30 April 2007

Hapily Eber Apter?

(To all of you, who have been a part of this, my sincerest gratitude for taking this journey with me :)


HAPILY EBER APTER?
Unibersidad ng Pilipinas Manila
Copyright Pebrero 2001
By the
Up salinlahi & PA 161



SETTING
Act I
Overture : ANGELS soundtrack
Scene 1 : Palasyo g Pili
Scene 2 : Bahay ni Cinderella
“ A dream is a wish your heart makes” --- Cinderella
Scene 3 : Sa kagubatan
“Colors of the Wind” --- Pocahontas
Little Red Riding Hood
Scene 4 : Sa bayan
“ A whole new world” --- Jasmine and Cris (duet)
Scene 5 : Sa Palasyo
Scene 6 : “Go the Distance” --- Megara and Cris (duet)
Gypsy Dance --- Esmeralda and the dance
“Belle” --- Belle
Scene 7 : Sa bench
Scene 8 : Sa palasyo ni Sleeping Beauty
“I’m kissing you”
Scene 9 : Sa gubat
“Someday my prince will come” --- Snow White
Scene 10 : Sa creek
“Reflection” --- Mulan
Scene 11 : Sa dagat
“Part of your world” --- Ariel

Act II
Scene 1 : Sa Palasyo ng Pili
Ballroom Dance Extravagance
“Father and Son” ---King Raf and Prinsipe Cris
Scene 2 : Sa ballroom ng Pili Palace
“Awit ni Maria Clara” --- Maria Clara
Finale : Isang modern dance na sasayawan lahat ng members

Cinderella : A dream is a wish your heart makes
Pocahontas : Colors of the Wind
Jasmine : A whole new world
Megara : Go the Distance
Esmeralda : Baila dance
Belle : Belle/Beauty and the Beast
Aurora : I’m kissing you
Snow White : Someday my Prince will come/I’m wishin’
Mulan : Reflection
Ariel : Part of the world
ANGELS’s : soundtrack only/Independent Women
King n Cris : Father and Son
Maria Clara : Awit ni Maria Clara
Bertha’s score : Gregorian Chant



PRODUCTION TEAM
Production Manager : Prunella Santos____________
Sponsorship : Elvira Arafol,_Czarina Cua__
CREATIVE TEAM
Playwright and Director : Immaculate L. Cariaga
Set Designer : Joffrey Baylon

Costume Supervisor : Shiela Parungo

Sounds Supervisor : Liway Paguio,Heather Tejada
Assist. Sounds Supervisor : Euvie Amutan

Lighting Supervisors : Eva Mariquina, Farrah Romero

Consultants : Dr. Pacita Gavino
Ms. Juliet Bien



SCRIPT OF “HAPILY EBER APTER?”

CAST
Lola Monang : Monaliza Contreras
Prinsipe Cris : John Paul Soto
Maria Clara : Mia Paola Cosme
Evil witch/Bertha : Elvira T. Arafol
Cinderella : Niña Duque
Pocahontas : Merbennyl Cruz
Jasmine : Prunella Santos
Megara : Mae Tomelden
Esmeralda : Heather Tejada
Belle : Czarina Cua
Aurora : Angie Sisracon
Snow White : Trina de Guzman
Mulan : Monalisa Abibico
Ariel : Michelle See
King Charlie : Joffrey Baylon
Queen Latifah : Alissa Angeles
Basti : Raslanie Bangcola
Inday : Maileen Baleta
Angel J : Japhet Cerdenia
Angel E : Erwin Teves
Angel D : Dale Batalla
Red Riding Hood : Immaculate Cariaga
Margarita : Maripet Cabauatan
Petra : Yvonne Kessip
Elizabeth : Maui Terrado


COMPANY ENSEMBLE:


SYNOPSIS

Noong unang panahon, ay may isang prinsipeng nananarahan sa isang marangyang kaharian. Isang gabi sa kanyang pagtulog, ay dinalaw siya ng isang kakaibang panaginip. Sa panaginip, kanyang nakita ang babaeng karapat-dapat niyang pakasalan. Naglakbay ngayon siya upang hanapin ang babae sa kanyang panaginip, kasama ang matalik na kaibigang si Basti. Sa kanyang paglalakbay ay madami siyang nakilalang mga prinsesa, sina Cinderella, Pocahontas, Jasmine, Megara, Esmeralda, Belle, Sleeping Beauty, Snow White, Mulan at Ariel, at si Little Red Riding Hood. Sa kanyang pakikipag-sapalaran ay wala siyang nauwing pakakasalan sa palsyo. Dahil sa nakitang panlulumo ng anak, nagbigay ng isang piging ang hari at nag-imbita ng mga prinsesa sa buong kalupaan, upang sa piging ay malayang makapili ang prinsipe. Sa piging, lahat ng prinsesang inimbitahan ay dumating. Nalito ang prinsipe at sa huli ay nagdesisyong piliin si Ariel, ngunit, ng hindi nila inaasahan ay dumating ang bruhang patay na patay sa prinsipe. Abot-kamay na lang ng bruha ang tagumpay ng dumating ang prinsesang kababata ng Prinsipe. Sa kanyang pagdalo ay nawalan ng bisa ang mahika ng bruha. Umibig agad ang prinsipe sa bagong dating, at hayagan nga itong pinili sa lahat ng tao. Sa galit at desperasyon ay tinangka ng bruhang patayin si Maria Clara, ngunit naagapan agad ito ni Mulan, at nawala na nang tuluyan ang bruha.
Nagsaya ang buong kaharian dahil sa wakas ay magkakaroon na ng prinsesa ang kanilang lupain sa katauhan ni Maria Clara na sa kalauna’y magiging kabiyak ng kanilang prinsipe, si Crisostomo Ibarra.



ACT I

(curtains close)
(Spotlight to the storyteller)

Story teller : Oooh…kumusta na kayo? Namiss nyo ba ako? Pasensya na kayo’ akoy namahinga ng kaunti. Masakit kce ang rayuma ko e! o papano?di kwentuhanna naman tayo? Aaaah… oo nga pala, ipinagako kong ikukwento ko ang paglalakbay at buhay ng isang prinsipe… aahh… oo naalala ko na… hala sige, tumahimik na kayo’t makinig sa aking kwento. Ito ay pinamagatan kong “Hapily Eber Apter”

Scene 1 Sa kaharian ng Pili. Magbubukas ang palasyo sa signal ng dalawang ANGELS. Pakatapos ay babalik sa pwesto sa saliw ng tugtuging ANGELS… at saka lalabas si Prinsipe Cris at…
(lights on)

Palasyo ng Pili

Inday and Petra : Ang mahal na haring Raf at Queen Latifah!!!
Prinsipe Cris : Ina, Ama … intindihin nyo naman ako. Kailangan ko siyang hanapin.
Queen Latifah : Sino ? sino anak? (alalang-alala at paypay ng paypay sa sarili)
Prinsipe Cris : (nagsasalitang parang nananaginip) Ang babae sa panginip ko, ang napakagandang dalaga na naglalakad sa alapaap, nakalutang sa hangin, nakangiti sa akin…
King Raf : (tatayo mula sa upuan) Mahal kong reyna, tila yata ang anak mo ay namamalik-mata? Ipatawag mo nga si Inkong Ursula?
Prinsipe Cris : Ama! Masyado ka naman! Hindi ito isang pangarap, alam kong makikita ko sya, at magiging masaya kaming dalawa, dito… dito sa palasyo (pipikit muli).
Queen Latifah : (malungkot) Ay! Ay! Huhuhu (iyak) ang anak ko’y binata na. Parang kailan lang, yung ganito ka pa kaliit, (isisignal ang kamay ng size) dumedede at umiihi sa higaan, huhuhu… ngunit ngayon… waaaaah! (sigaw na iyak)
Prinsipe Cris : (lalapit sa ina at tila ipinamukha ang sinasabi) Ina hindi na ako bata. Ako’y isang matapang na mandirigma.!
Queen Latifah : Waah! ang anak ko … huhuhu!!!
King Charlie : (ayaw pa ring maniwala) Tingnan mo ang ginawa mo sa ina mo, umiiyak tuloy sya! (yayakapin si Queen Latifah at sa tonong galit)
Prinsipe Cris : (tonong inip) Amang hari, kailangan ko nang umalis, pagkat ang taxi ay naghihintay na.
Bruhang Bertha : Bakit ka pa aalis eh nandito naman ako? (biglang susulpot at tsatsansingan si Pri nsipe Cris)
Prinsipe Cris : (sigaw) Bertha! Asaw ang kailangan ko at hindi aswang! (aalisin ang kamay ni Bertha at mandidiri)
Bruhang Bertha : Grabe ka, tignan mo … sa akin ka rin babagsak!
Prinsipe Cris : In your dreams, bruha!
King Charlie : Tama na yan! Sige, Prinsipe Cris. Ibinibigay ko na ang aking bendisyon. Ikaw ba’y nagiisa o magdadala ng kasama?
Prinsipe Cris : Kung maaari po sana si Basti na kaibigan ko (lalapit si Basti at aakbayan siya ni Crris)
King Charlie : (babasbasan si Cris at paalisin na) Sige humayo kayo’t bumalik ng maaayos…
Prinsipe Cris : (kukunin ang mga gamit) Salamat po, Ama. Paalam na! Babalik akong dala-dala sya! (aalis na siya, pati na rin siKing Raf n Queen Latifah and ANGELS)
Bruhang Bertha : (pagkaalis ni cris at basti at lahat ngf tao sa stage sya ay magsosolo)
Hah! Tignan ko lang kung may makita ka! Wala ng gaganda pa sakin, no? ako na lang yata ang natitira sa aming magandang lahi. Sandali, paano nga pala kung makita nya yung babae? Anong gagawin ko? Ahh … ano pang silbi ng itinuro sa akin ng lola kong si Insiang ang pamosong black magic ng aming angkan. Hahaha !!! Magiging akin ka Prinsipe Cris, akin! Hahaha! At darating na ang matagal ko nang pangarap, ang maging reyna ng kahariang ito. Bruhahaha!!!!
(lights off)
(spotlight focuses on the storyteller)

Storyteller : Umalis na nga si ang prinsipe na kasama si Basti, and dakilang alalay na walang silbi! Naglakbay sila sa hilaga at kanluran, patuloy na naglalakad sa ilalim ng buwan. Isang araw, kanilang nakita isang bahay na may nakatira. Sa pagod at puyat, silay kumatok, baka sakaling sila’y makapasok.




Scene 2 : Sa isang bahay, bahay ni Cinderella

(lights on)

Cindirella : (nag-aayos ng bahay st kumakanta ng “A dream is a wish your heart makes” … nang biglang may kumatok…malakas na katok)
A Dream is a Wish your Heart Makes
A dream is a wish your heart makes, when your fast asleep
In dreams you will lose your heartaches, whatever you wish for you keep
Have faith in your dreams and someday, your rainbow will come smiling trough
No matter how your heart is grieveing, if you keep on believing
The dream that you wish will come true….

Prinsipe Cris : (sigaw) Tao po! Tao po! Tao po!
Basti : (sigaw) Makikikain po! Tao po! Tao po!
Cindi : (bubuksan ang pinto) Ano pong kailangan nila?
Prinsipe Cris : (hinihingal) Kami’y mga manlalakbay at pagod na pagod, kung maaari sana ay dito kami’y magpahinga?
Cindirella : (masaya at papasukin sila) Ikinalulugod ko po! Kayo po’y pumasok at maupo at ikukuha ko po kayo ng maiinom. (aalis)
Basti : Miss pwede coke? Salamat ha! (pagkaupo nila ay igagala ang paningin sa paligid)
Prinsipe Cris : (kakalabitin si Basti) Basti , Basti napansin mo ba? Ang laki ng bahay nila, napaka-malumanay nyang kumilos… parang isa syang… isa syang prinsesa (pabulong ngunit malaks pa rin)
Basti : (gulat) Prinsesa? Naka-unifrom na nga ng katulong, prinsesa? (hindi makapaniwala)
Prinsipe Cris : (mapilit) Hindi iba talaga ang pakiramdam ko baka baka sya na nga ang hinahanap ko (tatayo at tila mananaginip na naman na hawak ang dibdib)
Basti : Ala grabeh! Unang babaeng nakita eh na inlove na.
Cindirella : (papasok na may dalawang coke na dala) O, eto na! Pasensya na kayo ay yan lang ang maiibigay ko.
Prinsipe Cris : (uupo ulit at tatanggapin ang inumin) Ok lang yun, Binibini (pause)…
Cindirella : Cindirella, Cindirella ang pangalan ko.
Prinsipe Cris : Ako si Prinsipe cris at ito si Basti (tumayo muli at nakipag-kamay)
Basti : he… (magsasalita sana ngunit inunahan na siya ni Cris).
Prinsipe Cris : (mayabang) Nabanggit ko kaninang kami’y mga manlalakbay, naglakbay kami pagkat mayroon akong hinahanap (pause)…
Cindirella : Ano yon?
Prinsipe Cris : (bantulot pa daw) Ikaw! (pause) Ang babae sa aking panaginip, ang prinsesa ng buhay ko (parang nagdedeadma sa reaksyon)
Cindirella : (gulat at napapailing) Prinsesa? Ngunit ginoo, kayo’y nagkamali, nakikita nyo namang ako’y isang hamak na chimi-aa, at kailanman ay di maaring maging prinsesa. Isa pa, ako’y may step mother at step sisters.(pause) … Papatayin nila ako kapag nalaman nilang ako’y nagpapasok ng estranghero…(pause)
Prinsipe Cris : (lalapitan si Cindirella atnahawakan sa balikat) Gano’n ba? Ngunit kung iyong mamarapatin, nais ko sanang ikaw ay isama sa aking kaharian upang kailanman ay di ka na muling maghihirap pa…
Margarita and Elizabeth : (papasok ng basta-basta at di mapapansin si Cris at galit kay Cindirella) Cindirella! Cindirella! Ano ba naman at di mo pinalantsahan ang damit namin?
Margarita : Ni hindi mo nilabhan ang aking magandang roba! Ano na ngayon ang isusuot ko mamayang gabi?
Elizabeth : At bakit kanina ka pa namin tinatawag eh hindi ka sumasagot?
Cindirella : Ate Margarita, ate Elizabeth…
Margarita : Aba! May bisita pala tayo?
Elizabeth : Oo nga! At mukhang iginagalang?
Margarita : bakit naman dito sa kusina mo kinakausap ang atong mga bisita Cindirella? Bakit hindi mo papasukin sa loob nang makilala naman sila ng ating butihing ina?
Prinsipe Cris : Hindi na kailangan mga binibini..
Margarita : Margarita… at ito ang aking kapatid na si Elizabeth
Prinsipe Cris : Ikinagagalak ko kayong makilala… ako si Prinsipe Cris ng Kaharian ng Pili at ito si Basti. Nais ko lamang sanang makahingi ng pahintulot na kung maaaria ya makausap ko nang sarilinan ang inyong bunsong kapatid na so Cindirella?
Cindirella ; wala na tayong dapat pang pag-usapan mahal na prinsipe. Kung maaari sana’y umalis na kayo!
Elizabeth : Cindirella!Cindirella! hindi ganyan ang tamang pagtrato sa mga bisista! Lalo na sa isang maginoong prinsipeng tulad ni Cris!
Margarita ; Oo nga Cindirella! Ang mangyari ay anyayahan natin ang ating mga bisitang umakyat sa sala nang sila ay makapagpahinga ng mabuti… mauuna na kami doon at ihahanda namin ang kanilang uupuan. Asikasuhin mo muna sila Cindirella…
Aaaahh, Cris…hihintayin ka namin sa sala ha? (aalis silang nakataas ang kilay kay Cindirella)
Cindirella : Naku! Naku! Umalis na po kayo mahal na ptrinsipe, siguradong mapapahamak na naman ako kapag nagtagal pa kayo rito pleasee?! (kinukuha ang mga gamit at natarantang pinaalis ang mga ito)
Prinsipe Cris : Ngunit!? (nakatayo pa rin at itinutulak na ni Cindirella)
Basti Boss tara na, tumanggi e! wala ka nang magagawa…. (nasa pintuan na at dala pa rin ang coke)
Prinsipe Cris : Cindirella… tanggapin mo sana ito. Ito ang aking calling card. Kung kailangan mo ng tulong,o kapag malungkot ka at kailangan mo ng kausap, hwag kang magdadalawang isip na ako’y puntahan o tawagan. Ako’y laging andito para sa iyo. (iaabot ang card, pause, magtitinginan)
Cindirella : (pause) Maraming salamat! Paalam! Pagpalain ka sana sa iyong paghahanap…paalam!!!!
Prinsipe Cris : Paalam!
Basti : Bye! (isinara na ni Cindirella ang pintuan at hangos na pumunta ito sa sala)
(lights off)
(spotlight on the storyteller)

Storyteller : Hay naku! Kawawang Cinderella, dapat bang mag-paalipin siya sa kanyang madrasta na kinamumuhian siya? Pati tuloy ang butihing Prinsipe ay nalulungkot sa kanyang kinasapitan…Tsk,tsk, tsk…nagpatuloy ngayon ang Prinsipe at si Basti sa kanilang paglalakbay, nang mapadaan sila sa kagubatan.

Scene 3 : Sa kagubatan

(lights on)

Pocahontas : (kumakanta ng “Colors of the Wind” ng may isang leon na humahangos)
Colors of the Wind
Pocahontas: You think you own whatever land you land on, the earth is just a dead thing you can claim ,But I know every rock and tree and creature, has a life, has a spirit, has a name
You think the only people who are people, are the people who look and think like you but if you walk the footsteps of a stranger you’ll learn things you never knew,
You never knew…

Lioness : (growls… tapos maririnig iyon ni Pocahontas, lalapit ngayon si Pocahontas sa kanya upang siya ay tulungan. Matatakot siya at uungol ng parang nagmamaka-awa)
Pocahontas : Ssssshhhh…(tinatangkang amuin ang hayop) huwag kang matakot, isa akong kaibigan… ano bang nangyari sa iyo? Bakit?
Lioness : (ipapakita ang dumudugong paa, umuungol) Growwwlll!!!
Pocahontas : Mahabaging langit! Natamaan ka ng pana! Marahil ay may pumasok na naman dito sa lupaing aming nasasakupan kung kaya’t nagawa ka nilang tamaan…(galit) kung sino man sila, magbabayad sila!!!
( kukunin ang tali sa ulo at siyang ibabalot sa sugat at saka aakayain ang Leon na umalis na at magtago upang hindi na siya maabutan ng mga mangangaso.)
O ayan, madali naang gagaling ang sugat mo. Sige, magmamadali ka na at magtago, magpahinga ka ng mabuti. Huwag kang mag-alala hindi ka na masusundan ng mga humahabol sa yo! Sige!
Lioness : (tatango at didilaan si Pocahontas bilang pasasalamat, tsaka aalis)

( papasok si Prinsipe Cris at mararamdaman ito ni Pocahontas, magpapa ulan ng sibat ang pana)

Pocahontas : Sino yan?
Prinsipe Cris : (lalabas na nakataas ang kamay) Paumanhin binibini! Kami’y manlalakbay at tila yata kami’y nawawala. Maari mo bang sa amin ituro, ang daan patungo ng bayan? At kung maari pa rin ay ibaba mo sana ang iyong sandata, at baka mangati ang kamay mo’t mabitawan mo ito…
Pocahontas : Ibababa ko lamang ito kung kayo ay magpapakilala! At inyong ilabas ang anumang armas na inyong ginamit sa pagtira sa isang lioness dito sa aming gubat! This is private property, you know?!
Basti : Sandali ano ka ba? Basta ka na lang namimintang, wala ka namang pruweba, pano mo mapaptunayan na kami ang tumira sa Leon? Aber, anong ebidensiya mo? Kailangan sufficient ang mga evidences mo para hatulan mo kami ng kamatayan! (galit)
Pocahontas : (lalong iuumang ni Pocahontas ang pana kay Basti) Ganun ba?
Prinsipe Cris : (haharang sa gitna nang nag-aaway nang Basti at Pocahontas) Teka, teka, Sandali!Hayaan mo muna kaming magpaliwanag. Ako si Prinsipe Cris ng kaharian ng Pili at ito naman si Basti, kami’y nasa isang paglalakbay, at wala sa iskedyul namin ang manghuli at pumatay ng Leon, ok? So, kung puwede ba… pakibaba na lang yang hawak mo? Maaari mo kaming mapatay diyan sa hawak mo a? e di wala ng bida!
Pocahontas : (ibaba na ang hawak na pana) Paumanhin… kayo kasi ay mga bago ang mukha dito, at ang inyong mga suot ay para kayong mga mangangaso, hindi kayo pagkakamalang prinsipe diyan sa ayos niyo! At kanina lamang ay may nakita akong sugatang Leon, nais ko sanang hulihin at dalhin sa aming Supreme Court ang mga may-sala!
Prinsipe Cris : Hindi mo kami maaring dalhin…labag sa batas ang gagawin mo…
Basti : Oo! Maaari ka naming kasuhan ng illegal arrest, o arrest without warrant!
Pocahontas : (mahinahon) Okay…I’m sorry. Ang pangalan ko ay Pocahontas mula sa tribo ng kero-keroppi! Naatasan kasi akong magbantay dito sa kagubatan ng ama kong Chief, at isa pa… mayroon rin akong hinahanap…
Prinsipe Cris : Ano yun Pocahontas? Maari ko bang malaman? Malay mo, matutulungan pa kita…
Pocahontas : Pag-ibig…ang nawala kong pag-ibig…(malungkot) Nagsumpaan kaming hindi kailanman kami magwawalay. Saksi ang langit, ang lupa, ang bituin, ang isda at ang mga kahoy ma ‘yan!At dito, dito kami magkikita upang muli naming pagitbayin ang aming pag-iibigan…
Prinsipe Cris : Naiintindihan ko…ngunit tila yata hindi na siya darating.Halos pababa na ang araw…hindi yata isang gawain ng magandang babae ang maglagi sa gubat ng nag-iisa at pagabi na. Iminumungkahi kong kayo ay umuwi na …(pause) Isa pa, maaari mi bang ituro ang daan papunta sa bayan, sapagkat kami ng aking kasama ay nawawala na… please?
Pocahontas : (iiling-iling at titingin sa malayo) Patawad! Ngunit yan ay hindi ko magagawa! Nangako akong maghihintay, kahit, kahit…basta kahit ano! Sige ihahatid ko kayo sa labasan…mag-iingat sana kayo.
Prinsipe Cris : (parang wala ng pag-asa) Salamat…Tila yata desididong desidido ka na. Marahil ay ganyan nga talaga (tatalikod). Sige, ako’y mag- iiwan na lang ako ng calling card, para sakaling kailangan mo’ko o bored ka na text mo na lang ako.
Pocahontas : (titingin kay Cris) May email add ka ba?
Prinsipe Cris : Ah oo, meron, kung gusto mo minsan chat tayo.
Pocahontas : Sige ba! (binabasa ang card)
Basti : Pa’no alis na tayo? (hahakutin ang gamit at handa nang umalis)
Prinsipe Cris : (one last look) Sige mahal na prinsesa, paalam na.
Pocahontas : (one last look) Paalam mag- ingat sana kayo! (tinginan, unang iiwas si Pocahontas, alis na sina Cris)
(may hahabol na babaeng magtatanong kina Prinsipe Cris at Basti nang daan patungong bayan, ito si Red Riding Hood)
Red Riding Hood : Sandali mga ginoo, maaari niyo po bang ituro sa akin ang daan patungong bayan? Kailangan ko kasing pumunta sa baha ng lola ko at tila yata nawawala na ako!
Prinsipe Cris : Papunta na kami ngayon doon, kung gusto mo ay sumabay ka na sa amin. Siyanga pala, ano ang iyong pangalan at tila yata nakadamit circus ka?
Red Riding Hood : Ako po si little Red Riding Hood, pero ang palayaw ko po ay Rose, short for Rosalinda! Ayyy amor! Ay amor!
Basti : Siyanga? O sige tara na!
Red Riding hood : Maraming salamat! Vamos!


(lights off)
(spotlight to the storyteeller)
Storyteller : Pangalawang beses ng na turn down ang prinsipe. Pano bayan? Di bale, marami pa naman! Itinuro nga ni Pocahontas ang bayan, at doon ay nakipagsapalaran ang prinsipe at ang kanyang dakilang alalay.

Scene 4 : Pamilihang bayan ng Mani

(lights on)
(Magbubukas ng maraming tao)

Little Red Riding Hood : (makikipagkamay) Maraming Salamat sa inyong pagdala sa akin dito! Dito na lang ako magtatanong ulit kung saan ba talaga ang daan. Hamo, pag nadala ko na ito sa lola ko, dadalhan rin kita sa inyong palasyo, sige…maraming salamat ulit.(alis na pero maglilibot-libot pa rin sa
Basti : (gulat na gulat at lilinga-linga) Boss, andaming tao! Andaming chicks!
Prinsipe Cris : (gulat din) Oo nga! Nakakatuwa silang pagmasdan! ( may babaeng humahangos at madadapa sa harapan nila) ooops muntk na! (sasaluhin ni Cris)
Jasmine : (tatayo) Salamat ginoo! (magpupunas sa sarili)
Prinsipe Cris : Walang anuman yon, binibining? (inalalayan pa rin ang babae)
Jasmine : Prinsesa, Prinsesa Jasmine ng Arabia.
Prinsipe Cris : Ako naman si Prinsipe cris, ikinagagalak ko kayong makilala. (iaabot ang kamay)
Jasmine : Ako man (aabutin at ngingiti)
Prinsipe Cris : (inquiring tone) Saan ang iyong punta? Tila yata kayo’y nagmamadali kaya kayo nadapa!
Jasmine : May hinahanap akong isang napaka-importanteng bagay, para sa king magiging (pause) asawa…
Prinsipe Cris : (gulat) Asawa?
Jasmine : (tango) Oo, ang lamparang nabenta ko non. Hindi kami maaaring magpakasal hanggat hindi ko iyon nailalabas. (uupo sa bench)
Prinsipe Cris : Ganon ba? (mag-iisip) Kung gusto mo sa akin ka na lang magpakasal, hindi mo na kailangan ng lampara para ako’y pakasalan mo pagkat ( aawit ng a whole new world, duet sila ni jasmine)
A Whole New World
P.Cris: I can show you the world, shining shimmering, splendid…tell me Princess now when did you last let your heart decide?
Jasmine: I can open your eyes, take you wonder by wonder, over sideways and under, on a magic carpet ride.
Both: A whole new world, A new fantastic point of view
P.Cris: No one to tell us no, or where to go, or say we’re only dreaming
Both: A whole new world
Jasmine: A dazzling place I never knew, but now from way up here it’s crystal clear, that now I’m in a whole new world with you.
Brideg part
Jasmine: A whole new wolrd
P.Cris: Every turn a surprise
Jasmine: With new Horizon’s to pursue
P.Cris: Every moment, it gets better
Both: We’ll chase them anywhere, there’s time to spare.
Let me share this whole new world with you…
Fadeaway A whole new world
That’s we’re will be
A thrilling chase
P.Cris: A wondrous place
Both: For you and me…


Jasmine : (aburido pa rin) Hindi talaga maaari, hihintayin ako ni Aladdin. Sige, saka na tayo magusap pag nagkita tayong muli. (aalis na nang pigilan ni Cris sa kamay)
Prinsipe Cris : (lungkot tone) Jasmine! Oh Jasmine! Dalhin mo sana ito, itong aking calling card, pag nagbagong isip mo. Puntahan mo’ko! (iaabot ang card)
Jasmine : (tatanggapin) Salamat! Paalam! (alis na tumatakbo, manlulumo si Cris)
(aalis na si Jasmine, naglalakad pa rin ang dalawa at mapapaupo sa bangko doon may isang babae)

lights off
spotlight to storyteller

Storyteller: Samantala sa palasyo ay alalang alala naman ang mga magulang ni Cris


Scene 5
Lights on

Queen Latifah : Anong araw na ngayon? Bakit wala pa ang anak ko? Baka kung ano na ang nagyari sa kanila! Hindi ko matatanggap kung may nangyari sa anak ko!! Huhuhuhu!!
King Raf : Mahal kong Reyna, huwag kang masyadong mag-alala! Hindi naman siguro ipapahintulot ng Bathala na may mangyayayri sa kaisa-isang tagapagmana ng trono! Pagtibayin mo sana ang iyong kalooban…sa kanyang pag-uwi, maaaring dala na niya ang babaeng kanyang pakakasalan!
Queen Latifah : Ngunit.. bakit hindi pa siya sumusulat? Kahit tumawag o mag-email? O kahit I-text na lang niya tayo? Masayado ba siyang busy para tawagan ang sarili niyang mga magulang?
King Raf : Ipagdasal na lang natin na walang masamang nangyari sa kanila ni Basti… angels! Halikayo! Pati na rin ikaw Inday! Magdasal tayong lahat!
(lalapit ang mga tinawag at sila ay magadaasal nga)
lights off
spotlight to storyteller

Storyteller : Kawawa naman si Queen Latifah.. Sige balik tayo sa adventure ni Prinsipe Cris. Si Jasmine nga uy humangos na umalis dahil nga hinanap pa niya ang lamapra, malungkot ang Prinsipe kung kaya’t pinapasaya siya ni Basti.
Scene 6
Lights on

Basti :(concern ang tinig) Boss, okay lang yan.. alam mo hindi naman kasi lagging oo ang natatanggap ng lahat ng tao, syempre may sad moments din… boss? Boss? (mauuna na kakaknta si Megara tapos kaya hinahanap ni Basti sa Cris ay dahil nakatayo na ito sa kabilang dulo at kumakanta na rin, iiling-iiling na lang si Basti na maglilibot sa palengke)
(kakanta ng “Go the Distance Duet, pagkatapos uupo sa tabi ng babae)

Go the Distance
Megara: I have often dreamed, of a far-off place, where a heroes welcome,
would be waiting for me.
P.Cris: Where the crowds will cheer, when they see my face
And a voice keeps saying, this is where I’m meant to be
Both: I’ll be there someday… I can go the distance
I will find my way, if I can be strong
I know every mile, will be worth my while
When I go the distance I’ll be right where I belong…


Prinsipe Cris : (inquiring tone). Tila may dinaramdam ka ring kagaya ko?
Megara : (malungkot) Oo… ako’y naging bihag ng diyos ng kamatayn, at ngayon-ngayon lang ako nakatakas.
Prinsipe Cris : (gulat) Eh, ano nang ginagawa mo dito?
Megara : Hinihintay ko yung sundo ko, si Hercules, nagpasabi kasi syang parating na sya, eh!
Prinsipe Cris : (satisfied na sa sagot at relax na sa bench) Ah… ako, ako’y isang manlalakbay na naghahanap, naghihintay ring kagaya mo sa darating na tamang babaeng siyang karapat-dapat kong pakasalan…syanga pala; Cris, ikaw?
Megara : Megara, (ngiti) (pause)(may makakaita sa kanya)
Persephone : (mapapalingon dahil narinig ang boses ni Megara) Megara?! Megara?! Ikaw nga! Kaytagal na natting hindi nagkita!
Megara : Persephone!!! Persephone!! Ikaw pala! Anong ginagawa mo dito? Bakit parang blooming ka yata?
Persephone : Nagsa-shopping ako kasi ikakasal na ko next week!
Megara : Talaga?! Kanino?!
Persephone : A.. eh.. secret, kasi hindi ko pa siya kilala… ah, sige e ano nga palang ginagawa mo rito?
Megara : Hinihintay ko si Hercules.. kilala mo siya di ba? Susunduin niya ako e.
Persephone : Hercules?? Susunduin kaniya?
Megara : Bakit tila yata gulat na gulat ka? Matagal nang kaalaman na kami ni Hercules ay magkasintahan!
Persephone : Sige Megara… Mauuna na ko… ciao!
Prinsipe Cris : Sino yun? Hindi mo man lang ako ipinakilala.. saying, may itsura pa naman.!
Megara : Hiwag mo na siyang pag=isispan pa ng masama dahlia ikakasal na siya. O sige balik tayo sa ating usapan… where were we?
Prinsipe Cris : Doon sa Megara!
Megara : Ahhh!!.. o sige…/ Megara, my friends call me Meg!
Prinsipe Cris : Megara? Ang gandang pangalan ha? Unique! alam mo (pause) kahit malayo na ang aking nalakbay at marami na akong nakilala, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na makikita ko rin ang babae sa aking panaginip. Tulad mo, hanggang kailan mo balak hintayin si Hercules?
Megara : Hanggang kaya ko.
Prinsipe Cris : Yan ang alam kong pag-ibig!nagtitiis, naghihintay…ngunit kapag hindi mo sya mahintay, maaari kang dumiretso sa aming kaharian, masaya don ito ang aking address… (iaabot ang card)
Megara : (kukunin) Salamat cris, napakbuti mo, papatnubayan ka ng diyos sa inyong kabutihan.
Prinsipe Cris : Salamat (ngiti)
Basti : (humahangos) Boss! boss! Halika dali! Madali ka!

(papasok ang mananayaw, at matitigilan ang lahat at mapanood lang.)

Prinsipe Cris : (pumapalakpak) Ang sexy!
Esmeralda : Salamat po! Salamat po! (aalis pero….)
Prinsipe Cris : (sigaw at hinahabol si Esmeralda) Binibini! Binibini! Sandali lang Binibini!
Esmeralda : Bakit po ginoo? May kailangan kayo? O baka gusto nyong mag- sponsor sa show namin?
Prinsipe Cris : (luwa ang mmga mata) Oo! Oo! Sumama ka lang sa akin, pakasal ka sa akin. Ako nga pala si Cris, ikaw?
Esmeralda : (sayaw muna) Esmeralda!
Prinsipe Cris : (sayaw muna) Esmeralda! Napakaganda…(pause)… ano? Sumama ka na sa akin! Higit pa rito ang makukuha mo! Ibibigay ko sayo ang lahat, pera, house and lot, ginto, pagmamahal.
Dancer1 : Oy Esmeralda, ano yan DOM? (tawa silang lahat)
Esmeralda : (tawa) Ewan , baliw yata to eh.
Prinsipe Cris : Oo baliw ako, baliw ako sa alindog mo. (naglalaway na sa kakatingin)
Esmeralda : Bastos! ( sampal) um manyak!
( kasama ng apat na mananayaw ni Esmeralda si Basti ay nag-papacute)
Basti : (naka-akap sa isa sa mga babae) Ladies, ladies, pasensya na kayo sa boss ko hah? Desperado na kasi eh. Pero kung gusto nyo akong ma-kontak, itong calling card ko, at Esmeralda ito naman sa boss ko. Actually pareho lang yan, pero kulay pink kasi yan, kaya mas maganda yun sa kin green, cheap. (pause)
Esmeralda : (aabutin) Salamat, sige papunta pa kami ng Broadway, eh, d ba girls?
Girls : (chorus) Siyempre naman! Sosyal na kami! For Broadway na ang talent namin hindi private performance. Pangit!!!
Dancer2 : Oh sige pogi (Basti) alis na kami, call me ha?
Basti : Oo, hwag kang mag-alala. At Esmeralda, pagisipan mo sanang alok ng boss ko.
Prinsipe Cris : (naglalaway pa rin) Oo, Esmeralda, pag isipan mo… para naman may makasayaw na ko gabi gabi!
Esmeralda : (pause) Sige, sinabi mo eh!
Girls : (kaway) Bye basti!
Basti : Bye (aalis na grupo ni Esmeralda)
(babalik sa upuan ang dalawa, malungkot si Cris at di mapakali si Basti)
Prinsipe Cris : Hay naku! Ano bang gagawin ko? Parang sinusundan na ako ng malas. O di kaya’y para akong sinumpa. Feeling ko tuloy parang outcast.
Basti : (ina-alo si Cris) Mahal na prinsipe, wala pa naman po tayo sa kalagitnaan ng ating paglalakbay. Marami pa pong darating. Maghintay – hintay po muna tayo dito, at may darating din tulog muna tayo…(pause) (pagkalipas ng ilang oras )
(Belle papasok at kakanta ng “Belle”) (kumakanta habang naglalakad)
Belle
Little town, it’s a quiet village
Everyday, like the one before
Little town, full of little people
Waking up to say …

Pssby1 : Magandang umaga Belle!
Belle : Magandang umaga rin po!
Vendor1 : Masaya ka yata?
Belle : Maliwanag kasi ang araw.
Pssby2 : Saan ang punta mo?
Belle : Dyan sa may tindahan, ako’y may bibilhin. Sige!
Basti : (yuyugyugin) Boss! Boss! Gising! Babae o ! ganda!
Prinsipe Cris : (tingin pero kunyaring ala lang) Asan?Asan?Asan?
Basti : Ayan o! yung may dalang basket…ganda no?
Prinsipe Cris : Oo nga! (supersmile)
Basti : Kaya nga boss puntahan mo na! (itutulak si Cris)
P cris : Oo! Tama ka! Sige pupuntahan ko na.
Basti : Boss sandali mag double mint ka muna! (ibibigay ang gum)
Belle : (ituturo) Pabili nga po nito. Magkano po sya.
Vendor2 : 500 plus vat
Belle : (gulat) 500 isang kalabasa lang?! 500.00
Vendor2 : Oo naman, kasi ang taas- taas na ng dolyar eh!
Belle : (inis) Pambihira sa iba nga ako bibili! (itatago ang pitaka saka mahuhulog ito)
Prnsipe Cris : (makikita ang pitaka at saka kukunin) Binibini ang iyong ingat yaman ay nalaglag!
Belle : Ay! Salamat! Maraming salamat ginoo
Prinsipe Cris : Walang anuman, ikinalulugod. Ko … (bow pa siya)
Belle : Sige, paalam na ginoo.
Prinsipe Cris : Cris, Cris na lamang magandang binibini!
Belle : Ako’y si Belle, ikinagagalak ko po kayong makilala Cris. Ako na’y magpapaalam, magandang araw…
Prinsipe Cris : Sandali! Belle! … ah… nais ko sanang humingi ng pabor.
Belle : Ano yon?
Prinsipe Cris : Kasi, isa akong taga-ibang lugar, ngayon lang kami nakarating dito, at nais ko sanang magpasama sa isang magandang restawran.
Belle : Oo ba! Sige tara na!
Basti : Boss san kayo punta?
Prinsipe Cris : Kain sama ka?
Basti : Siyempre naman.
Prinsipe Cris : Belle ito nga pala si Basti- alalay ko.
Belle : Kumusta!
Basti : Salamat! (aalis na ang tatlo na masaya)

(lights off)
(spotlight to the storyteller)
Storyteller : Dahil sa maganda ang kalooban at hangarin ni Prinsipe Cris. Natutuhan na rin syang mahalin ni Belle. Sila’y naging magkasintahan at masayang- masaya. Pati nga si Basti eh, masayang masaya. Hay, salamat naman… pero may isa pang problema, hindi pa nasasabi ni Prinsipe Cris na sya’y pakasalan at ayaing tumira sa kanilang kaharian. Ito na nga ang pagkakataon.

Scene 7 : Sa bayan
(magtatagpo si Cris at Belle, Mauuna sa tagpuan si Cris at nahuli si Belle ngunit bago nakarating sa tagpuan, ay hinarang ng isang matanda)
(lights on)

Oldlady : Ineng, ikaw ba si Belle? Ang anak ni Maurice na baliw?
Belle : Opo bakit po?
Oldlady : Hah … maganda? (sarili) mas maganda ako!
Belle : ano yun?
Oldlady : Ipinabibigay ng amo ko itong message niya, nag-text siya eh!
Belle : Sinong amo? At bakit? Tungkol saan?
Oldlady : Ang ama mo ay bihag ng aking among halimaw sa kanyang palasyo. Kung mahal mo ang iyong ama, tutubusin mo sya ng iyong buhay.
Belle : Ano! Bakit? Kailan pa? Mahabaging langit!
Oldlady : Basahin mo na lang yung text…. (tawa)
Belle : Mama mia! Bukas na ang taning ng aking pangtubos. Pano ba ito? (pause) Ama, parating na ako….

Ipapatugtog ang score ng Beauty and the Beast

Prinsipe Cris : (makikita si Belle) Belle! Belle Saan ka pupunta? Dito! Dito!- bakit ka malungkot?
Belle : May sasabihin sana ako sa’yo (pause… uupo si Belle sa bangko)
Prinsipe Cris : (tatakpan ang bibig ni Belle) Hindi… sandali lang. May sasabihin din ako sayo. Ok lang ba kung ako na lang ang mauna? (pause, tatayo at maglalakad-lakad) Sige… kasi belle, medyo matagal na rin tayo, di ba? Napag-isip isip ko lang , na sana… na sana, pumayag kang pakasal na tayo… (sabay luhod sa harapan ni Belle)
Belle : (gulat) Cris….?!!!
Prinsipe Cris : (kukunin ang kamay) Sandali… mahal na mahal kita at alam kong alam mo yan!
Belle : Mahal na mahal din kita…. Ngunit…
Prinsipe Cris : Bakit may ngunit? Kung mahal mo ako bat may ngunit? (tatayo at parang galit, titingin sa kawalan)
Belle : (paiyak na) Cris… mahirap ipaliwanag… (tatayo na din, nakatalikod si Cris sa kanya
Prinsipe Cris : (lilingon) Ipaliwanag mo at makikinig ako.
Belle : (uupo at iiyak na) Ang aking ama (pause)… kailangan ko syang iligtas… kailangan ko nang umalis ngayon. (tatayo ngunit luluhod muli sa harapan niya si Cris)
Prinsipe Cris : Hayaan mo’t tutulungan kita! Marami kaming kawal, tatlo! Ililigtas nating ang iyong ama!
Belle : (tatayo na) Di maaari ! hawak sya ng isang halimaw! Mahirap Cris! Ayaw kitnag mapahamak at isa pa… hindi pa ako sigurado sa sitwasyon, kailangan ko nang umalis!…. (iyak na tatayo)
Prinsipe Cris : (naguguluhan) Belle ano ang iyong sinsabi? (yayakapin niya si Belle na umiiyak na)
Belle : This is good bye (alis na)
Prinsipe Cris : Belle! Belle! (nakatayo lang at nang wala na si Belle ay naupo sa bench at nag-isip)

(spotlight to the storyteller)

Storyteller : Nalungkot ang prinsipe, akala nya , si Belle na ang babae sa kanyang panaginip. Hindi pala! Ngunit, wari ba’y never giving up ang spirit nya… nagdesisyon syang sundan si Belle, at iligtas ang kanyang ama. Hinanap nya si Basti,ngunit di nya ito makita,kaya nga makakita sya ng isang matanda ay nagtanong sya kung nasaan ang kaharian ng halimaw.

Oldlady : (itutro) Doon amang! Sa bandang kanan, pagpasok mo doon sy may isang gubat, lumiko ka ng kaliwa sa kanto, tapos may jeep dun, nakalagay Malacañang, sumakay ka at dadalhin ka na non sa halimaw.
Prinsipe Cris : Salamat po, Inkong, salamat: (aalis na, pasok sa pintuan)

(lights off)
(spotlight to the storyteller)

Storyteller : Naglakbay nga ang prinsipe, sumakay nga sya ng Jeep na may sign board na Malacanang. Ngunit, parang nawawala yata ang ating prinsipe! Kasi hindi halimaw ang kanyang nakita, kundi - ah basta tignan nyo lang na lang. Tsaka, wala ba kayong nahahalata? Agaw eksena yung matandang nakasutana ah! Ano kaya ang pakay non? Kanina pa yon labas ng labas. At ang tawa, pamilyar, parang si…

Scene 8 : Sa isang kaharian

(lights on)

(lalabas si Prinsipe Cris sa pintuan at matatambad sa kanya ang isang kahariang, tulog lahat ng tao, pero bago yon naunahan sya ng oldlady at nag-sprinkle sya ng sleeping glitters sa lahat.)

Oldlady : (tawa) Hindi kayo magigising kahit na sino ang dumating at halikan ka. (tawa) umm (think) magigising ka pero apter 24 hours pa… yan! Pero wala na syang pag asa… (tawa) grabe… ( may kaluskos)… ay may tao! Baka sya na nga …(tawa) hihhihi!!!
Ipapatugtog ang I’m Kissing you

Prinsipe Cris : (papasok) Tao po! Tao po! Magandang gabi May bisita po kayo! (think) Bakit ganito? Anong nangyari? Tulog lahat ng tao….isang prinsesa… napakaganda! At parang – patay na bato? ( gagalawin ang Prinsesa) hindi, tulog lang. (makikita nag signboard) “Kiss me and I will wake up”. (hahalikan nya… ngunit hindi magigising… maglulupasay sya at mag-eemote). .. Bakit? Sabi naman Kiss me and I will wake up, tapos di naman bumangon! Ano ba yan? Parang may sumusunod na malas sa akin… etc… (aalis na sya ngunit may nahulog na calling card sa sahig.)
Aurora : (magigising at tila mananaginip) hay!kay gandang panaginip! May prinsipe raw na dumating at ako’y hinahalikan, dito… dito… dito haay! ( makikita ang nahulog na calling card ) Ano ito? Calling card? Cris, Pili Palace, #1600 Pennsylvania St. Washington, Philippines… email? Phone? Pager ? – aba! Eh diyata’t totoo ang aking panaginip? Totoong may dumating ngang prinsipe at ako’y iniligtas mula sa mahimbing kong pagkakatulog! Hahanapin ko sya upang ako’y magpasalamat, at ___ , ummm alam nyo?! Yun! Hoy hoy!! Magising na kayo at wala na ang sumpa! (magigising lahat at aalis sa stage)

(lights off)
(spotlight ot the storyteller)

Storyteller : Ay ano ba yan! Oo nga pala ,no after 24 hours pa pala sya magigising sayang si prinsipe Cris, kung saan naghintay sya ng medyo matagal – tagal eh di nagkita sila ng prinsesa Aurora! Tsk tsk! Nasan na kaya si P cris? Baka naman, nagpakamatay na yon? Ah hinde… Ngunit, nakakaawa ang prinsipe, sino kaya ang makakatuluyan nya?

Scene 9 : Sa gubat

(lights on)

(papasok at kumakanta ng “Somday My Prince Will Come,” may oldlady na namang andoon at inaappreciate ang kanta nya)
Someday my Prince will come/I’m Wishing
Snowhite: Someday my prince will come, someday we’ll meet again
And away to his castle we fly, to be happy forever I know

Oldlady : Ang ganda ng iyong awitin Ineng. Maari mo ba kong pagbigyan ng isa pa?
Snowhite : Aba opo ! (kakanta)
I’m Wishin
I’m wishing, for the one I love
To find me, today….hahahaha….

Oldlady : Maraming salamt iha. Bilang pasasalamat ko ay tanggapin mo ang manggang ito. Pasensya na kung ito lang ang maibibigay ko, pero masarap yan, matamis at makatas, masustansya at pampalakas.
Snowhite : Maraming salamat po!
Oldlady : Sige iha kainin mo na!
Snowhite : Mamaya na lang po, itatabi ko na lang para mamaya eh may makain.
Oldlady : Hwag! Ibig kong sabihin ay… sana ngayon mo na kainin, dahil baka masira yan mamaya.
Snowhite : Ngunit hindi pa ako gutom, ilagay ko na lang sa ref para hindi masira.
Oldlady : Hindeh! Ibig kong sabihin ay… sana ngayon mo na kainin, sa aking harapan dahil magiging masaya ako kapag ginawa mo yon.
Snowhite : Sige po! Sinabe nyo eh! (kakagatin ang mangga, biglang sisigaw si Prinsipe Cris at aalis ang oldlady)
Prinsipe Cris : Binibin! Binibini! (mabibilaukan si Snowhite at bubugbugin ni Prinsipe Cris para lumabas ang mangga.)
Snowhite : (pagod) Hay! Salamat, salamat ginoo!
Prinsipe Cris : Mabuti na lang at naabutan ko kayo, nakita ko kasi sa gubat ang matandang kasama nyo kanina na tinuturok at tila kinukulam nya ang manggang hawak mo. Kaya sinundan ko sya at dito nga’ko dinala ng mga mata ko.
Snowhite : Salamat sayong pagmamalasakit, ginoo! Utang ko marahil sa iyo ang buhay ko… salamat! Maaari ko bang malaman kung ano ang kanilang panagalan upang kayo ay aking pormal na mapasalamatan?
Prinsipe Cris : (ibigay ang calling card) Heto o! basahin mo na lang.
Snowhite : Cris, isa ka palang prinsipe, ako nga pala si Snow white, prinsesa ng mga duwende.
Prinsipe Cris : Ikinagagalak ko po kayong makilala.
Snowhite : Ako rin! At mula sa aking amang hari, mga kaibigang duwende, at sa akin…Maraming Salamat!
Prinsipe Cris : Okay lang yun! Ito naman o! So, saan na ngayon ang punta nyo, prinsesa Snow white?
Snowhite : Sa ngayon, uuwi muna ako sa mga kaibigan kong duwende at pagkatapos ay maaaring lusubin ko ang walang hiya kong evil step mom – sya marahil ang nagpadala ng manggang may kulam.
Prinsipe Cris : Sino ang inyong kasama?
Snowhite : Ako at sina jolly , sneezy, sleepy,____, ____ at casper!
Prinsipe Cris : Kung inyong mamarapatin, nais kong maghandog ng tulong. Maraming kaming kawal, tatlo!!
Snowhite : Salamat na lamang! Ngunit kailangang ako mismo ang tumalo sa babaeng yon. Paalam na mahal na Prinsipe, hangang sa muling pagkikita! (aalis na)
Prinsipe Cris : Pero snow white??? (stretch hand for something)
Snowhite : Sapat na ang iligtas mo ang buhay ko, ang pagliligtas aming kaharian ay aking obligasyon bilang Prinsesa…salamat na lamang, mag-iingat ka sana sa iyong paglalakbay at mahanap mo sana ang iyong gusting makita.
(lights off)
(spotlight to the storyteller)

Storyteller : Umalis na nga si snow white habang naiwan na namang nag iisa ang Prinsipe. Lumong lumo na sya. Lungkot na lungkot at parang mawawalan nang tiwala sa sarili, ano na lamang ang sasabihin ng kanilang kaharian kung bigo ang kanyang paglalakbay? Anyways, nanatili sa may gilid ng creek ang prinsipe ng may….

Scene 10 : Sa creek

(lights on)
(kakanta ng “Reflection”)

Reflection
Look at me, I can never pass for a perfect bride or a perfect daughter
Can it be, I’m not meant to play this part?
Now I see, that if I were truly to be myself
I would break my family’s heart
Who is this girl I see, staring straight back at me?
Why is my reflection someone I don’t know
Somehow, I cannot hide, who I am, though I’ve tried
When will my reflection show, who I am inside?

Prinsipe Cris : Magandang umaga!
Mulan : Magandang umaga rin!
Prinsipe Cris : Isa ka bang sundalo?
Mulan : Medyo, (pause)… kasi wala pa talaga akong basbas galing sa aking ama, kaya nagdadalawang isip pa ako kung tutuloy o hindi…
Prinsipe Cris : (pause) Pareho pala tayo. Nagkakaroon rin ako ng agam-agam kung babalik pa ako sa aming kaharian?
Mulan : Saan kaharian?
Prinsipe Cris : Ako nga pala si P cris ng kahariang Pili.
Mulan : Mulan, dati magyo, tapos maraw, eh pangit daw kaya ginagawang Mulan.
Prinsipe Cris : Aaaah! (tatango-tango)
Mulan : Bakit ka nagdadalawang isip kung babalik ka sa iyong kaharian?
Prinsipe Cris : Dahil sa ako ay bigo… bigo sa babae, sa pag-ibig! Naglakbay ako upang hanapin ang babae sa aking panaginip, ngunit hindi ko sya matagpuan.
Mulan : Yan lamang ba? Napakasimple lang naman ng problema mo eh! Sa aming bansa sa Chi ang mga royal blood ay ginagawa ang lahat para pagsilbihan ang kanilang subjects, inuuna nila ang kapakanan ng nakararami kaysa sarili. Ibig kong sabihin, bumalik ka dahil may obligasyon ka sa inyong mga nasasakupan.
Prinsipe Cris : Ano kaya at sumama ka sa akin at maging heneral ka sa aking hukbong pangdigma?
Mulan : Hindi maaari! Bago ako maging sundalo at heneral sa isang banyagang lupain, kailaangang ang aking bansa ang uunahin ko!
Prinsipe Cris : Ngunit akala ko’y may agam agam ka?
Mulan : Naiisip ko bilang mamayan ng Chi, at isang mabuting anak, may obligasyon akong pangalagaan at protektahan ito laban sa kalaban. Kaya magpapatuloy ako…
Prinsipe Cris : Kung ganoon eh tatawagan ko ang aming kaharian upang magpadala sila ng reinforcements, marami kaming kawal ___ !!!
Mulan : Hwag na isang makabayang laban ito. Laban naming mga Chino, hindi mga Pilipino at kayo’y mga dayuhan.
Prinsipe Cris : Kung ganon, tanggapin ang transmitter device na ito, kapag pinindut mo ito, ibig sabihin nasa danger ka, at ako’y darating upang iligtas ka. Kapag ako naman ang pumindot, meaning ako ang nasa disgrasya at kailangan ko ang tulong mo.
Mulan : Deal! Sige hanggang sa muli! (aalis na)
Prinsipe Cris : Ting taw neh!!!

(lights off)
(spotlight to the storyteller)

Storyteller : Natauhan na din ang prinsipe, at nagdesisyon nga syang bumalik na sa kanilang kaharian. May dala man syang asawa o wala. Kailangan nyang bumalik, dahil yon ang ipinamukha ni Mulan sa kanya, Buti na lang at sila’y nagkita. Ngunit may isa pang problema, si Basti ang dakilang alalay ay nawawala, kayat nilibot nyang muli ang lugar ng may nakita syang maaaring mapagtanungan.

Scene 11 : Sa dagat

(lights on)
(kumakanta ng “Part of your World”)
Part of your World
Ariel: Look at this stuff, isn’t it neat? Wouldn’t you think my collections complete?
Wouldn’t you think I’m a girl, a girl who has everything…
Look at this throve, treasures untold, how many wonders can one cavern hold?
Looking around here you’d think…sure, she’s got everything…
I’ve got gadgets and gizmos, a plenty
I’ve got what’s its and who’s its galore
You want thing-a-mabobs? I’ve got twenty!
But who cares? No big deal, I want more…
I wanna be be where the people are
I wanna see, wanna see them dancing
Walking along on those, what you call that again? Oh! Feet!
Flipping your fins they don’t get too far
Legs are required for jumping and dancing
Strolling along down those, what’s that word? Street…
When it’s my turn, wouldn’t I love?
Love to explore that shore up above?
Wandering free, wish I could be
Part of that world…
Prinsipe Cris : Magandang araw!
Ariel : Magandang arw din naman! Anong maipaglilingkod ko?
Prinsipe Cris : Magtatanong sana, Kung may nakita kayong lalaking maitim, maliit na nagawi dito?
Ariel : Ang tinutukoy nyo ba si Basti?
Prinsipe Cris : Kilala mo sya?
Ariel : Oo naman, andito sya nong isang linggo, nag-aabang ng masasakyang liner, pabalik sa iyong kaharian.
Prinsipe Cris : Kilala mo din ako?
Ariel : Oo naman, nakwento nga nya na naghahanap daw kayo ng prinsesa.
Prinsipe Cris : Totoo yon! Actually girl of my dreams ang perfect definition nya.
Ariel : Ako po si Ariel, prinsesa ng mga sirena. Pwedeng mag-apply?
Prinsipe Cris : Apply saan?
Ariel : Ako na lang ang iuwi mo? Magiging mabuti akong asawa sa yo, promise! Basta makapunta lang ako sa magarang palasyo sa lupa, masaya na ako.
Prinsipe Cris : Paano, eh, isang kang isda? Hindi naman tayo talo no?
Ariel : Ayaw nyo po ba?
Prinsipe Cris : Hindi naman sa ayaw, gusto ko sana yung may mga paa naman para makasama ko sa lahat ng bagay. (makikitang malungkot si Ariel)
O, wag ka nang malungkot, maging magkaibigan pa rin tayo d ba? Ito kunin mo, pag kailangan mo ako, andyan ang email, celphone, pager at home address ko , tawagan mo lang ako…(horn ng liner)
Ariel : I don’t know when, I don’t know how, but I know something’s starting roght now,
Watch and you’ll see, someday I’ll be…part of your world…
(curtains close)

End of act 1
Break for 5 mins.


ACT 2

(curtains open)
(spotlight to the storyteller)

Storyteller : Bumalik na nga sa palasyo si Prinsipe cris. Tuwang-tuwa ang kanyang Inang Reyna dahil bumalik sya ng maayos. Nagduwang ang lahat sa kanyang pagbabalik. Ngunit nagkaroon ng bulong bulungan na bigo ang prinsipe. Ikinasakit ito ng damdamin ng butihing Hari, at nagpasya syang kausapin ang anak.

(lights on)
Isang welcome party na may Ballroom Dancing Extravagance


Scene 1 : Sa palasyo

King Charlie : (concern ang mukha) Anak , ano ba ang problema?
Prinsipr Cris : Wala ama! (iiwas at titingin sa kawalan)
King Charlie : (hahawakan sa balikat si Cris) Anak, pwede mo namang sabihin sa akin eh kasi (kakanta, duet, Father and Son)
Father and Son
It’s not time to make a change, just relax, take it easy.. you’re still young, it’s your fault there’s so much you have to go through…Find a girl sttle down, if you want to you can marry. Look at me, I am old but I’m happy.. I was once like you are now, and I know that it’s not easy to be calm when you find something’s going wrong, so take your time, think a lot. Thik of everything you’ve got, for you will still be here tomorrow, but your dreams may not…

Prinsipe Cris : Nahihiya ako ama, nasabihan na ang lahat na by March, eh, mag- aasawa na ako. February na wala pa akong bride to be.
King Charlie : (ngingiti-ngiti) Kung yan ang inaalala mo! Magagawa nating yan ng paraan. Agent J n E, A (sigaw)
Agent J and E, A : (humahangos) Bakit po kamahalan? (naka-pose pa ring ANGELS)
King Charlie : (sigaw) Magpadala kayo ng imbitasyon sa lahat ng mga prinsesa dito sa atin at sabihin nyong iyon ang engagement party ng mahal na Prinsipe.
Agent J and E, A : (sigaw) Yes sir! At your service! (saludo pa)
King Charlie : (pause) At hwag, nyong kalimutang bigyan ang prinsesang anak ng kaibigan kong pari!
Prinsipe Cris : (titingin sa ama) Ama alin po? Yung prinsesa dyan sa kabilang bakod?
King Charlie : Bakit anak may problema ba don?
Prinsipe Cris : (tatawa) Wala naman po, naalala ko lang na kalaro ko pala sya nong bata pa kami, ano kaya ang itsura nya ngayon? Baka ganon pa rin! Mataba, tinagyawat, kinky ang buhok… ama sigurado ba kayong iimbitahan nyo sya? (pause)
King Charlie : (taas ang kilay) Bakit? Ano naman ang masama don?
Prinsipe Cris : (kibit-balikat) Wala po kayong bahala!
King Charlie : Dapat lang ! Inday! Inday! (sigaw)
Inday : (humahangos) Kamahalan!
King Charlie : Tawagin ang reyna!
Inday : (di aalis) Opo (sigaw) Queen latifah! Queen Latifah! Tawag po kayo ng hari! Queen Latifah!
King Charlie : (kukurutin sa singit) Ba’t ka sumusigaw dyan? Tawagin mo! Puntahan mo! Dali!
Inday : Opo (aalis na)
Queen Latifah : (lalabas kasama ang dalawang alalay na sina Damas Noche at Mañana) O bakit honey?
King Charlie : Magkakaroon tayo ng malaking handaan sa susunod na linggo. Doon ay pipili ang ating anak kung sino ang gusto niyang pakasalan sa mga darating na bisita.
Queen Latifah : Yan! Yan maganda yan ipapadecorate ko na ang kaharian at magpapahanda na sa gabi ng piging. Halina kayong lahat!!

(lights off)
Story teller:


Scene 2 : Sa palasyo

(papasok na ang mga prinsesa, kanya kanyang pa cute at papansin na sila, at in-aanounce ni basti ang pangalan ng mga pumapasok. Si Cindirella,si Pocahontas ay muntik ng di makapasok dahil sa suot nila, si Jasmine, Megara, Belle, Aurora, Snowhite, Ariel, at Esmeralda with the dancers, at si Little Red Riding Hood)

Basti: (announce) Atin pong bigyan ng masigabong palakpakan ang mahl na hari at reyna ng kahariang pili!(lalabas ang hari at reyna, kasama ang mga alagad)
Atin rin pong bigyan ng masigabong palakpakan ang mahal na prinsipe Cris!(pause) Tayo po ay narito ngayon upang ipaalam sa publiko kung sino ang babaeng magiging kabiyak ng prinsipe.
Basti: Ipinakikilala si bb. Cinderella!
Cindi: magandang gabi po Prinsipe cris!
P cris: Magandang gabi naman. Masaya’t ako nakarating ka.
Cindi: umaasa po akong kahit papaano’y mapagtuunan nyo ulit ng pansin.
P cris: salamt cinderella.

Basti: bb. Pocahantas!
Poca: Magandang gabi cris.
Pcris: magandang gabi rin poca. Umaasa akong hindi na ako matatamaan ng iyong palaso sa susunod na paglalakbay ko.
Poca: Hindi na cris, palaso ni kupido ang tatama sayo.
Pcris: ngunit may hinihintay ka?
Poca: Hindi siya tumupad sa aming usapan…
Pcris: ikinalulungkot ko…

Basti: bb. Jasmine
Jas: Hi!
Pcris: Bakit ka andito? Hindi ba’t kasl ka na kay alladin?
Jas: hindi ko natagpuan ang lampara’t natakot akong bumalik kaya dito ako pumunta.
Pcris: ganon?!
Jas: ganon!

Basti: bb. Megara
Pcris: Megara! Anong nagyari? Namali ka yata ng pinuntahan?
Meg: Naloko ako,kahit langgam walang sumundo sa akin. Napanis ako sa kahihintay, walang dumating kaya nang akoy sinabihang may piging naisipan kong dito na lang ako.
Pcris: Ah … nakakaawa ka naman. Pwede kang dumito hanagang kailan mo gusto.
Meg: salamat!
Pcris: walang anuman.

Basti: bb. Esmeralda
Es: ( nasasayaw) gandang gabi!
Pcris: Gandang gabi din: wala ba kayong show o performance? Akala ko nas broadway na ikaw?
Es: pinag-isipan kong mabuti ang alok mo, kaya ako andirito ngayon. Gusto ko na.
Pcris: Gusto mo ang alin
Es: --- magpakasal sayo! Kaw ha!
Pcris: ikaw kasi eh!

Basti: bb. Aurora
Pcris: Magandang gabi!
Au: maaliwas ang gabi noon nang ako’y iyong halikan.
Pcris: Hah!!!
Au: ramdam ko po hanggang ngayon ang tamis ng iyong halik,ummmm
Pcris: bb. Maghulisdili ka…
Au: Salamat pala sa paggising mo sa akin…
Pcris: walng anuman.

Basti: bb snow white
Sno: may pasalubong akong mangga para sayo,mahal na prisipe
Pcris: anong nangyari sa laban mo?
Sno: Natalo ko na ang bruha, ngunit namatay pa rin ang aking ama at si richard at kasama ko na lamang ay mga duwende, eh wala namang bagay sa akin kundi kayo lamang My prince.
Pcris: salamat sa mangga.

Basti Bb. Belle
Belle: magandang gabi mahal.
Pcris: ows?
Belle: totoo naman, eh napatay namin yung beast, nilason ni gaston at ngayon ay nais nyang magpakasal kami. Sabi ko hindi ko sya labs ang mahal ko ay ikaw.
Pcris: Belle d rin ako sigurado sa sitwasyon…
Belle: cris?!

Basti: bb ariel!
Ariel: Magandang gabi kamahalan!
Pcris: ariel the little mermaid?
Ar: opo!
Pcris: (tuliro)Akala ko ba, hindi kayo pwedeng- bakit may paa ka?
Ar: dahil po yan sa magic , saking wagas na pagibig.
Pcris: (tawa) may paa kana talaga! Saya naman!

Little RRH: (pagkatapos ng pagtawag ay sisingit ito at lalapit sa Prisipe at iaabot ang dalang basket) Ahhh, Prinsipe cris?
P Cris: O! Little Red Riding Hood! Eee, Rosalinda pala…andito ka rin?
Little RRH: Dinalhan ko lang po kayo ng malagkit gaya ng ipinangako ko sa inyo noon..
P Cris: Ahh…salamat, sige ibigay mo na lang sa aming mga kawal…
Little RRH: Sige po..


Basti: at ngayon kung sino ang bibigyan ng mahal na prinsipe ng bulaklak ay ang sya nyang magiging kabiyak! ( palakpakan)

( nag1round pa ng ikot si Pcris at mukahan ibibigay na nya kay ariel nang biglang pumasok si bertha at nahynoptize silang lahat.)
Bertha: ( tawa) muntik na pala akong nahuli! Pero ngayon , akin ka na ! kung medya- medya lang ang magic ko noon ngayon mas malakas na (tawa)
Alis dyan ariel, cris harap ka sakin, sakin mo bigay ung bulaklak. ( giggle) sa wakas! Ano ba yan? Lumuhod ka naman (halakhak) akin na…
(nang biglang)

MC: ( awit ni Maria clara/ ikaw. Mededefroze silang lahat at matatauhan. Hindi matutuloy ang pagbibigay ng flower. Ma e entice ni Maria clara si cris at iaanounce ni basti kung sino sya)

Basti: bb. Maria Clara!
(sasalubungin ni cris si Mc at on the way madadapa sya tapos aalalayan ni MC)
Pcris: magandang gabi Maria!
MC: Magandang gabi rin!
Pcris: kaytagal na nating di nagkita, ang laki ng pinagbago mo ang ganda ganda mo na na ngayon.!
MC: salamat pasensay na pala kayo at late ako, traffic kasi eh lam nyo naman pinas ito eh.
Pcris: ok lang un. Ang mahalaga , nakarating ka! Basti ang bulaklak para sa pinakamaganda at pinakadakilang prisesa’t ng buhay ko, para sa pagkahanap ko rin sa waks ng babae sa panaginip ko, ang mga bulaklak na ito ay sayo. Will u marry me?
Bertha: ( sisigaw at aagawin ang sandata ng mga kawal, ngunit agad dumating si Mulan at iniligtas nya si MC kay Bertha, patay na c Bertha at tuwang tuwa ang lahat)
Hindeh!
Pcris: mulan salamat!
Mulan: Pinindot moeh kaya ako andito!
Pcris: salamat talaga
Mulan: walang anuman sige ituloy ang selebrasyon.

Pcris: naalala ko Bb. Maria Clara, hindi nyo pa po sinasagot ang tanong ko.
MC: ano naman yung tanong mo?
Pcris: Papayag ka bang magpapakasal saakinat maging reyna ng buhay ko?
MC: (thinks) ummmhhh! OO pumapayag ako.
( nagsaya ang buong kaharian at naging magasawa nga sila)

story teller: kay layo layo pa kasi ng nilakbay, nasa katabi lang pala yung hinahanap nya. Ang babae ng kanyang panaginip. Ang sinisintang kababata ay say ring kanyang mamahalin hanggang tumanda. Naging maligaya ang kaharian ng pili at naging hari si Prinsipe cris at rey na naman si Maria Clara. Tinatawag na sila ngayong haring Crisostomo Ibarra at reyna Mariah Clara ng kaharian ng pili. Ika nga sa Ingles e … they lib hapily eber apter!

****The end*****

0 Comments:

Post a Comment



Template by:
Free Blog Templates