking wagas na pagibig.
Pcris: (tawa) may paa kana talaga! Saya naman!
Little RRH: (pagkatapos ng pagtawag ay sisingit ito at lalapit sa Prisipe at iaabot ang dalang basket) Ahhh, Prinsipe cris?
P Cris: O! Little Red Riding Hood! Eee, Rosalinda pala…andito ka rin?
Little RRH: Dinalhan ko lang po kayo ng malagkit gaya ng ipinangako ko sa inyo noon..
P Cris: Ahh…salamat, sige ibigay mo na lang sa aming mga kawal…
Little RRH: Sige po..
Basti: at ngayon kung sino ang bibigyan ng mahal na prinsipe ng bulaklak ay ang sya nyang magiging kabiyak! ( palakpakan)
( nag1round pa ng ikot si Pcris at mukahan ibibigay na nya kay ariel nang biglang pumasok si bertha at nahynoptize silang lahat.)
Bertha: ( tawa) muntik na pala akong nahuli! Pero ngayon , akin ka na ! kung medya- medya lang ang magic ko noon ngayon mas malakas na (tawa)
Alis dyan ariel, cris harap ka sakin, sakin mo bigay ung bulaklak. ( giggle) sa wakas! Ano ba yan? Lumuhod ka naman (halakhak) akin na…
(nang biglang)
MC: ( awit ni Maria clara/ ikaw. Mededefroze silang lahat at matatauhan. Hindi matutuloy ang pagbibigay ng flower. Ma e entice ni Maria clara si cris at iaanounce ni basti kung sino sya)
Basti: bb. Maria Clara!
(sasalubungin ni cris si Mc at on the way madadapa sya tapos aalalayan ni MC)
Pcris: magandang gabi Maria!
MC: Magandang gabi rin!
Pcris: kaytagal na nating di nagkita, ang laki ng pinagbago mo ang ganda ganda mo na na ngayon.!
MC: salamat pasensay na pala kayo at late ako, traffic kasi eh lam nyo naman pinas ito eh.
Pcris: ok lang un. Ang mahalaga , nakarating ka! Basti ang bulaklak para sa pinakamaganda at pinakadakilang prisesa’t ng buhay ko, para sa pagkahanap ko rin sa waks ng babae sa panaginip ko, ang mga bulaklak na ito ay sayo. Will u marry me?
Bertha: ( sisigaw at aagawin ang sandata ng mga kawal, ngunit agad dumating si Mulan at iniligtas nya si MC kay Bertha, patay na c Bertha at tuwang tuwa ang lahat)
Hindeh!
Pcris: mulan salamat!
Mulan: Pinindot moeh kaya ako andito!
Pcris: salamat talaga
Mulan: walang anuman sige ituloy ang selebrasyon.
Pcris: naalala ko Bb. Maria Clara, hindi nyo pa po sinasagot ang tanong ko.
MC: ano naman yung tanong mo?
Pcris: Papayag ka bang magpapakasal saakinat maging reyna ng buhay ko?
MC: (thinks) ummmhhh! OO pumapayag ako.
( nagsaya ang buong kaharian at naging magasawa nga sila)
story teller: kay layo layo pa kasi ng nilakbay, nasa katabi lang pala yung hinahanap nya. Ang babae ng kanyang panaginip. Ang sinisintang kababata ay say ring kanyang mamahalin hanggang tumanda. Naging maligaya ang kaharian ng pili at naging hari si Prinsipe cris at rey na naman si Maria Clara. Tinatawag na sila ngayong haring Crisostomo Ibarra at reyna Mariah Clara ng kaharian ng pili. Ika nga sa Ingles e … they lib hapily eber apter!
****The end*****
Labels Stage Playscript
Ang Mahiwagang Panaginip
by: imee
MGA TAUHAN:(Supposedly: Miss you guys)
ALĂNA Mia Cosme
PRINSIPE ENRICO Aaron
PRINSESA SOFIA Annierose
HARING ARGO Paul
KARABA Monalisa C/Alyssa Angeles
URSULA Elvira Arafol
AQUATA Heather Tejada
ABRINA Mona Abibico
ARISTA Merbennyl Cruz
ATINA Niko
ANDRINA Mae Tomelden
JULIE Maripet Cabauatan
VANESSA Niña Duque
ELLA Maileen Baleta
BENNY Joffrey Baylon
WALLY John Paul Soto
SAILORS Charls, Joseph, Imee, Japhet, Yvonne, Joma, Alissa, Dale,
ACT I: Ang Mahiwagang Mundo sa Karagatan
KARABA: Kay ganda ng panahon ngayon…kasingganda niya ang mga araw kung kailan maligaya at mapayapa pa ang aming kaharian…ang aming kaharian…ang Atlantica…sa ilalim ng karagatan kung saan ang tubig ay kasing bughaw ng maliwanag na langit, kung saan ang mga bulaklak ay kasing linaw ng isang kristal, kung saan ang mga nananahan ay pawang mga mabubuti at magagandang mga nilalang…mga nilalang na walang sawang lumalangoy at naglalaro sa mapayapang tubig, mga nilalang na siyang gumagabay sa mga nawawalang barko, at mga nalulunod na katawan…at tahanan ng isang nilalang na naghanap ng higit sa maibibigay ng Atlantica, na nang dahil sa pag-ibig ay nagnais magkaroon ng kaluluwang imortal, at nagnanais dumanas ng matinding pasakit, kapalit ng kapirasong kaligayahan…siya si Alăna, ang munting sirenang nabulag sa hiwaga ng pag-ibig…at ng kanyang mga panaginip…
SCENE I
Sa kaharian ng Atlantica, si Alăna ay nasa kanyang munting paraiso, ang kanyang halamanan, kung saan doon niya iniimbak ang lahat ng nakalap niyang mga gamit mula sa mga lumubog na mga barko at mga nahuhulog sa kanilang kaharian…
AlăNA: Nakatingin sa kanyang mga koleksyon Kailan ko kaya madaragdagan ang aking mga koleksyon? Napakagandang pagmasdan ang mga bagay na galing sa lupa. Ngunit bakit kinakailangan pa ng pahintulot upang magpunta sa ibabaw at makihalubilo sa mga nilalang na may dalawang tungkod…biglang matitigilan ano kaya at ako ay magpunta ngayon sa ibabaw? Wala naman sigurong makakapansin sa akin… makikita ko na rin sa wakas ang mga naggagandahang mga bagay at mga nilalang na mga tao…
KARABA: biglang susulpot Makikita mo nga ang mundo sa ibabaw ng ating daigdig, pagdating ng tamang panahon, Prinsesa Alăna…
ALĂNA: magugulat at mahihihiya sa kanyang mga naisip INANG KARABA! Hindi ko inakalang bigla ka na lang magpapakita sa akin! Ginulat mo ako ng labis!
KARABA: Paumanhin mahal kong Alăna…hinhanap ka ng iyong amang si Haring Argo…alam mo naman yon! Hindi iyon mapapakali hangga’t hindi niya nakikita sa kanyang tabi ang kanyang pinakamamahal na bunsong anak…kaya’t halika ka na at magmamadali! Mahirap paghintayin ang isang hari!
AlĂNA: Opo, sasama na INANG KARABA…habang naglalakad ngunit nais ko lamang itanong sana sa iyo…bakit kailangan mong pahirapan ang iyong sarili sa pagsusuot ng napakabigat na bagay na iyan? Ituturo ang damit
KARABA: sa tonong mapagmalaki ang aking suot ay simbulo ng aking mataas na katungkulan, Alăna… at yan ay ang pagiging tagapag-alaga ko sa mga naggagandahang prinsesa ng kaharian!
ALĂNA: Naiintindihan ko, isa na pala ngayong mataas na katungkulan ang maging dakilang …
KARABA: interrupting dakilang ano? Alăna?
ALĂNA: Dakilang tagapamahala ng mga munting perlas ng Haring Argo…ngingiti
KARABA: Mabuti na ang malinaw…
Nakarating na sila sa palasyo at masisiyahan ang Haring Argo pagkakita kay Alăna
HARING ARGO: Ahhh! Ang aking munting perlas ay natagpuan rin sa wakas! Sabihin mo sa akin Alăna, ano na naman ba ang iyong iniisip at di mo narinig ang aking tinig?
ALĂNA: Paumanhin po, ama…nasa aking halamanan po ako, at
ARISTA: biglang papasok kasama ang apat pang mga kapatid at haharangin ang sasabihin ni Alăna nagninilay-nilay na naman tungkol sa mundong kanyang makikita bukas!
ATINA: bubulong kay Arista Arista! Isa iyang sikreto!
ARISTA: Ay! Paumanhin! Hindi ko sinasadya! Masyado lamang akong nadala sa tindi ng aking emosyon…
AQUATA: Siya, siya…tama na yan at baka kung ano pa ang mabanggit niyong dalawa…
ALĂNA: nagtataka at nagtatanong ang tingin Ano ang ibig niyong sabihinng mundo? Biglang ngingiti ang daigdig ng mga tao! Bakit ama, ako ba’y nasa hustong gulang na? Bakit hindi niyo sinabi sa akin ng mas maaga? Di sana’y nakapaghanda ako…
KARABA: Dahan-dahan lamang Alăna! Baka hindi ka na makaabot bukas!
H.ARGO: tatawa Hahaha!!! Ang aking bunsong anak ay magiging ganap nang isang tunay na sirena, bukas pagsikat ng araw…at matutupad na rin sa wakas ang iyong pinakahihiling! Ang makita ang mundo ng mga tao! Ngunit binabalaan kitang mag-iingat mahal ko…ang mga tao ay hindi lubos na mabait at ligtas gaya ng iyong inaakala, hangga’t maaari ay huwag na huwag kang lalapit masyado sa kanila…nais kong makabalik ka rito ng ligtas upang aking marinig ang iyong sariling alamat tungkol sa mundo ng mga tao…
ALĂNA: Huwag po kayong mag-aala ama, babalik po ako ng buo at hindi inihaw na isda ang kalahati ng katawan ko…
Tatawa lahat…
H. ARGO: Siya sige… ako ay magpapahinga na sa aking silid, anuman ang iyong kakailanganin sa iyong paglalakbay ay si Karaba na ang bahala…aalis maiwan ko muna kayo aking mga perlas…
LAHAT: Paalam po ama!
ANDRINA: Talaga Alăna? Pupunta ka na bukas sa digidg ng mga tao?
ALĂNA: Oo, kapatid kong Andrina…lubos nga akong nasisiyahan!
ABRINA: Dapat lamang , Alăna, sapagkat ilang taon ka ring naghintay para sa pagkakataon na ito…
AQUATA: Naaalala ko pa nga noong ako ay unang magpunta sa ibabaw. Tulad mo rin ang aking pakiramdam. Kayrami akong nakita sa lupa…ngunit ang pinakamaganda ay mahiga sa ilalim ng maliwanag na buwan, sa dalampasigan, sa mapayapang alon, malapit sa dagat at abot tanaw ko lamang ang isang malaking pulong punong-puno ng mga tao, kung saan ang mga ilaw ay kumikinang na tulad ng mga bituin sa langit; ang pakinggan ang kanilang mga musika, ang ingay ng isang karitela, at ang kanilang mga tinig…lalo na ang nakakabinging ingay ng isang kampana na nasa itaas ng isang gusaling para sa kanila ay sagrado…
KARABA: Ang gusaling iyan ay tintawag nilang Simbahan…
ABRINA: Ang aking karanasan ay lalong kakaiba kaysa sa ating panganay na si Aquata… sa aking pag-ahon, aking nasilayan ang araw na lumalabas mula sa kanyang himlayan – iyon ang pinakamagandang tanawing aking nakita. Ang langit ay nagkulay ginto, at ang mga ulap sa aking itaas ay kulay rosas at lilac…hindi ko alam kung anong kulay yon, ngunit nasisiguro kong isang kulay na mahiwaga…at tulad ng mga ulap na naguunahan lumabas, ang mga puting nilalang na may malaking pakapak …
KARABA: Mga gansa, mahal ko…
ABRINA: yun nga! Isang grupo ng mga naglalakihang gansa ang lumilipad patungo sa araw na para bang isang puting ulap ang dumaan…sumabay ako sa kanila sa paglangoy, hinahabol ko rin ang araw…ngunit walang nakaabot sa araw kahit isa man sa mga gansa, maging ako ay walang nagwa noong bigla na lang nagtago ang araw sa likod ng mga ulap, ang mga ulap na kulay rosas at lila ay unti-unting nawawala sa aking paningin, marahil ay nagtago rin sila tulad ng araw…
ARISTA: Ang dating sa akin ng iyong kuwento kapatid na Abrina ay parang kulang, ang sa akin ang mas may laman! Ako ay lumangoy sa isang ilog na karugtong ng dagat, sa gillid ay nakita ko ang mga berdeng bundok natatakpan ng mga punongkahoy at mga halamang may napagandang amoy. May mga nakita akong mga palasyong katulad ng sa atin, at mas mataas ito kaysa sa mga puno, ang mga isda ay lumilipad at kumakanta…
KARABA: Ang tawag sa mga isdang iyon ay ibon, Arista.
ARISTA: Salamat sa pagsingit Karaba… sige balik tayo, nakita ko rin ang mahiwagang araw na iyong sinabi kapatid na Abrina, ngunit labis ang lakas ng kanyang kinang kung kaya’t kailangang laging ibaba ang aking katawan sa tubig dahil sa sobrang init. Sa isang maliit na lagusan, may nakita akong mga batang tao, walang saplot,at naglalaro sa tubig…nais kong makipaglaro sa kanila kung kaya’t lumapit ako ngunit silang lahat ay nagtakbuhan sa takot! Tapos may isang maliit at maitim na nilalang ang bumaba sa tubig at nagpalabas ng napakaingay na tunog tulad nito o…Arff!Arff!Arff!
KARABA: Ang tawag nila sa nilalang na yan ay aso, para sa inyong kaalaman mga Prinsesa.
ARISTA: Ah basta! Hindi ko kailanman makakalimutan ang napakandang gubat, ang mga berdeng bundok, at ang mgabatang tao na walang saplot at walng buntot tulad natin ngunit marunong silang lumangoy.
KARABA: Napakaganda ng iinyong mga insinalaysay… Atina? Wala ka bang ibabahaging karanasan para sa iyong bunsong kapatid na Alăna?
ATINA: Wala akong alamat na kasingganda tulad ng kina Aquata, Abrina, at Arista…ang aking ibabahagi ay lubos na maikli, nanatili lamang ako sa gitna ng dagat, ngunit nakita kong kasingganda rin ng malapit sa lupa ang aking pinuntahan. Malayo ang nalalakbay ng aking paningin, ang langit ay parang isang kampanang kristal. May mga barko akong nakit ngunit para silang mga pato sa malayo, ang mga dolphins ay naglalaro sa tubig, at ang mga naglalakihang balyena ay naglalabas ng napakaraming tubig sa kanilang ilong na para bang isang palabas.
ALĂNA: Napakaganda ng iyong ibinahagi aking kapatid, maraming salamt sa iyo…
ANDRINA: Ako, di niyo ako tatanunigin?
KARABA: Ano naman ang iyong istorya, Andrina?
ANDRINA: Hindi lingid sa inyong kaalaman na ang aking panahon sa pagpunta sa lupa ay tamang-tama sa panahon ng taglamig. Kung kaya’t ang aking ibabahagi ay di pa nakikita ng isa man sa inyo…Ang dagat ay parang kulay berde, at mga malalaking yelo ay lumulutang lamang na tila napakagaan, tulad ng isang perlas, mas malaki at matayog kaysa sa mga simbahang ginagawa ng mga tao. Iba-iba ang kanilang mga anyo at hugis, at kumikinang sila sa ilalim ng araw na parang mga diamante. Natuwa ako at naupo sa pinakamalaking yelo, at hinayaan kong paglaruan ng hangin ang aking buhok, at mga barko ay mabilis na lumalayo sa mga yelo na para bang ikamamatay nila ang pagdampi ng yelo sa kanilang mga layag…pagsapit ng gabi, ang araw ay unti-unting bumabalik sa kanyang pinagtataguan…at mga nagliliwanag na kidlat ang bumabalot sa buong kalangitan…halos walang kaibahan ang araw sa gabi dahil sa mga kidlat, dumadagundong ang mga kulog, napakalakas at tila tumatama sa akin ang tunog! Kaygandang pagmasdan ang yaong tanawin…iyon ang pinakamaganda, at hindi ko kailanman iwawaglit sa aking alaala ang mga sandaling yon…
ALĂNA: Napakaganda ng inyong mga sanaysay aking mga kapatid, umaasa akong magkakaroon rin ako ng mga alamat na kasing ganda ng inyong mga binanggit…lalo lamang akong nanabik sa pagsikat ng araw, upang ako ay maaari nang maglakbay at patunayan sa aking sarili ang kagandahan ng mahiwagang mundo ng mga tao…at masubukan ito!
ARISTA: Ngunit, alam mo Alăna, lubos ngang kapana-panabik ang pagpunta sa kanilang daigdig, ngunit mas nanaisisn kong ako na lang ay dumito sa Atlantica, kasama ninyo at ng amang Argo.
AQUATA: Ako man, lubos nga akong nasiyahan sa aking nakita, ngunit wala pa ring papantay sa kagandahamg mayroon tayo dito sa Atlantica.
ATINA: Sapat na sa akin ang makapiling ko kayong aking mga kapatid, Karaba, at ng ating ama – wala nang kagandahan sa lupa ang maaaring umalpas sa kaligayahang natatamasa dito sa Atlantica.
ALĂNA: Ngunit, akala ko ba’y…
ABRINA: Ang aming mga sanaysay ay karanasang hindi namin kailanman makakalimutan, ngunit hindi ibig sabihin non, na mas nanaisin naming tumira at magalagi sa lupa kaysa sa Atlantica…
ANDRINA: At saka bakit pa namin nanaisin tumira sa lupa kung anumang oras ay maari naman kaming dumalaw at sumilip sa ibabaw, dahil kami ay nasa hustong gulang na upang magpasya sa aming mga sarili…
KARABA: totoo ang kanilang mga sinabi, ngunit huwag mo silang intindihin! Mga may edad na kasi kaya hindi na nila maramdaman ang nararamdaman mo ngayon, nais lamang nilang mawalan ka ng gana upang wala kang makitang maganda at wala kang maibahagi sa amin…
ARISTA: Karaba…hindi iyan ang totoo! Katunayan nga ay masayang-masaya kami para kay Alăna dahil sa wakas ay magiging kasakasama na namin siya tuwing kami ay pupunta sa ibabaw at kantahan ang mga manlalayag…
ABRINA: Maalala ko mga kapatid, parang may naririnig akong kakaibang ugong…
ATINA: Marahil may bagyong paparating…
ANDRINA: Kailangan nating umahon at balaan ang mga mangingisda sa nalalapit na disgrasya!
AQUATA: Kung ganon, kami’y magpapaalam na Karaba, mahal naming Alăna…magkikita tayong muli sa iyong pagbabalik at inaasahan namin ang iyong mga alamat tungkol sa mundo ng mga tao…
AB,AR, AT,AN, AQ,: Paalam kapatid!, hanggang sa ikalawang araw…
ALĂNA: Paalam mga kapatid!mag-iingat sana kayo!
KARABA: Ako rin ay aalis na prinsesa Alăna, magpapahinga na ako at maraming tungkulin ang aking dapat gampanan bukas. Ikaw rin ay dapat nang magpahinga at mahaba-haba ang iyong lalakbayin bukas.Matulog ka na, munti kong perlas…
ALĂNA: Ngunit, kahit anong gawin ko ay di maalis sa aking hinuha ang aking pag-ahon…mas mabutiang hintayin ko na lamang ang bukang-liwayway upang maaga akong makapag-umpisa…
KARABA: Ikaw ang bahala prinsesa, lagi ka lamang sanang mag-iingat at anuman ang mangyari ay isipin mong lagi kang ligtas sa ilalim ng dagat…
ALĂNA: Maraming Salamat, Inang Karaba…hanggang sa susunod na araw…
Lights off
SCENE II
Naiwang naghihintay para sa bukang liwaylay si Alăna sa kanyang halalamnan, labis ang kanyang tuwa at kasabikan kung kaya hindi siya mapakali
KANTA:
SANA ALĂNA’s theme
Narinig ko ang bulong-bulongan
Na sa lupa’y ma’y kasayahan
May mga lalang na kakaiba
Nagkakantahan, nagsasayawan
Doon ay mayroong ganito…ano na naman ba ito?
Nakalimutan ang pangalan,
Pero sa lupa’y aking malalaman…
Kahit na, munting panahon, ako’y magpunta sa ibabaw
Pagmamasdan ang mga kinagawian
Ng may ngiti sa aking labi…
Kukuha ng madaming ganito, ano ulit ‘to?
Pupunuin ko ang aking palasyo, ng ganito…
Nais kong maranasan ang tumakbo sa ilalim ng buwan,
Maramdaman ang init ng araw sa aking katawan,
Sa lupa ko lamang maaaring gawin, ang lahat ng aking nanaisin…
Bukas na ang kaarawan,
Maglakbay sa ilalim ng karagatan,
Mundong puno ng mahika,
Mundong kakaiba…
Sana ay, bukas na o di kaya’y ngayon na
Aking makikita…mundong pinapangarap…
Malapit na…malapit na…
Pagsikat ng araw…ay bukas na…
(Lyrics & Music by imee)
Lights off
SCENE III
Si Alăna ay pinayagan nang pumunta sa lupa at sa kanyang paglalaro ay nakita niya ang isang malaking barkong may lulan na napakaraming mga tao, nagkakantahan at nagsasayawan…ngunit may isang tao ang nakadungaw sa may karagatan at parang siya ang pinaparangalan ng mga kanta at sayaw ng mga lalaking tao….
BENNY: Mahal na Prinsipe, bakit hindi po kayo lumalahok sa pagsasaya? Ngayon ang inyong kaarawan kung kaya’t tayo ay magdiwang!!!
ENRICO: Sige Benny, ako’y lumalanghap lamang ng sariwang hanging dagat..
WALLY: Kung inyong mamarapatin mahal na Prinsipe, isa pong inumin?
ENRICO: Salamat Wally…kukunin ang baso at iinumin ang laman, saka magtatawanan ang mga tao at tuloy ang musika at pagsasayaw, samantalang si Alăna ay nasa ilalim ng barko at pinapakinggan at sumisilip sa nangyayari sa barko, nabighani agad ang kanyang munting puso sa maamong mukha ng Prinsipe…
Nang biglang nag-iba ang ihip ng hangin, dumilim ang paligid at lumakas ag hangin…nayanig ang barko…nagkagulo ang mga tao… sa kaguluhan ay walng nakapansin kung ligtas ang prinsipe, maging si Alăna ay walng makita sa dilim, ingay lamang ng mga sigaw ang maririnig – nang isang kidlat ang nagturi kay Alăna kung nasaan ang prinsipe…Nahulog ito mula sa barko at nawalan ng malay, kapag hindi ito aahon ay maaring malunod ito… agad niyang pinuntahan ang prinsipe at kanya itong sinagip mula sa kamatayan.
Lights off
SCENE IV
Si Alăna at Enrico ay nasa pampang, hawak ni Alăna ang ulo ni Enrico upang hindi ito matuluyan sa muntik nang pagkawala ng kanyang hininga. Nagkaroon ngayon ng pagkakataon si Alăna na titigan ang walang malay na prinsipe. Hinaplos niya ng kanyang mga daliri ang basang buhok ng prinsipe, pinadaan niya ang mga ito sa mukha ni Enrico, at kanya itong dinampian ng isang matamis na halik sa noo. Buong pagmamahal niyang inayos at tinitigan ang prinsipe…
KANTA: Alăna:
SANA…reprise
Hindi ko alam, kung kailan,
Matutupad ang kahilingan,
At ako’y darating, naglalambing
Sa piling mo…
Nang may marinig si Alăna na mga tinig na tila papalapit, agad siyang nagtago upang hindi nila siya makita…ang parating ay si Sofia, isang naninilbihan sa kumbento, kasama niya ang kanyang mga kaibigang sina Vanessa, Julie, At Ella. Mamasyal sana ang kanilang tangka ng makita nila ang nakahandusay na katawan ni Enrico. Atubili sila sa paglapit sa umpisa, ngunit si Sofia ang pinakamatapang at kanyang nilapitan ang malapit nang matauhan na si Enrico.
Tamang-tama pag-angat ni Sofia ng ulo ni Enrico ay nagmulat ito ng mata, napangiti ang binata sa tanawing tumambad sa kanya…
ENRICO: Anong nangyari? Ako ba’y napadpad rito ng isang malaking alon? Salamat binibini sa iyong pagdating…
SOFIA: Nakahandusay ka lamang rito na parang isang bangkay…isan malaking kapayapaan ang malaman na ikaw ay humuhinga pa…maaari kang tumigil muna sa kumbento upang makapagpahinga, at upang malunasan na rin ang iyong mga sugat at galos…
ENRICO: Salamat ng maramI, Binibini…
SOFIA: Walang anuman, tungkulin namin ang tumulong sa kapwa anumang oras, iyan ang aming sinumpang tungkulin…masisiyahan ka sa kumbento, sari-saring mga bagong aral ang iyong matutunan doon…nakikita ko namabg isa kang taong may pinag-aralan, nasisiguro kong hindi ka malulumbay sa panahong iyong itatagal sa kumbento..
Itatayo nina Sofia si Enrico upang dalhin sa kumbento. Nakita ito lahat ni Alăna at nalungkot siya sapagkat…
ALĂNA: sa kanya ng sarili/ o voice over Hindi niya nalalaman na ako ang siyang nagligtas sa kanyang buhay. Napakasakit ang hindi man lamang matapunan ng kanyang matamis na ngiti, at mabubuhay siyang hindi masisilayan ang mukha ng isang sirenang handang gawin ang lahat para sa kanya… Enrico…
Option: Maaaring gumuhit lamang sa mukha ni Alăna ang pagkabigo at pasakit dahil hindi alam ni Enrico na siya ang nagligtas sa kanya.
Lights off
SCENE V
Nakauwi na si Alăna sa kanilang palasyo at ito ay walang imik, kung kaya labis ang pagtataka ng kanyang amang si Haring Argo, Karaba, at maging ng kanyang mga kapatid…hindi pangkaraniwan ang katahimikan ni Alăna kung kaya walang tigil sa pag-uusisa ang kanyang mga kapatid….
ATINA: Alăna, kapatid…ano ang nangyari sa iyo at bakit ka tahimik? Isa bang suliranin ang tumambad s iyo sa lupa? Kung ganoon ay sabihin mo sa amin nang ikaw ay aking, aming matulungan…
AQUATA: Alam naming hindi ordinaryong pangyayari para sa iyo ang magpunta sa lupa…at hindi rin ordinaryo ang iyong pagiging biglang tahimik…ang palasyo ay nabubuhay ng masaya dahil sa iyo! At ngayon ay ni ayaw mong magsalita!
ATINA: Lagi mo sanang pakakaisipin na kami ay laging handa kang tulungan…
ARISTA: Alăna. Ano man ang bumabagabag sa iyo ngayon…suliranin man iyan o kahit na ano pa man, pakakatandaan mo na nangako ka sa amin na kahit anong mangyari…ang iyong alamat ay aming malalaman…
ANDRINA: Sabik na akong malaman kung ang iyong sanaysay ay dapat pang pakinggan…kung ang iyong paglalakbay ay may halong saya o luha…ipinapangako kong kailanman ay hindi kita pagtatawanan anuman ang iyong ibahaging karanasan. Pinid ang aking mga labi maging sa pagngiti…
ABRINA: Ano ba naman kayong dalawa…ang ating bunsong kapatid ay hindi nagsasalita, nakuha niyo pang pigain ang kanyang pangako! Dapat kayong maging sensitibo sa kanyang nararamdaman! Pause ngunit Alăna…ang pangako ay pangako…
Magtitinginan ang lahat kay Abrina…ngingiti ito ng guilty
ANDRINA: Mga kapatid…parang ako ay mayroong napapansin…noong umalis ang ating si Alăna ay halos wala siyang tigil sa pagbanggit ng tungkol sa mga tao…at …
ARISTA: sigaw Pag-ibig!
ABRINA: Tama! Pag-ibig nga…sabihin mo kapatid…ikaw ba ay mayroong nakilala?
ATINA: Isang maginoong binata na handang ibigay ang lahat ng kanyang pag-aari pati na kaluluwa sa iyo?
AQUATA: Magsitigil kayo! Alam ba ninyo ang inyong mga pinagsasabi? Ang pag-iibigan ng isang tao at sirena ay ipinagbabawal sa ating kaharian!
ATINA: Ngunit bakit Aquata?
AQUATA: Magdudulot lamang ito ng matinding panganib at pasakit sa sinumang magmamahal ng taga-lupa!
ARISTA: Hindi ko maintindihan…
AQUATA: Pagkat tayong mg a sirena ay iba ang anyo at katauhan sa mga tao…hindi maaring magsama ang isang sirena at isang nilalalng na taga-lupa kailanman!…
Biglang iiyak si Alăna…hahagulgol ito ngunit walnag luhang papatak…pagkat walang luha ang mga sirena…
ALĂNA: Tama na! Kayong lahat! Pause
Sa aking pagpunta sa ibabaw ay may nakita akong mga barko…nakatigil lamang sila, pagkat mayroong pagdiriwang na nagaganap…ang dami ng mga taong nagkakantahan at nagsasayawan, para ipagdiwang ang kaarawan ng kanilang Mahal na Prinsipe…narinig kong ang kanyang pangalan ay …Enrico…
ANDRINA: Enrico?
ALĂNA: Kilala mo siya?
ANDRINA: Nabanggit na siya sa akin ni Marina, siya an may-ari sa palasyong nasa gilid ng dagat.
ATINA: Pagkatapos Alăna?
ALĂNA: Nang aking masilayan ang kanyang mga mata…ang kisig niyang walang kapara…pakiramdam ko’y napupuno ng dugo ang aking puso. Parang bumigat siya dahil nagkaroon ng laman…siguro nga’y pag-ibig mga kapatid…
Pag-ibig ang siyang nagtulak sa akin upang iligtas siya sa napipinto niyang katapusan.
ARISTA: Nagkaroon ba ng labanan at kinailangan niya ang iyong tulong?
ALĂNA: Hindi…isang malakas na bagyo ang dumating, tulad ng inyong naramdaman…labis ang lakas ng hangin at buhos ng ulan kung kaya’t tumaob ang kanilang barko…nawala ang kanilang liwanag sa gabi…at wala akong maaninag. Isang pambihirang kidlat ang dumaan sa kalangitan at nakita ko siyang nahulog sa tubig at halos di na gumagalaw…noong una ako ay nasiyahan sapagkat sa wakas ay makakapiling ko siya dito sa ating palasyo…ngunit, napagisip-isip ko, na ang mga tao ay hindi pala marunong huminga sa tubig, at maaaring pagdating niya dito sa ating palasyo ay isa na lamang siyang bangkay dahil sa pagkalunod…ayoko siyang mamatay! At sinuong ko nga ang mga nagkalat na materyal ng barko at akin siyang sinagip…dinala ko siya sa pinakamalapit na pampang…doon sa may mga kampanang tumutunog.
Habang hawak ko siya sa aking mga bisig, ninais kong sana ay tumigil ang panahon upang habambuhay ay kapiling ko siya…upang hindi na ako magising sa aking mahiwagang panaginip…
Hindi nagtagal at may mga taong dumating…isang babae an lumapit sa kanya kung kaya ako ay nagtago…unti-unting iminulat ni Enrico ang kanyang mga mata…napakasaya ko sapagkat siya ay ligtas…subalit hindi niya nalalaman na ako ang siyang sumagip sa kanya mula kamatayan. Inakala kong kahit munting ngiti mula sa kanyang mga labi, ang aking magiging gantimpala…ngunit ganoon pa man, si Enrico ang pinakamagandang tanawing nakita ko sa lupa, at ibibigay ko ang lahat, makapiling ko lamang siya ng kahit sandali, ang makaramdam ng kapirasong kaligayahan sa lupa…ang maranasan muli an aking mahiwagang panaginip…
AQUATA: Mananatili na lamang siyang isang panaginip, Alăna! Isang mahiwagang panaginip na maaaring karugtong ng isang nakakakilabot na bangungot!
ATINA: Aquata! Ang nararamdaman ni Alăna ngayon ay hindi isang malaking biro…alam ko ang sakit kung paano umasa sa isang bagay na kailanman ay hindi mapapasaiyo!
AQUATA: Hangga’t maaga pa ay putulin mo na iyong kahibangan! Ang pag-ibig ay isang salot na siyang sumisira sa puso ng sinuman na kanyang madadapuan!
ATINA: At anong nalalaman mo sa pag-ibig Aquata? Ikaw na walang nalalaman tungkol sa dalamhati at sakripisyo…
AQUATA: anong karapatan mong sabihin sa akin iyan?!!!anong karapatan mong husgahan kung hanggang saan ang aking nalalaman?!!! Walang sinuman sa inyo ang nakakaalam kung ano ang aking mga napagdaanan!! Kung kaya wala kayong karapatan!! Wala! Wala!
Huwag mo nang hintayin pang makarating ito kay ama!
Aalis si Aquata ng mabili at maiiwan ang limang magkakapatid…
ABRINA: Atina, hindi mo dapat sinabi yon…siya pa rin ang ating pinakamatandang kapatid kung kaya kailangan pa ring bigyan natin siya ng nauukol na paggalang, at respeto.
ATINA: Alam ko Abrina, nahihiya ako sa aking ginawa…hindi ko akalaing labis siyang magagalit ng ganoon…kung maibabalik ko lang sana ang panahon…
ABRINA: Tama na ang pagdadalamhati mga kapatid…isang magandang usapan at makikita niyo…balik na naman tayo sa dati…mabait na kapatid si Aquata, dapat niyo iyang malaman kayong apat…hindi niya kailanman hahangarin ang pagbagsak ng isa man sa atin…
ARISTA: Ngunit Abrina…nawala yata ako sa usapan kanina…may nalalaman ka ba tungkol sa mga nangyari sa kanya?
ABRINA: Ang alam ko lamang ay tulad mo rin siya Alăna…nahulog rin ang kanyang loob sa isang taga-lupa…ngunit pinaglaruan lamang siya nito, sa puntong pinaasa siya… o parang ganon na sitwasyon…
ANDRINA: Nakakapangilabot! Parang ayaw ko na tuloy pumunta sa ibabaw…
ARISTA: At makakita ng mga tao…kasumpa-sumpa ang mga tao! Lagi na lamang nila tayong inaarag-gyabado! Isang rebolusyon!
ATINA: Abrina…ang nangyari kay Aquata…nalaman ba ni ama?
ABRINA: Sa aking hinuha ay oo…dahil labis siyang nagalit noon kung kaya halos palubugin niya noon ang isla ng lalake…
ATINA: Naaalala ko na…ang mga panahong tutol noon si ama sa iyong pagpunta sa ibabaw kahit nasa tamang gulang ka na…
ABRINA: Tama…
ARISTA: Ngunit bakit hindi namin alam iyan?
ANDRINA: Bakit wala man lang kaming impormasyon?
ABRINA: Mga bata pa kayo noon, at wala kayong interes sa mga bagay na ganoon…
Alăna, ngayon at narinig mo na ang isang alamat pag-ibig ni Aquata, nais mo pa rin bang makapiling ang prinsipeng yaon?
ALĂNA: Puno ako ng pangamba ta takot…ngunit isang malakas na pwersa ang nagasasabing ang aking kapalaran ay iba kay Aquata…
ATINA: Naiintindihan ka namin Alăna…na sa iyo ang aking simpatiya…hinihiling ko lamang na huwag ka sanang gagawa ng hindi namin ikaliligaya…
Tatango lamang si Alăna, at saka mag di-di lim lights…
Lights off
SCENE VI
Kahit nalaman na ni Alăna ang naging karanasan ni Aquata, hindi pa rin siya kumbinsido sa kanyang mga narinig…nais pa rin niyang malaman ang lahat tungkol sa mundo ng mga tao kung kaya’t kinausap niya si Karaba…
ALĂNA: Inang Karaba, alam kong ilang ulit na kayong dumalaw sa mundong ibabaw, tiwala akong marami kayong nalalaman tungkol sa mga tao…nais ko po sanang magtanong?
KARABA: Sige, Prinsesa Alăna…ano ang gumugulo sa iyong isip?
ALĂNA: Kung sakaling ang mga tao hindi mamamatay sa pagkalunod, nabubuhay ba sila ng walang kamatayan? Hindi ba sila namamaty tulad natin?
KARABA: Alam mo Alăna, ang mga tao ay kailangan ring mamatay, ang buhay nila ay daang taon ang ikli sa atin…nabubuhay tayo hanggang tatlongdaang taon, ngunit kapag dumating na ang araw ng ating pagpanaw…nagiging lumot na lamang tayo sa ibabaw ng tubig, ni wala nga tayong libingan dito ng ating mga mahal sa buhay eh…Wala tayong mga kaluluwang imortal, hindi na tayo muli pang mabubuhay dito sa mundo, minsan lang tayo magkakaroon ng pagkakataon, tulad ng isang damo…sa oras na putulin mo ang katawan, hindi na siya muling lalago pa…ganoon tayo. Hindi katulad ng mga tao, mayroon silang kaluluwang nananatiling buhay magpakailanman, kahit ang katawan ay matagal nang naging abo. Ang kanilang kaluluwa ay umaakyat sa kalangitan, sa likod ng mga nagkikinangang mga bituin…parang tayo kapag umaakyat sa lupa, sila rin ay umaakyat sa isang mundong napakasagrado at kailanman ay hindi natin malalaman kung ano…
ALĂNA: Bakit wala tayong mga imortal na kaluluwa? Nagagalak akong ibigay ang ilan sa aking mga taong mabuhay upang maging tao lamang kahit isang araw at magkaroon ng pag-asang mararamdaman ko ang kaligayahan sa mundo sa likod ng mga bituin.
KARABA: Huwag mo sanang isispin iyan Alăna! Tayo ay mga pinagpalang nilalang kaysa sa mga tao!
ALĂNA: Mamamatay rin naman ako at magiging lumot sa ibabaw ng dagat, anong kaligayahan ang naghihintay sa akin doon? Mayroon bang paraan upang makamit ang isang imortal na kaluluwa?
KARABA: WALA! Maliban na lamang kung isang lalake ang magmamamhal sa iyo ng labis at ituturing kang mas mahalaga kaysa sa kanyang sariling mga magulang; kung ang lahat ng kanyang pag-ibig ay para lang sa iyo at inilagay ng isang pari ang kanyang kanang kamay sa iyong mga kamay, at nangako siyang magiging tapat sa iyo ngayon at kailanman…ang kanyang kaluluwa ay pupunta sa iyong katawan kung kaya kayong dalawa ay magiging isa at makakamit niyo ang kaligayahang hinaharap ng isang nilalang ng lupa…ngunit hindi ito kailanman mangyayari mahal ko, ang iyong anyo ay kakaiba para sa mga tao…kung dito sa atin ay itinuturing na maganda ang magkaroon ng buntot ng isang isda, para sa kanila isa itong kapintasan, dahil ang alam nila, kailangan mong magkaroon ng dalawang tungkod na tintawag nilang paa upang maging maganda.
ALĂNA: Maaari mo ba akong gawan ng mga paa Inang Karaba? O si ama kaya? Maaari ba niyang gawing paa ang aking mga buntot?
KARABA: Hindi ko kaya Alăna, at kahit kaya ng iyong ama, ay hindi niya gagawin sapagkat tutol siya sa mga tao…
AlĂNA: wala na bang iba?
KARABA: Mayroon ngunit hindi mo iisiping siya ay pupuntahan mahal ko…
ALĂNA: Ang bruhang si Ursula…
KARABA: SShhh…baka may makrinig sa iyo…kalimutan mo na lamang ang ating napag-usapan Alăna, dapat tayong maging masaya sapagkat mayroon tayong tatlong daang taon upang mabuhay, kung kaya’t napakaaga ang pag-isipan ang tungkol sa mga bagay na iyan…magpahinga ka na…magkakaroon pa tayo ng pagtitipon mamaya…
Lights off
SCENE VII
Nagpunta si Alăna kay Ursula nang walang nakakaalm upang magpatulong tungkol sa pagkakaroon niya ng mga paa…
URSULA: Alam ko ang iyong nais…napakalaki mong hangal, ngunit makukuha mo ang iyong pinuntahan…at ito ay magdadala sa iyo ng labis na kalungkutan. Gusto mong magkaroon ng paa sa halip na buntot ng isda, tulad ng mga tao…upang ang iyong pinakamamahal na prinsipe ay mahulog ang loob sa iyo, at magkaroon ka ng imortal na kaluluwa…tatawa ng nakakatakot
Tamang-tama lang ang iyong pagdating…dahil bukas pagsikat ng araw ay wala na akong kakayahang tulungan ka pa, maghihintay ka pa ng dalawang taon bago ko muling magamit ang aking mahika…Maghahanda ako ng isang inumin para sa iyo, upang iyong inumin bukas bago sumikat ang araw sa pampang. Ang iyong buntot ay mawawala, at papalitan ito ng mga paa…makakaramdam ka ng matinding sakit na para bang isang matalim na espada ang humahati ng unti-unti sa iyong buong katawan…sa kabilang banda, sinuman ang makakakita sa iyo ay magsasabing ikaw ang pinakamagandang nilalang na kanilang nakita. Hindi mawawala sa iyo ang kagalingan mo sa paggalaw at kayumihan ng iyong mga kilos…walang mananayaw ang hihigit sa iyong kakayahan…ngunit, sa bawat hakbang mo sa iyong mga paa, ang sakit ay lalala na para bang naglalakad ka sa ibabaw ng mga matatalim na kutsilyo, at dahil sa kirot…hindi makakayanan ng iyong munting mga paa, kung kaya’t ang dugo mo ay dadaloy.
Kung buong-puso mong tatanggapin ang lahat ng aking mga binanggit…handa akong tulungan ka!
ALĂNA: natatakot Kung iyan lamang ang paran upang mahalin ako ni Enrico at magkaroon ako ng kaluluwang imortal…OO! Tinatanggap ko!
URSULA: Ngunit mag-isip kang muli! Sapagkat sa oras na magabago ang iyong anyo at isa ka nang tao…hindi ka na muli pang magiging isang sirena. Hindi ka na muling makakabalik sa dagat at hindi mo na kailanman makakapiling ang iyong ama, at iyong mga kapatid…subalit, sa oras na hindi mo makamtam ang pag-ibig ng iyong prinsipe, upang handa niyang kalimutan ang kanyang mga magulang para sa iyo, upang mahalin ka niya ng buong puso at katapatan, upang ilagay ng isang pari ang kanyang kanang kamay sa iyong mga kamay at ihayag na kayo ay mag-asawa…wala na akong magagawa, hindi mo makakamtam ang inaasam mong kaligayahan at imortal na kaluluwa…at sa unang bukang-liwayway pagkatapos niyang ikasal sa ibang babae sa halip na sa iyo…madudurog ang iyong munting puso at magiging isa ka na lamang lumot sa ibabaw ng dagat…
ALĂNA: Gagawin ko!
URSULA: Ngunit…kailangan ko rin ng sapat na kabayaran sa aking gagawin, konti lang naman ang aking sisingilin. Isang malaking kaalaman na taglay mo ang pinakamagandang tinig sa buong karagatan, at tiwala kang sa pamamagitan nito ay mapapamahal sa iyo ang prinsipe…kung kaya dapat lamang na maging akin ang iyong tinig! Ang pinakamahalaga mong pag-aari ang siyang dapat maging kabayaran sa aking inumin, sapagkat sarili kong dugo ang aking ihahalo rito upang maging kasing-talas siya ng isang libong espada!
AlĂNA: Ngunit kapag kinuha mo ang aking tinig, ano na ang matitira sa akin?
URSULA: Ang maganda mong mukha! Ang maganda mong katawan! Ang iyong magaling na paggalaw…at ang iyong mga nangungusap na mga mata! Sigurado akong sa pamamagitan lamang ng mga katangiang aking binanggit ay maaangkin mo ang puso ng sinuman na iyong nanaisin.
Natatakot ka na ba munting sirena? sa isang saglit lamang ay mapapasaiyo na ang mahiwagang inuming magpapabago sa iyong buong buhay! Tatawa
Habang ginagawa niya ang inumin
Ang pagiging malinis ay isang napakahalagang kaugalian na dapat nating pagyamin…
Ayan! Tapos na rin sa wakas! Ilabas mo na ang iyong dila upang aking maputol at makuha ko ang kabayaran ng aking ginawa! Tatawa ng malakas….
Lights off
SCENE VIII
Nakuha na nga ni Alăna ang mahiwagang inumin mula kay Ursula…ngunit hindi na siya makakapagsalita pa…nasa gilid siya ngayon ng pampang at hawak-hawak ang mahiwagang inumin…matagal niya itong tinitigan at saka unti-unti niya itong ininom. Sa isang segundo lamang ay nakaramdam siya ng matinding sakit…parang hinahati ng isang matalim na espada ang kanyang buntot…sumisigaw siya ngunit walang tinig na lumalabas mula sa kanyang mga labi…mababakas na lamang mula sa kanyang munting mukha kung gaano kasakit ang nararamdaman niya…ilan pang segundo ay nawalan siya ng malay…
Lights off
ACT TWO: Ang Daigdig sa Ibabaw ng Karagatan
SCENE I
Sa isang dalampasigan, si Alăna ay hawak-hawak ng isang lalake sa kanyang mga bisig, pilit siya nitong ginigising at iminumulat ang mga mata…sa wakes ay matatauhan ang dalaga, isang matinding kirot pa rin ang kanyang nararamdaman, ngunit napawi ang lahat ng makita niya kung kaninong mga bisig siya nakahiga…kay Enrico.
ENRICO: Binibini…anong nangyari sa iyo? Pinagsamantalahan ka ba ng mga kalalakihan dito? Saan ka galing? Bakit ganyan ang iyong anyo? May nararamdaman ka bang sakit? Kung nanaisin mo ay maaari ka munang magpahinga sa aing bahay hanggang ikaw ay handa na muling mag-isa…
Tatawa para akong nakikipag-usap sa isang pipi…hindi ka ba marunong magsalita? Nakakaintindi ka ba ng Tagalog? Naiintindihan moba ako? Binibini?binibini?
Sa bawat tanong ni Enrico ay titig lamang at ngiti ang isinasagot ni Alăna, sapgakat kahit gaabo niya naisin magsalita ay walang tinig na lumalabas sa kanyang lalamunan.
Sa kaunting saglit na paghawak ni Enrico kay Alăna ay nakaramdam siya ng kakaiba, ang mga mata ng babeng kanyang nasa bisig ay tila nagmamakawa at naghahanap ng isang pag-aaruga…
ENRICO: Ang iyong mga mata, parang may nais ipahiwatig ngunit hindi ko maintindihan…marahil ay nadadala lamang ako sa iyong kagandahan…
Halika…kaya mo bang tumayo? Itatayo niya si Alăna at susubukan ni Alăna ang kanyang mga paa, nakaya niyang tumayo ngunit parang umapak siya sa matalas na bahagi ng kutsilyo kung kayat hindi niya nakayanan ang sakit at muntik na siyang natumba kung hindi siya nasalo ni Enrico…
ENRICO: Huwag mo munang pilitin ang tumayo kung hindi mo pa kaya binibini…dadalhin muna kita sa aming palasyo upang maayusan ka at madamitan…kung iyong mamarapatin bubuhatin niya si Alăna at kanya itong dadalhin sa kanilang palasyo upang makapagpahinga….
Lights off
SCENE II
Sa kaharian ng Atlantica…makikita ang mga alalang-alalang mga kaptid ni Alăna, si Karaba, at si Haring Argo…nalulungkot sila sapagkat hindi na nila maaari pang makapiling si Alăna…
ANDRINA: Ama! Wala ka bang magagaw upang maibalik sa atin si Alăna?
ARISTA: Hindi mo ba maaaring baligtarin ang ginwa niyang pakikipagkasundo kay Ursula?
HARING ARGO: Ang ginawa ni Alăna ay isang malaking kahangalan! Nasa hustong gulang na siya at tamang pag-iisip kung kaya anuman ang kanyang mga desisyon…buhay niya iyon, kailangan niyang panagutan!AQUATA: Ngunit ama! Papaano kung lolokohin lamang siya sa lupa? Papaano kung nasa pangannib siya ngayon? Hahayaan mo na lang ba siyang mawala sa atin ng ganun-ganun na lamang?
KARABA: Si Alăna ay isa nang tao ngayon…hindi na siya kabilang dito sa ating daigdig…ang mahika ni Ursula ay napakalakas, na kahit ang kapangyarihan ni Haring Argo ay hindi iyon mababago…Ang kasunduan nila ni Ursula ay walng sapilitan kung kaya’t walang karapatan ang Hari upang makialam, iyon ang nasa batas…
ATINA: Ang aking kapatid…kasalanan ko kung bakit niya ginawa iyon…naging mabait ako sa kanya…marahil ay inakala niyang tama ang kanyang ginawa sa ngalan ng pag-ibig…
ABRINA: Pag-ibig ang siyang nagtulak sa kanya upang makipagkasundo kay Ursula…napaklungkot…
ARISTA: Bakit hindi niyo na lamang patayin si Ursula ama? Baka sakaling pag namatay na siya ay magbabago ang sumpa…
HARING ARGO: Hindi iyon ganoon kadali! May mga batas tayong sinusunod!
AQUATA: Mga batas na kahit buhay ni Alăna ay kaya niyong isakripisyo?!
KARABA: Huminahon kayo…ang ginawa ni Alăna ay tunay ngang mapanganib at makasarili, ngunit isipin nating magiging maliagya siya sa kanyang ginawa, umasa na lamang tayo na hindi darating ang araw na iba ang pakakasalan ni Enrico…umasa na lamang tayo na hindi sana nagkamali si Alăna sa kanyang ginawa…
Pwedeng magkakaroon sila ng kanta sa parteng ito…
Pwede rin na sa kabilang bahagi ay sumsabay sa kanta si Sofia at ng kanyang mga kaibigan…
Ang kanta ay pwede yung tagalog version ng Deep in my heart…pagkat tinatalakay nito ang pangungulila para sa isang minmahal…sina Karaba kay Alăna, at si Sofia kay Enrico…
Dito sa Puso
Argo: Aking dala, ang alaala…ng iyong larawan, aking perlas
At kahit na, kami ay iniwan…di kailanman, magbabago…
Sa oras na, mag-iisa…asahan mo tuwina…
Dito sa aking puso, laging ikaw…
Aquata: ang iyong gianwa ng dahil sa pag-ibig kami ay sinaktan mo at pinabayaang malungkot,
subalit kahit anong mangyari, ikaw ay laging minamahal…
Sa oras na mag-iisa, asahan mo tuwina…
Dito sa aking puso, di malulumbay
(Music & Lyrics by imee; arranged by heather)
SCENE III
Sa palasyo ni Enrico ay mayroong isang pagtitipon kung saan ipinakilala ni Enrico si Alăna sa kanyang mga kaibigan, nasa isang pormal na kasuotan na si Alăna at laging nakakabit, literally, kay Enrico…isang kasayahan ang inihanda. Isang babae ang kumanta at ilang tao ang nagsayaw para sa prinsipe Enrico. Nahalata ni Alăna na labis ang tuwa ni Enrico habang pinapanood niya ang mga nagsasayw kung kaya kahit masakit ay tumayo siya mula sa kanyang upuan at sumayaw ng buong pagmamahal para kay Enrico…kahit na unti-unti nang dumadaloy ang dugo sa kanyang mga paa…isang masigabong palakpakan ang tinanggap ni Alăna pagkatapos niyang magsayaw…ngunit ang pinakamahalga kay Alăna ay ang ngiting iinigay ni Enrico sa kanya. Sapat na ang mga ngiti ni Enrico upang mapawi ang sakit na nararamdaman niya…
Lights off
SCENE IV
Pagkatapos ng napakagandang sayaw ni Alăna ay nasa isang bahagi siya ng kaharian, pinupunasan niya ang kanyang mga paa, pagkat tuloy-tuloy ang agos ng dugo mula dito…ayaw niyang ipakita kahit na sino ang sakit na tinitiis niya araw-araw para kay Enrico…nang hindi inaasahan ay biglang dumating sa kanyang tabi si Enrico, palihim niyang itinago ang kanyang ginagawa…
ENRICO: Anong ginagawa mo rito? Malalim na ang gabi, kailangan mo nang magpahinga. Hindi ko alam na napakagaling mong sumayaw, wala pa akong nakita na kasing galing at ganda mo sumayaw…para sa akin ba iyon? Talaga? Napakabuti mo naman…ngingiti at hahalikan sa noo, yayakapin niya si Alăna ng buong pagmamahal
Ang aking piping prinsesa…tunay na napakahalaga mo sa akin, taglay mo ang pinakamabuting puso, at alam kong tapat ka sa akin…
Katulad ka ng isang dalagang minsan ay aking nakita, at hindi ko na makikita pang muli…Nasa isang barko ako noon, araw ng aking kaarawan, ngunit may malakas na bagyong dumating kung kayat tumaob ang barko at nahulog ako, dinala ako ng mga alon sa isang dalampasigan malapit sa isang kumbento, kung saan may mga dalagang naninilbihan…ang pinakabata sa kanila ang nakatagpo sa akin sa pampang, at siya ang nagligtas sa aking buhay. Dalawang beses ko lamang siya nakita at nakausap, ngunit ramdam ko sa aking puso na siya lamang ang tanging babae sa mundo na aking paka iibigin…at ikaw, ikaw at siya ay magkapareho, at muntik ko na siyang hindi maalala nang dahil sa andito ka sa aking tabi. Nabibilang siya sa simbahan, at ang tadhana ang siyang nagdala sa iyo sa akin, sa halip na siya; at hindi tayo kailanman magkakalayo…pangako ko sa iyo yan…
Voice over:
ALĂNA: Hindi niya nalalaman na ako ang siyang nagligtas sa kanyang buhay. Ako ang nagdala sa kanya sa dalampasigang malapit sa simbahan. Nagtago ako sa likod ng mga bato at pinanood ko siyang tulungan ng mga ibang tao. Nakita ko ang magandang dalagang inakala niyang siyang nagligtas sa kanya, at mas higit niyang mahal kaysa sa akin…ngunit sabi niya ang dalagang iyon ay nabibilang sa isang kumbento, kung kaya hindi na sila magkikitang muli; habang ako ang lagi ay nasa kanyang tabi, at kapiling siya araw-araw. Pakaiingatan kita…pakaiibigin kita…kahit buhay ko’y ibibigay ko para sa iyo…Enrico…
Magakayakap pa rin ang dalawa at nang tumingin si Alăna kay Enrico, ay biglang may maiisip ang prinsipe…mapapatayo ito…
ENRICO: Inutusan nga pala ako ng aking amang hari na bumisita sa kabilang kaharian bilang paggalang sa hari…kaya nga nagpagawa si ama ng magandang barko, at saka magpapasama siya ng ilang mga regalo…titingin kay Alăna…
Kailangan kong maglakbay, kailangan kong makita ang anak an prinsesa ng hari sa kagustuhan ng aking mga magulang; ngunit hindi nila ako mapipilit na iuwi siya rito bilang aking kabiyak. Hindi ko siya maaaring mahalin, hindi siya ang dalaga sa kumbento, na kamukha mo…kung pipilitin nila akong pumili ng mapapangasawa…mas nanaisin ko pang ikaw, aking piping prisesa ang aking maging kabiyak…
isang matamis na halik sa labi ang ibinigay ni Enrico kay Alăna at isang napakahigpit na yakap…saka ito ngingiting muli…
ENRICO: Hindi ka naman takot sa tubig, ano? Maglalakbay tayo sa napaklawak na karagatan papunta sa kanilang kaharian. Madadaanan natin ang mga naggagandahang tanawin sa gitna ng dagat…napakraming mga kakaibang isda ang makikita mo, at sa ilalim ng dagat…may isang kaharian na puno ng misteryo at hiwaga…hindi pa ako nakapunta roon, tahanan daw iyon nghari ng karagatan…ngunit hindi ko lang alam kung totoo nga ang alamat na iyon o hindi…
Habang nagkwekwento si Enrico ay ngingiti lamang si Alăna sapagkat mas alam niya kung ano ang makikita sa ilalim ng karagatan kaysa kay Enrico…
Lights off
SCENE V
Naglayag nga sina Enrico at Alăna para sa prinsesa…pagdating nila sa kaharian ay labis ang gulat ni enrico sapagkat si Sofia pala ang dalagang nagligtas sa kanya sa dalampasigan. Labis ang tuwa ng dalwa ngunit ang sakit at lungkot sa puso ni Alăna ay hindi kailanman malalaman ninuman.
BENNY: Asan na ang prinsesa?
WALLY: Narinig ko na pinag-aral pa sa isang kumbento ang prinsesa para matutuhan niya ang paano maging asawa…
magtatawanan ang dalawa, at dumating nga ang Prinsesa kasama ang kanyang mga kibigan…napatitig lamang si Alăna at halos takbuhin ni Enrico ang prinsesa dahil sa tuwa…
ENRICO: Ikaw ang dalagang nagligtas sa akin nang ako ay mapadpad sa inyong pampang…niyakap niya ito at hinagkan sa noo…
IKAW NA NGA Eric and Sofia lovetheme
Enrico: buhay ay walang sigla
araw ay puno ng lumbay
Isang tinig ang dumating
At nagligtas sa akin…
Sofia: Naglalakad ng walang direksyon,
Sa buhanginan ng panahon,
Sa dalampasigan ika’y nasilayan
Ang hatid mo’y lubos na kaligayahan…
Enrico and Sofia: Mula sa simula, alam kong ikaw na
Ang tanging pag-ibig ng buhay ko…
Enrico: Ang aking dalangin ay natupad
Sofia: Na dito sa akin mapapadpad
Enrico and Sofia: Mula sa simula, hindi na nag-isa
Pagkat alaala mo ay laging kasama
Buhat ngayon, ating simulan
Isang mundong mahiwaga
Buong buhay magkasama
Hanggang kailan pa man…
(Lyrics by imee)
Pagkatapos ng makabagbag damdaming pagkikita ay diretso sa altar sina Enrico at Sofia upang pagsamahin ng banal na kaulatan ang kanilang pagsasama…hawak ni Alăna ang dulo ng damit ni Sofia sapagkat siya itinalagang maid-of-honor ni Sofia…lihim siyang nagdadalamhati, nais niyang sumigaw at umiyak ngunit ano ang kanyang isisigaw? Ano ang kanyang iluluha? Gayong wala siyang tinig at wala siyang mga luha?
Lights off
SCENE VI
Natapos ang kasal at nasa isang bahagi ng kahariang malapipt sa may dagat si Alăna, kasama niya ng kanyang mga kapatid, sapagkat nagpunta ang mga ito upang ibugay ang tanging solusyon upang hindi mamatay si Alăna…
ARISTA: Ibinigay namin kay Ursula ang aming buhok upang makakuha ng tulong, upang hindi ka mamamatay bago magbukang liwayway…
KARABA: Binigyan niya kami ng isang patalim…naririto…napakatalas niyan. Kinakailangang bago sumikat ang araw ay kailangang itarak mo ito sa dibdib ng prinsipe; kapag naramdaman mo ang mainit niyang dugo na dadaloy sa iyong mga paa, lalago itong muli at babalik ag dati mong buntot, at muli kang magiging isang sirena.
ABRINA: Makakabalik ka nang muli sa ating kaharian at mabubuhay nang hanggang sa tatlong daang taon!
ANDRINA: Dapat siya at hindi ikaw ang mamamatay bago sumikat ang araw!
ATINA: Ang ating ama ay naghihintay sa iyong pagbabalik Alăna!
AQUATA: Kusa naming ipinagkaloob kay Ursula ang aming mga buhok upang hindi ka mamamatay! Ganyan ka namin kamahal! Ipagpapalit mo ba kaming muli sa pag-ibig na kailanman ay hindi naging iyo?
ARISTA: dAlian mo Alăna! Patayin mo na ang prinsipe at bumalik ka na sa aming piling! Hindi mo ba nakikita ang unti-unting paglabas ng araw?
ATINA: Sa ilang sandali lamang ay tuluyan anitong sisikat at magiging isa ka na lamang lumot sa dagat!
KARABA: Tanggapin mo ang patalim Alăna! Para mo nang awa! Iligtas mo ang iyong sarili! Huwag kang magpakahangal! Alăna!
ARISTA: ALĂNA!
ABRINA: Para mo nang awa Alăna! AlĂNA!!!
ANDRINA: Mahal ka namin Alăna! Huwag mo kaming iiwan!!
ATINA: Alăna!!ang tangi naming kagustuhan ay ang iyong kaligtasan! Patayin mo ang prinsipe Alăna! Ngayon na!!
AQUATA: Alăna…hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal na iniaalay mo sa kanya! Hindi kaligayahan ang iyong makakamit kundi kamatayan! Alăna!
KARABA: Alăna! Huwag mong isakripisyo ang iyong sarili sa isang nilalang na walang kwenta!
Unti-unting tatayo si Alăna at pupuntahan ang natutulog na Enrico at Sofia, hawak niya ang patalim sa kanang kamay…puno ng pagmamahal na tintigan niya si Enrico at isang matamis na halik ang idinampi nito sa kanyang noo…
Lights off
SCENE VII:
Hindi nagawang patayin ni Alăna si Enrico kung kaya’t nagpasya siyang siya na lamang ang mamatay…habang hinihintay niya ang pagsikat ng araw, ang kanyang mga kapatid, si Karaba, at maging si Haring Argo ay nasa kanyang paligid at lihim na lumuluha…habang si Enrico at Sofia ay nasa kanilang silid na ntutulog…
MAHIWAGANG PANAGINIP Alăna’s swan song
Noong aking masilayan ang iyong mga mata,
Nabighani ang aking puso at pati kaluluwa,
Nangangarap, umaasam
Sa araw na ikaw at ako
Sakit at kirot hindi alintana,
Taghoy ng aking ama sa karagatan,
Ikaw ay mahiwagang panaginip,
Dumadalaw sa aking gabi
Lubos ang ligaya at tuwa sa tuwina
Kapag ikaw ay kasama.
Noong aking masilayan ang iyong mga mata
Luha ko’y dumadaloy ng di namamalayan,
Bihag mo, ang aking puso
Unti-unting namamatay, kasama ko…
Lahat ng pasakit, at kamatayan…
Ito’y haharapin…tatanggapin…
Ikaw ang mahiwagang panaginip,
Naglalaho sa aking daigdig.
Lubos ang ligaya kapag ikaw ay kasama,
Kaya ito’y…magagawa…
Ikaw ang mahiwagang panaginip,
Mga yakap mo at halik,
Dala ang alaala…
Sayang na pagmamahal
Sa dulo ng panaginip…
Ng walang hanggang… pag-ibig…
(Lyrics by imee: music by heather)
Sa pagsikat ng araw, isang mahiwagang pangyayari ang naganap…sapagkat sa halip na maging isang lumot sa ibabaw ng dagat…ay isang napagandang puting mga rosas/waterlily ang naroroon sa dating inuupuan ni Alăna…hindi man nakamit ni Alăna ang kaligayahang inaasam niya sa lupa, ay mkakamit niya ang imortal na kaluluwa sapagkat ang kanyang kabutihang loob at pagpapakasakit ay magagantimpalaan ng tatlongdaang taong pagsubok, at kung sa pagkatapos ng tatlong daan taong iyon…kapag nasa kanya pa rin ang pag-asa at pagmamahal, ay makakamit na rin niya ang kaluluwang imortal…
THE END
JULIE themesong
Hindi ko kailanman makaklimutan,
Ang araw na may nakilala
Isang ginoong ubod ng bait
At walang kasing kisig…
Ang kanyang ngiti ay parang sa santo,
Maliit ngunit may kahulugan,
Ang kangyang mga mata…
Ang kanyang mga mata’y kumikinang sa liwanag,
Ng kanyang mabuting pagkatao…
Pinapangarap na balang araw,
Kami ay muling magkita,
Minsan pa ay damhin ang kanyang
Mga haplos,
Sa kanyang mga bisig…
Ako’y nagnanais mahimbing,
Upang sa umaga paggising,
Halik niya ang sasalubong sa akin…
(Lyrics by imee)
DEEP IN MY HEART
Deep in my heart, that I treasure
Painted image of your beauty
In my dreams I always envision
The charms of your sweet smile
In dreary hours when rage of pain
Shatters all my hopes
In my dreams, I do believe
You’ll give me life…
Will you give me life?
Will you give me joy?
And won’t you stay?
I won’t stay!
It’s for my poor heart…
In dreary hours when rage of pain
My rage of pain hits my soul
Shatters all my hopes
In my dreams I do believe
Come back to me coz I believe
You’ll give me life…
Deep in my heart you’re my treasure
Painted image of your beauty
Even if I know I’m mistaken,
I will stay with you…
In dreary hours, when rage of pain
Shatters all our hopes
In our dreams we do believe
He’ll give you life…
Yearns when life, seems dark and sad
Even when faith’s gone…
In my heart I still believe
For your deep love…
Deep in my heart, I have treasured
Taintless image of you and me,
In my dreams I always see a vision,
Together, we will be…
In dreary hours when rage of pain
Should you cast me aside! And leave me behind!
Shatters all my hopes…
In my dreams I do believe
And in my dreams I do believe
He’ll give me life…
In dreary hours when rage of pain
Should I lost thy love! For that foolish game!
Shatters all my hopes…
In my dreams I do believe
In my dreams I do believe
We’ll share this life…
We will share this life…
(Music and Lyrics by imee: arranged by heather)
Labels Love, Stage Playscript




