04 June 2007

Nais Ko

nais kong lumipad at magkaroon ng pakpak
ilayo ka sa lugar kung saan ka maaaring mapahamak
ang mundo ay malupit, alam nating lahat
ngunit bakit kinakailangang maramadaman mo ang takot ngayon?
kung saan ang lahat ay tila alapaap
sa piling mo ako ay nangangarap
na sana habang buhay ikaw ang kayakap
ngunit, takot ang sumisiil
nanaghoy sa aking kaibuturan
kung maaari lang sana na ikaw ay bantayan
sa lahat ng oras, lahat ng panahon
upang kahit daplis ng takot
ay hindi mo maramdaman
magpakatatag ka, tibayan mo ang iyong sarili
may awa ang Maykapal
gagabayan Niya ang mga nagmamahal
wala ako magawa
kaya sa Kanya kita iniaasa
na lagi ay iligtas ka
huwag kang pababayaan,
sampu ng iyong pamilya
ngunit kung isang araw makaligtaan Niya
nais kong malaman mo
hihilingin kong gawin Niya akong anghel
upang sa gayon ikaw ay mabuhay
manatili sa lupa
mundong mapaglaro sa tadhana
hindi ka na mababahala
iingatan kita, hanggang kailan man...

0 Comments:

Post a Comment



Template by:
Free Blog Templates